Kabanata I

15 1 4
                                    

---------------

Photo of Kc Eos above. At oo, si baekhyun talaga yan.

Enjoy reading

--------------


"Andyan na si Sir!" sigaw ni Simon. Agad agad namang nagtakbuhan at nagsibalik ang mga kasamahan ko sa sari-sarili nilang pwesto. Ang kaninang maingay at nagchichismisan ay nagtransform sa mabubuting empleyado dahil lang padating na si Sir.

Hmm. Why wouldn't they be? Takot ang lahat na mapagalitan dahil halos bawat linggong lumilipas ay may natatanggal na empleyado.

Kung hindi lang siguro malaki magpasweldo dito ay matagal na rin akong nagresign. Ikaw ba naman ang palaging pag initan ng boss mo. Jusko. Kahit konting typo lang hindi pa mapatawad. Parang ang perfect nyang nilalang.


Pero kung tutuusin ginagawa lang naman nya yung trabaho nya. At wala naman ako sa lugar para magreklamo sa kanya. In the first place, boss ko parin sya at ako? Isang hamak na empleyado lang.


Pinagmasdan ko si Sir habang papasok ng building namin. Ang totoo pa nga nyan, gwapo naman talaga si Sir. Kadalasan pumapanget sya. Ang problema dun, nakakapanget ang pagiging masungit. Palaging seryoso ang mukha at parang napakamahal ng ngiti nya. Kumbaga sa prof, sya yung sobrang terror.

Naisip ko nga. Siguro walang lovelife si Sir kaya malungkot yan. At kung iisipin nga naman. Malas din ng magiging girlfriend nya kung lumaon. Walang magtatagal sa kanya sa sobrang sungit nya. Para syang nagboyfriend ng tuod no'n. Ay hindi pala tuod, masungit na tuod!

" Tapos kana bang titigan ako?" Nagulat ako. Bakit hindi ko manlang napansin na papalapit si Sir sakin. "Kung tapos kanang tumitig sakin, Ms. Eos, sumunod ka sakin sa office"

Wala akong nagawa. Hindi manlang ako nakapagsalita kahit isang letra. Sumunod nalang ako sa office. Siguro'y sesermonan nanaman ako nito. Jusko. Kung sermon lang ya'y sanay na sanay na'ko. Ang swerte ko pa nga dahil kahit lagi nya kong napag iinitan ay hindi nya ako tinatanggalan ng trabaho.


Umupo sya sa swivel chair nya at tumitig sakin habang umuupo ako. Ano nanaman kayang trip ne'to? Kung wala nanaman syang magawa at pati yung pagkatulala ko kanina ay papansinin nya. Confirmed! May saltik talaga syang nilalang.

"May meeting akong pupuntahan sa Bataan. I need you there. Habang wala pa kong secretary, ikaw muna ang isasama ko sa mga meeting. That's a five day tour kaya prepare your stuffs. Mamaya na 'yong gabi kaya, hahayaan kitang umuwi na ngayon." Tuloy tuloy nyang sabi. Ni hindi nga sya tumingin sakin o kahit manlang sa pinakadulo ng maganda kong buhok. Nakatitig lang sya sa screen ng laptop nya na parang may kung anong sobrang importante don.

"E Sir, Bakit po ako? Madami pa po akong tatapusin dahil malapit na yung deadline. Hindi ko naman yun pwedeng iwan na lang." Tinaasan lang nya ko ng kilay.


"Then iwanan mo kay Del Rosario!" Wika pa nito. Ayokong sumamaaaaa!


"Okay, Sir" Lumabas ako ng office nya nang iritang irita. Ayoko talagang sumama sa trip na 'yon. Ayoko. Imbis na makapagrelax ako ay mastress lang ako ng bonggang bongga kay Sir. Utos dito utps doon, sermon dito sermon d'on




Nakita ko si Patricia na nakatingin sakin na parang alalang alala. Nginitian ko nalang sya para kunwari walang nangyari.




"Pinagalitan ka nanaman ba nya? Lagi kanalang nyang pinagagalitan ah!" Sabi ni Patricia. Mabait si Patricia at sobrang focus sa trabaho. Kaya siguro hindi pa nya nararanasan ang sermon ni Sir.


"Hindi nya ko pinagalitan." Yun lang ang sinabi ko. Ayoko na ring iexplain sa kanya lahat.

Nilapitan ko si Del Rosario para sabihing pinapapasa sa kanya lahat ng gagawin ko at inexplain ko narin sa kanya. Pag kasabi ko nito sa kanya, kinuha ko ang bag ko at dumiretso na pauwi.

Ilang minutong byahe lang aa cab ay nakarating agad ako sa bahay. Dumiretso ako sa itaas at inihinanda na lahat ng gamit ko. Inihanda ko lahat at ipinasok sa isang malaking bag.

"Hala! Nakalimutan kong itanong kay Sir kung san kami magkikita!"

Nagmadali akong lumabas ng bahay dala dala yung bag. Sa trabaho ko nalang sana pupuntahan si Sir kaso..


"S-sir? Anong ginagawa nyo dito?" Nakasandal si Sir sa kotse nya. As usual nakamasungit mode sya. Ano ba namang ieexpect ko?

"Picking you up? Stupid." Aba't nastupid pa talaga ko? E nagtanong lang naman ako ah! Pero syempre hindi ko sya pwedeng sagutin ng ganun. Huhu boss ko kasi e!

"Nag abala pa po kayo Sir"

"Kung ayaw mo. Maglakad ka hanggang Bataan. Ang daming arte." Napakasungit na nilalang!




"Sasabay po!" Jusko kung hindi lang talaga kita boss. Lulutong tenga mo saken.

Lumapit sya sa pwesto ko at kinuha yung bag ko. Napatulala nalang ako sa kanya habang pinapasok nya sa likod yung bag ko. Binuksan din nya yung pinto sa harapan. Nakatingin lan sya sakin pero hindi nagsalita.

Gentleman naman pala

Hindi na ko nagpaligoy ligoy at sumakay na sa kotse ni Sir. Baka magalit nanaman e. Kotang kota na ko sa ganon. Jusko!


Ilang oras na sa byahe pero tahimik lang ako. Ni hindi ko sya kinakausap kasi wala rin naman akong kaylangang sabihin sakanya.

"Kung inaantok ka, okay lang na matulog." And that's the cue. Unti unti akong napapikit at nakatulog na.

Who's The Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon