Chapter 55:

7.9K 118 18
                                    

Shantelle Kristina

"Hindi... Hindi pwede..." Iyon ang narinig ko kay Ram habang unti unting lumuluwag ang kapit nito sa akin.



Anong nangyari? Bakit tumigil ang mga Doktor?



"I'm sorry. Time of death, 10:45 pm." Sabi ng Doktor ng lumabas ito ng silid. Parang hindi pumasok sa utak ko ang sinabi ng Doktor.



Umalis si Ram sa tabi ko at tinungo ang loob ng silid ni Zeyrone.



Doon na ako natauhan ng makita ko ng umiiyak si Ram habang yakap yakap ang walang buhay naming anak.



"H-Hindi... Hindi po, pakiusap, buhayin nyo ang anak ko. Ulitin nyo po ang pagrevive sa anak ko." Iyak ko sa Doktor at sa ibang Nurse na lumabas sa silid.



"Im sorry." Sagot ng Doktor at yumuko.



"Hindi!" Pinigilan na ako nina Mama sa kakapilit sa Doktor. Binangga ko ang Doktor at tinungo si Zeyrone.



"Baby Zeyrone! Gumising ka na pakiusap. Nandito na si Mommy eh, pakiusap anak..." Niyakap ko si Zeyrone at pilit na tinatapik ang pisngi nito para magising.



"Zeyrone anak...." Patuloy ako sa paggising sa anak ko pero hinawakan ako ni Ram. Napatingin ako dito na lumuluha rin, umiling  ito na parang ipinahahatid sa akin ng tingin na iyon na.



Tama na... Wala na ang anak natin...



Umiling rin ako. Umiling ng umiling at sinasabing...



Hindi! Hindi! Hindi ako iiwan ng anak ko!



Muli kong pimagmasdan si Zeyrone. Walang tigil ang pagluha ko, walang tigil ang paghagulgol ko. Tila babagsak ang sistema ko, hindi totoo ang mga nangyayari! Lahat ng ito ay panaginip!



Utang na loob, kung panaginip man ito, gisingin nyo na ako dahil isa itong bangungot! Hindi ito totoong nangyayari.



***



Wala ako sa unang burol ni Zeyrone. Hindi masamang panaginip ang mga nangyari dahil lahat ay totoo, ayaw ko pa rin tanggapin ang mga nangyari. Kahit nasa harapan ko na, ayaw ko pa rin tanggapin.



Kinailangan akong magpahinga dahil sa sitwasyon ko. Ilang beses akong nawalan ng malay nung araw na idineklarang patay na ang anak ko.



Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin dahil ayokong tanggapin. Pinagpahinga ako ng doktor ko dahil maaring mapasama ang kambal na dinadala ko.



Ngayon nga ay pangalawang araw na ng burol na ni Baby Zeyrone. Dapat ay nasa hospital pa ako para magpahinga, pero nakiusap ako na sa  bahay na lamang ako magpahinga. Sa totoo lang hindi ko pa talaga kaya, sobrang nanghihina ako.



Natatakot rin sila sa pwedeng mangyari sa akin at sa mga kambal kapag nakita ko na si Zeyrone na nakahimlay roon. Kaya naman may kasama akong personal nurse ngayon.



Nasa tapat na kami ng chapel kung saan nakaburol ang pinakamamahal kong anak.



Wala pa man ay naiiyak na ako, nanginginig na ang buong katawan ko habang nakamasid sa bukana ng chapel. Sa mga kamay ko ay hawak hawak ko ang spiderman na paboritong laruan  ni Baby Zeyrone at  isang solong picture nito na nakalagay sa picture frame.



"Let's make it fast, you still need a rest." Yumuko ako at pumatak na ang luha ko sa kamay ni Ram na nakapatong sa kamay ko. Sinundo lang ako saglit ni Ram sa bahay para makapunta ako rito.



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon