Earphones [One Shot]

70 1 0
                                    

Clearance week na ngayon at lagi kong kasama si Jay. Siya lang kasi nakikita kong classmate ko kasi watak watak na kami at di ko alam kung saan sila tumatambay. At si Jay rin ang kasabay kong magpa pirma sa mga teachers which is not hard for our part. Si Jay ay isa sa barkada ko. Kapag kasama ko siya ay parang kompleto na ang araw ko, pag may kasama naman siyang iba eh nagseselos ako. Di ko na alam kung gusto ko ba siya o ano. Basta sa isip ‘ko gusto ko siyang kasama.

Magkasama na naman  kami at naupo kami sa red benches. Ako’y nakikinig ng music at siya rin naman. Ganyan kami lagi, pagkasama ko siya di kami nag-uusap dahil gusto lang namin makinig ng mga kanta.  Para bang we have our own world kapag nakikinig ng music kaya isa na siguro ‘yan kung bakit ko siya kasundo.

“Naomi nandito lang pala kayo ni Jay. Kanina pa ko kayo hinahanap eh” sabi ni Sabrina. Isa siya sa babaeng barkada ‘ko.

“Ha? Bakit naman?” tanong ko. Si Jay naman ay wala naman pakialam.

“Wala naman. Pinapatawag kasi kayo sa office” sabi ni Sabrina. Kaya tumayo na ako sa red benches at dali daling tinanggal ang earphones ni Jay.

“Oh bakit daw?” sagot ni Jay. Nagulat siya sa paghatak ko nang earphones sa kanya pero wala naman siyang sinabi sa akin. Hindi ko naman kasi alam na nakikinig ‘rin pala siya sa usapan namin.

“Ewan ko ‘dun. Sige na aalis na ako. Magpapapirma pa ako eh” paalam ni Sabrina sa amin. Kami naman ay dali daling pumunta ng office. Pagkarating naman naming ‘don ay pumasok na agad kami.

“Bakit po Ma’am?” tanong namin ng sabay kay Ma’am Clemente. Siya lang naman kasi ang teacher sa office kaya no doubt na siya ang naghahanap sa amin. Nagulat si Ma’am sa amin. May ginagawa kasi siya at makikita mo na busy na busy siya na di niya na pansin na nandito kami.

“Nandito na pala kayo. Pwedeng bang pakibalik naman nito sa Accounting Office?” tanong sa amin ni Ma’am. Di pa nga kami nakakasagot ay binigay niya na sa amin yung hiniram niya. No choice kaya pumunta na lang kami ‘dun sa AO.

“Ano ba ‘yan si Ma’am. Calculator na lang ay kailangan niya pang hiramin.” sabi ko. Eh kasi naman, calculator lang naman pala ‘yung ipapahatid niya sa amin bakit hindi na lang si Sabrina ang pinadala niya ‘dun. Bakit kami? At bakit kailangan hanapin kami? Weirdo talaga ‘yon.

“Hayaan muna. Kung gusto mo mag-regalo ka kay Ma’am na calculator sa Christmas.” Sagot naman sa akin ni Jay. Hindi na lang ako nagsalita.

***

Ilang days na kaming magkasama ni Jay para matapos ang clearance namin. Sana nga hindi na matapos ang clearance namin para lagi ko na lang siyang kasama. Masaya na ako na lagi ko siyang kasama kahit minsan lang kaming mag-usap.  Hindi ko alam pero feeling ko may gusto na ako sa kanya. Ayoko naman magdeny ng magdeny kasi kahit ako di ko alam kung gusto ko siya o hindi.

Nandito kami ngayon sa field. Hapon na ngayon kaya hindi na masyadong mainit at mahangin din. Nagpagpasyahan namin na tumambay dito dahil fresh air dito. Nakasandal ako sa puno at nakasandal din si Jay sa puno pero na bigla na lang ako ng humiga siya sa lap ko.

“Pahiga ako ha? Matutulog lang ako.” Pagpapalam niya sa akin at binalik niya na ang earphones sa tenga niya na at na higa. Bigla akong napaayos ng upo. Sino naman ang hindi mapapayos ng upo nito? Feeling ko kami na lang ang tao dito sa field. Oo, kinikilig ako. Kung siguro di niyo kami kilala ay baka sabihin niyo na couple kami pero magbarkada lang kami.  Hay oo magbarkada lang kami kahit gusto kong mas mataas pa ‘don. Di na ako umimik at hinayaan na lang siya matulog. Pinagmasdan ko na lamang ang mukha niya. Ang gwapo gwapo niya talaga kaya hindi na ako maagtataka kung maraming may crush sa kanya.

Sa ilang araw na nakasama ko siya di ko alam kung mag-a-assume ako na gusto niya rin ako kasama. Ewan ko ba. Marami naman kaming barkada pero di ko alam kung bakit kami lagi ang magkasama. Lagi siyang magsasabi na “sabay na tayo” “tara ‘dun tayo”. Kinikilig ako kasi feel na feel ko na gusto niya ‘rin ako kasama kasi nga wala siyang pakealam na hanapin yung ibang barkada namin para yun ang maging kasama niya instead lagi siyang sumasama sa akin. Kahit bihira kami mag-usap kahit magkasama kami okay na sa akin.

