AJ POV
Namamadaling pumasok ako sa ospital kung saan daw dinala si Reign. Nakita ko namang nakasunod sa akin ang mga magulang ko at magulang ni Reign. Alam kong naguguluhan sila dahil hindi ko manlang sinabi kung ano nangyayari bago ako umalis kanina. Kahit ako man ay naguguluhan at hindi makapag isip ng ayos.
Nagtanong agad ako sa info desk at sinabi nila na nasa operating room si Reign kaya agad agad ko itong hinanap.
Pagdating namin doon ay saktong lumabas ang isang doktor.
"Doc! Kamusta na po si Reign?" Sabi ko dito.
"May head injury ang pasyente marahil ay tumama sa matigas na bagay ang kanya ulo. Kailangan na nyang maoperahan ngayon. Excuse me." Sabi nito saka pumasok ulit sa loob.
Nanghihinang napaupo ako dahil sa narinig.
"Kasalanan ko to eh. Hindi ko dapat sya hinayaang magdrive mag isa. Dapat sinundo ko na sya kahit ayaw nya." Umiiyak na sabi ko. Pilit naman akong pinapakalma ng mga kasama ko.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo dude! Aksidente ang nangyari." Narinig kong sabi ni Gab.
Nang medyo kumalma na ako ay tinanong na nila ako kung ano daw ba ang nangyari.
Ikinuwento ko sa kanila lahat simula sa pagtawag nya na huwag ko na syang sunduin hanggang sa may tumawag na sa akin na sinabi ang nangyari kay Reign.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo AJ. Wala kang kasalanan sa nangyari. Makakaligtas sya, magtiwala lang tayo sa itaas." Sabi sa akin ng mommy ni Reign.
Matapos ang ilang oras ng paghihintay, lumabas na din ang doktor.
"She's safe now. Sa ngayon wala pa syang malay, hindi pa natin alam kung kailan sya magigising kaya kailangan pa namin syang obserbahan sa mga susunod na araw." Paliwanag ng doktor.
Thanks god she's safe! Sabi ko sa sarili ko.
Nailipat na ng private room si Reign. Naupo muna ako sa couch medyo malayo sa kanya at mataman lang syang pinagmamasdan.
"Dude! Pahinga ka muna. Ako na muna bahalang magbantay." Sabi ni Gab. Kami na lang dalawa ang naiwan dito at pansamantalang umuwi ang mga magulang ni Reign para makapaghinga at makakuha na din ng gamit namin. Umuwi na din ang mga magulang ko.
"Okay lang ako Gab!" Sabi ko dito.
Tumayo na ako at umupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Reign.
"Bibili muna ako ng pagkain." Paalam sa akin ni Gab saka lumabas ng kwarto.
Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa kalagayan ngayon ng mahal ko. Ligtas na nga sya sa panganib pero hindi din sya nagigising.
"Babe! Please wake up!" Sabi ko dito.
"Kung hindi lang sana kita hinayaang magdrive mag isa hindi mangyayari sa iyo to babe. I'm sorry! Hindi kita naprotektahan."
"Babe gumising ka na dyan. Magppropose na ko sa iyo eh. Diba ito yung gusto mo? Babe tutuparin ko na. Papakasalan na kita. Iniwan ko na ang pagsusundalo ko para sa iyo. Kasi mahal na mahal kita. Kaya babe please.. gumising ka na." Patuloy pa din ako sa pag iyak.
"I love you so much babe!" Bulong ko dito sabay dampi ng halik sa kanyang labi.
"Dude! Kain muna tayo." Narinig ko sabi ni Gab habang tinatapik ang balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Dala na din siguro ng matinding pagod. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya lumapit na ako kay Gab na inaayos ang kakainin namin.
Kinabukasan bumalik na din ang mga magulang ni Reign.
"AJ anak. Magpahinga ka muna kami na munang bahala kay Reign." Sabi sa akin ni mom.
Ayoko sanang umalis pero tama sila kailangan kong munang magpahinga.
Bago ako umalis ay dinampian ko ulit ng halik ang labi ni Reign. I miss her so much!
"Babe babalik ako agad, mapapahinga lang muna ako sandali ha? I love you so much!" Bulong ko dito bago tuluyang umalis kasama si Gab.
Nagpapasalamat na din ako sa bestfriend dahil lagi syang nasa tabi ko kahit na may asawa na sya.
Sa kotse na nya kami sumakay at sinuggest nyang sa bahay muna nila ako mapahinga. Pumayag na lang ako dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas para makipagtalo.
"How is she?" Tanong ni Abby ng makarating kami sa bahay nila. Hindi ako umiimik kaya si Gab na ang nagsabi sa asawa nya.
Pumasok na ako sa guest room nila at agad din naman akong naligo para maibsan ang pagod na nararamdaman ko. Pagkatapos ko ay agad na humiga ako para makapagpahinga. Kailangan kong makabawi ng lakas para makapunta na ulit ako sa ospital.
Nakaramdam agad ako ng gutom ng magising ako kinabukasan. Hindi na nga pala ako nakapaghapunan kagabi dahil dirediretso ang tulog ko. Hinayaan na lang dun siguro ako nung mag asawa na makapagpahinga.
Nagshower na agad ako at naghanap ng masusuot na damit. May mga gamit kasi kami ni Reign dito dahil minsan ay dito kami natutulog sa mismong kwarto na to.
"Gising ka na pala. Tara na at kumain para makapunta na tayo sa ospital. Pababa na din naman si Gab." Sabi ni Abby habang naghahain sa mesa. Wala kasi silang maid, nagpapatawag lang sila ng maglilinis ng bahay nila weekly. Ewan ko ba sa dalawang to kung bakit ayaw maghire para may makatulong sila dito.
Nang matapos kaming kumain ay agad din kaming umalis.
Kotse ulit ni Gab ang gamit namin but this time sa backseat ako naupo hinayaan ko na lang magtabi yung dalawa.
Tahimik lang akong pinagmamasdan silang naglalambingan. Lalo ko tuloy namiss ang babe ko. Sana magising na sya.
Nang makarating kami sa ospital ay agad ko ding nilapitan si Reign.
"Babe I'm here na ulit. I miss you so much babe! Sana magising ka na." Sabi ko dito.
"I love you so much babe!" Bulong ko dito sabay dampi ng halik sa kanyang labi.
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...