-Chapter 4-

894 29 9
                                    

"ALL you have to do, son is to marry the girl I chose for you and the CEO position would be totally yours," hindi kumukurap na sabi ni Don Luis Samaniego sa panganay na anak na si Zander. Pagkatapos ay nagbuga ito ng usok ng tobacco. He looked almost exactly like The Godfather himself, Don Vito Corleone. He looked formidable and stern.

Ridiculous! Ani Zander sa isip nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Hindi alam ni Zander kung binibiro lang siya ng Don o seryoso ito. But then again, he knew his father to be a serious person with almost everything. He hardly ever jokes around. Don Luis would only loosen up when he's around with his wife and Zander's mother Estrella— who passed away when he was sixteen. And Zander thought that it was one of the traits that he got from his father.

Kung hindi lang napanatili ni Zander ang composure ay malamang na nalaglag na siya sa kinauupang executive chair sa loob ng kanyang opisina sa Stellar Holdings. Pagkaraan ng ilang saglit, nang ma-process ang sinabi ng kanyang ama ay napailing-iling siya at pagak na tumawa. "If that's a joke, you're too late for April fools, Dad. Don't be ridiculous." Kinuha niya ang fountain pen at nagsimulang ipaikot-ikot iyon sa kanyang mga daliri. Iyon ang habit niya kapag nagsisimula siyang ma-tense. Either that or he would light a cigarette.

He smoked his pipe again before he spoke. "Who says I am kidding? It's the only thing you could do Zander to get the position I know you always wanted. Either you marry Marisol's daughter or you can kiss your ass goodbye in this company." Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito.

Napamulagat si Zander sa narinig mula sa ama. Are you really fucking kidding me, Dad? He wanted to ask but he restrained himself from blurting that out. "But I have every right to be the CEO of this company! I'm your eldest and your only son if you must remember." Totoo namang may karapatan siya sa posisyong iyon bilang anak siya ng Chairman and CEO ng Stellar Holdings. Bukod pa roon, nasa kolehiyo pa lamang siya ay tine-train na siya ng ama para pamunuan ang kanilang mga negosyo balang araw. Umaasa si Zander na sa kanya nito ibibigay ang posisyong alam niyang karapat-dapat sa kanya. Tatlo silang magkakapatid at pawang dalawang babae ang sumunod sa kanya na wala namang interes na pamunuan ang kanilang mga kompanya. Walang ibang pagpipilian si Don Luis kung hindi ang i-promote siya from Executive Vice President to CEO.

"Oh, believe me, hijo, you can't be the CEO kung hindi ka naman iboboto ng Board. Tandaan mo rin na malakas ang impluwensya ko sa kanila. My recommendation would affect your status in this company. I might pass on the CEO position to your Uncle Frank. Tutal, deserving din naman siya sa posisyong pinapangarap mo. Kung tutuusin ay marami din siyang naiambag para mapaunlad pa ang Stellar. At kahit kailan ay hindi pa siya pumalpak sa mga ipinagawa ko sa kanya."

Alam ni Zander na tinutuya siya ng ama lalo na sa huling sinabi nito. It's been almost three weeks since his botched business transaction with Mr. Tenco. When his father learned about what happened between him and Mr. Tenco, Zander got a tongue-lashing from him. Hindi naman niya ginustong mangyari iyon dahil technically, hindi niya kasalanan. Pero pagdating sa kanyang ama, hindi siya maaaring mag-rason dito dahil hindi nito pinakikinggan iyon. Kung palpak ka ay palpak ka talaga ayon pa rito. At alam din ni Zander na dahil doon ay nararamdaman niyang nawala ang amor sa kanya ng ama. Madalas nitong pinapaboran ngayon ang nakababatang kapatid na si Frank, ang kasalukuyang Chief Financial Officer o CFO ng Stellar Holdings.

At maisip pa lang ni Zander sa tiyuhin o marinig ang pangalan nito ay nasusuya na siya. Pitong taon ang tanda nito sa kanya, hindi siya sanay na tawaging itong "Uncle" at ang kompetisyon sa pagitan nila ay hindi na niya maalala kung kailan pa nagsimula. He hated the man. Hindi lang dahil ito ang "superstar" sa mata ng kanyang ama, kundi dahil inagaw rin nito sa kanya ang babaeng mahal niya. Napahigpit ang hawak ni Zander sa fountain pen nang sumagi sa isip niya si Gretchen Garcia— his girlfriend for years. Hindi siya makapaniwala na kaya nitong gawin ang ginawa sa kanya. They've been dating since they were in college. They were in love or so he thought. He was already planning to ask for Gretchen's hand on marriage. But guess what that bitch did to him even before he got the idea to propose to her?

THE CARREON SISTERS: SUDDEN BRIDES TRILOGY - The Marriage BargainWhere stories live. Discover now