Nakatulog din pala ako. Naalimpungatan kasi ako kasi parang may nagsasalita pero di ko alam kung sino. Kung tatanungin niyo ako kung nakikinig pa ako ng music ay hindi na pero nakalagay pa rin ang earphones sa tenga ko. Hindi ko ugaling magbabad ng ilang hours kaka-earphones kasi ayaw ko mabingi kahit mahal na mahal ako pakikinig ng music.

“Ang cute cute mo talaga Naomi pagtulog kaya kita ashdsjdshjdkl” ‘yan lang ang nadinig ko kasi hininaan nung taong kumakausap sakin yung mga last words. Di parin ako dumidilat kasi hinihintay ko siya ulit magsalita. Pinakiramdaman ko rin kung natutulog pa ba si Jay pero parang hindi na kasi wala ng mabigat sa lap ko.

“You know what for the past few days na magkasama tayo mas nalaman ko na gusto talaga kita. Marami naman tayong barkada pero gusto ko ikaw lang kasama ‘ko, pag may nakaagaw ng atensyon mo lalo na lalake ay nagseselos ako. Nagpapasalamat nga ako kasi clearance week ngayon kasi kung hindi wala akong rason para makasama ka.” Feeling ko ay si Jay ang nagsasalita kasi alam ko ang boses niya. Nakakainlove ka ‘yon. Gusto ko ng dumilat ng mata at sabihin din na gusto ko siya pero bigla ulit siyang nagsalita “Mabuti na lang ako ang may hawak ng clearance natin kundi di kita makaksama. Kahit hindi kita laging pinapansin pag magkasama tayo ay hindi ka nagrereklamo which is new for you. Di lang naman ako nagsasalita kasi I want to cherish each day kasi vacation na ulit at di na ulit kita makikita at nahihiya ako at hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sayo. Baliw na siguro kasi nagco-confess ako ng feelings ko habang tulog ka. Thank you na lang at naka earphones at tulog ka kundi hindi koi to masasabi sayo ‘to.” Bigla akong may naramdaman na may dumamping labi sa noo ‘ko and instantly open my eyes if Its Jay.

Nabigla si Jay sa pagdilat ng mata ko kaya bigla siyang napaatras.

“Gising ka all this time na nagsasalita ako?” tanong niya sa akin at ang initial reaction niya is magulat, who wouldn’t?

Tumango ako nangdahandahan para sabihing oo at namilog ang mga mata niya. Ang  cute cute niya talang kapag nagugulat.

“Narinig mo ba lahat ng sinabi ko?” tanong niya ulit. Tumango ulit ako sa tanong niya.

“Eh pano? Diba nakikinig ka ng music? Naka-earphones ka pa nga eh.” Tanong niya na nalilito.

“Pag naka-earphones ba laging nakikinig ng music? Di ba pwedeng props lang?” tanong ko pabalik sa kanya. His jaw dropped and he looked so handsome and cute at the same time. Bigla niyang inagaw yung earphones sa akin para siguro siguraduhin na wala talangang tugtog ‘yon. Natawa na lamang ako sa ginawa niya.

“Bakit kasi naka-earphones ka kundi ka naman nakikinig ng music?” tanong niya.

“Eh bakit ba? Porket narinig ko ‘yon sinabi mo eh.” Sabi ko at hindi na napigilang mapangiti sa kanya. Hiyang hiya siya sa sarili niya.

“Wag mo na nga lang intindihin ‘yon” sabi niya ng inis na inis. At bigla pa siyang tumalikod sa akin.

“Pano kung ayaw ‘ko?” tanong ko ng tumatawa. Hindi siya sumagot sa akin kaya sinundan ko na ulit ang sasabihin ko.

“Pano kung ayaw ‘ko? Pano kung pareho pala tayo nang iniisip? Dapat kasi sa susunod kung magco-confess ka ay gising yung tao at hindi yung taong tulog na may earphones pa. Yan tuloy nabiktima ka.” Bigla siyang napatingin sa akin. “Gusto ‘din kaya kita. Pano kung di pala ako naka earphones na walang sound at kunwaring tulog ay hindi ko pa malalaman na gusto mo rin pala ako”

Hindi siya agad sumagot, siguro ay nabigla siya sa mga sinabi ko.  Nabigla na lamang ako ng yakapin niya ako.

“Edi dapat pala magpasalamat ako sa earphones mo na wala naman sound at sa pagtulog-tulugan mo” tinignan niya ako sa mata at bigla kaming napahagalpak sa tawa ng ma-realize naming na tama pala ang sinabi niya.

Salamat sa nakaimbento ng earphones kung hindi dahil sayo hindi ko malalaman na gusto na din pala ako ng gusto ko.

- End -

Earphones [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon