Now Playing: Paper Plane by FT Island
"Nobody cares how hard you try, nobody cares how loud you cry.. hmmmmm..." Sabay ko sa tugtog ng sasakyan ko. Napapasayaw pa mga darili ko habang hawak ko ang manibela. Papunta ako ngayon sa bago kong apartment pero bago pa ako dumiretso sa bagong bahay, dumaan ako sa Gasoline Station, maghapon na ata akong bumibyahe kaya laging uhaw 'tong kotse ko.
Huminto ako sa isang station at naghintay na lapitan ng gasoline boy. Medyo binaba ko yung bintana ko.
"One Thousand, Unleaded" sabi ko sa boy. Pero dahil medyo malakas yung sounds ko sa loob parang di nya ako masyado narinig. Sumenyas nalang sya na buksan ko yung Gas tank.
Pagkabigay ng resibo ko, pinihit ko na kaagad yung sasakyan ko. I'm so damn tired. Maghapon na ata ako bumibyahe. Mga dalawang oras pa akong nagbyahe matapos kong magpagasolina nun. Mabuti nalang at hindi matraffic sa lugar na yon. "Pleasant Homes Subdivision" sambit ko ng makita ko ang subdivision nang bago kong tutuluyan. Huminto ako sa tapat ng isang bahay, tiningnan ko yung hawak kong papel kung saan nakasulat yung address na binigay saken ng Ate ko. Sya kasi nagasikaso ng matutuluyan ko dito. ""Okay." bulong ko bago ako bumaba ng sasakyan.
"Tao po?" Sigaw ko. Tao po!!" Saka ko medyo ginalaw ko yung gate, nagtaka ako kasi nakabukas ito. Dumiretso na ako sa loob dahil sigurado naman akong ito yung address ng bago kong tutuluyan. "Tao po?" Pumasok ako sa loob at binuksan ko yung ilaw. Walang tao. Dinukot ko yung cellphone ko sa nag-dial. Tatawagan ko yung may-ari.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya."Sino 'to?" Lalaki yung sumagot. Umarko yung kilay ko sa sinabi nya. Hindi ata uso dito yung salitang "hello". Nagtaka din ako kasi sabi ni Ate Yen, babae yung may-ari.
"Ahm? Is this Mrs. Lorena Esquivel?" tanong ko padin.
"Wait" tinakpan nya yung mouth piece but I can hear him still.
"You have a phone call." narinig kong sabi nya sa kabilang linya."Hello? Who's on the line?" Medyo matanda na yung boses ng babaeng ito, baka sya na nga yung hinahanap ko.
"Good evening, is this Mrs. Lorena Esquivel?" Paniniguro ko.
"Yes dear."
Nakahinga ako maluwag. Finally.
"This is Kaye Ortega." Sagot ko.
"Ah yes, are you there already? Wait I'll go there." Binabaan nya ako.
Napatingin ako sa phone ko. Nagtaka ako dahil dalawang beses na akong hinahang. Haha. What's with them? Habang hinihintay ko yung may-ari, inikot ko na yung buong bahay. Two storey house. Medyo maliit lang pero okay nadin, hindi naman ako 'titira' dito. I mean you know, my life belongs to the outside world. Umupo ako sa sofa para makapagpahinga. Sinandal ko yung likod ko saka medyo pumikit."Maririnig ko naman siguro pag dumating na yung may ari." Sinabi ko sa isip ko.
**************************************************************
<incoming tone alert> "Kringgggggggg.... kringggggggggggg"
"Hmm?" Kinapa kapa ko yung cellphone ko sa kama. Pikit mata kong sinagot yung tawag.
"Hm-hello?" inaantok kong sagot.
"Katherine? Bakit mo tinulugan si Mrs Lorena kagabi? Anong nangyari sayo? Bakit hindi mo ako tinawagan, tawag ako ng tawag sayo." Litanya ng ate ko sa kabilang linya.
"Hm, good morning too ate." napadilat yung isang mata ko. Napansin kong maliwanag na. Sumisilip na yung sikat sa kurtina dito sa kwarto.
"Hey, wake up now. Nakakahiya sa may-ari ng bahay. Hay, ewan ko talaga sayo. Buti nalang mabait sila. Pinaghakot mo pa ng gamit mo yung may-ari." Alam kong nagme-make face na naman tong si ate. Pero teka? Bakit nga ba ko andito sa kwarto. Paano at kelan pa?
Napabalikwas ako ng bangon. "Woa?" Tangi kong nasabi, saka ko kinausap uli si ate.
"Anong sabi mo te?" Medyo kinabahan na ako."Dumating sila Mrs. Esquivel dyan kaso tulog ka raw kaya sila na nagpasok ng mga gamit mo. Hay nako Katherine umayos ka. Sige na bumangon ka na, puntahan mo yung may ari at mag-sorry. My meeting will start in a few minutes, update me okay? Bye!" And she hang up on me.
Seriously? Anong nangyari kagabi? All I remember is naghihintay ako sa landlady, then umupo and.. and... THAT'S IT. Napabangon ako agad, at dali daling bumaba. Naabutan kong may nag-aayos ng pagkain sa lamesa.
"Hm? Ahh... hmm?" Di ko alam paano ako magsisimula.
"Gising ka na pala Hija, kain na habang mainit pa." Yaya nya sa akin.
Napatingin lang ako habang pababa ng hagdan. Napansin naman nyang hindi ako sumagot. Nakita kong ngumiti sya saka lumapit saken.
"Hindi mo na kasi nahintay ako kagabi." nakangiti padin sya habang nagtataka padin ako.
"I'm Mrs. Esquivel, but you can call me, Tita Lorie." Sabay kindat sa akin. So sya pala yung may-ari. Shocks. Cool pala itong land lady ko. Hinila nya ako papuntang lamesa saka pinaupo.
"Sorry po kagabi. Hindi ko po akalaing makakatulog ako. Sorry po, pagod lang po." Halos hindi ako makatingin sa kanya. Hindi padin naalis yung mga ngiti nya.
"Okay lang. Don't worry. Kain ka na habang mainit pa. Kumain ka ng madami at madami ka pang aayusin." Sabay nguso sa kabilang side ng bahay. Doon ko nakita yung mga gamit ko. Hay nakakahiya. Seriously? Pinagbuhat ko itong land lady ko? I'm hopeless.
"Don't worry, hindi naman mabigat." mukhang nabasa nya yug reaksyon ng mukha ko."Sorry po." Tanging nasabi ko nalang.
Umalis na si Tita Lorie after naming magpirmahan ng kontrata. Binigyan din nya ako ng notes kung saan mga magagandang puntahan. Mga DOs and Don'ts at kung anu ano pa. Ibang klase, napangiti ako dun. Namiss ko bigla si Manang Solidad, sya yung naging yaya ko mula nung maliit ako hanggang magka-isip. Sya rin yun nag-alaga kay Ate nung maliit pa sya. Na-feel ko tuloy na magiging maayos ang pakikitungo nya sa akin unlike sa mga dati kong narentahan na apartment. Tingin ko magiging maayos ang tatlong buwan kong ii-stay dito. Inayos ko na mga gamit ko. Isang luggage lang naman itong mga damit ko. Ang mabigat lang dito is yung gitara ko pati mga gamit ko sa photography. Inassemble ko yung guitar stand. Pati nadin yung tripod at kung anu ano pang gamit sa photography at music.
Feeling ko ang weird ng hobbies ko, photography and music. I'm really in to music, but since lagi akong lumalabas at bumibyahe, nagustuhan kong magphotography at mas lalo ko sya ipinursue dahil sa ate ko na nahilig din sa photography coz of her husband. Alas dos na ata ako natapos maglinis ng buong bahay. Hindi pa pala ako nagtatanghalian kaya pala gutom na ako, lumabas ako para mag-grocery sa malapit na mall na nakasulat dun sa binigay ni Tita Lorie. Pumasok ako sa kotse ko saka inistart. Pero bago ako makaandar, may biglang kumatok sa bintana ko. Sumenyas sya na ibaba yung bintana pero hindi ko ginawa, mamaya holdaper to or masamang tao. Nung napansin nyang wala akong balak ibaba yung bintana, sumigaw sya.
"Hey! San ka pupunta?" sigaw nya. Sino ba ito? Ang kapal naman nito sa isip isip ko. Hindi ko padin sya pinansin. Hindi naman ako makadrive kasi nakaharang sya. My goodness, gutom na ako at wala akong balak makipaglokohan dito sa flip na ito. Binabaan ko sya ng bintana.
"Pwedeng alis ka dyan?" Asar kong sabi sa kanya.
"Sa mall ka ba pupunta?" Nakangiti pa nyang bati sa akin. "Pasabay naman ako sa labas lang, may pinabibili kasi si Mommy." Nagpanting yung tenga ko. Wow lang. Ano to instant bestfriend? Pakialam ko ba sa mommy nya. Ano ba ito! Oh Lord, make me a channel of your peace.
"Sino ka ba? Sino mommy mo? Ay wait wag mo sagutin, I don't really care. Please do your own business here." Naiinis na ako.
"Sige na sa labas lang naman, saka tinulungan naman kita kagabi. Bigat kaya ng mga gamit mo... Lalo ka na." Hindi naman nawala yung ngiti nya at mas lalo pa syang nagbaby-face dahil pagpplease nya.
"Lalo ka na..."Lalo ka na.." Lalo ka na..." Paulit ulit sa tenga ko yung huling linya na binanggit nya."Huh (o_0)?"
BINABASA MO ANG
Lieu Plein D'Amour ( A Place Full of Love)
RomancePROLOGUE: I love to travel. It is my passion. New things, new places, new experiences. I want to make memories all different places. I've been travelling for five years now. I'm perfectly living the way I want to live. I'm more comfortable when I'm...