Bridge is the owner
Walang pasok kaya napag kasunduan namin ng mga kaibigan kong pumunta ng mall total sabado naman bukas kaya okay lang gumala
papunta kami ng worlds of fun ng may nadaanan kaming couple na nagtatalo
"aie ang sama naman ni ate sinisigawan ba naman ang boyfiend..!" sabi ni pretty na halatang naiinis
"yaan muna di naman natin alam kung ano talaga yong totoong reason kung bakit sila nag away ehh malay mo niloko siya nong lalake kaya ganon nalang siya kung magalit" sagot ko sa kanya
"well my point ka jan lian pero sayang naman gwapo pa naman yong boy crush ko na siya.. sana mag break nalang sila noh?" sabi ni pretty na halatang kinikilig
"aie ang sama mo na nga ang landi mo pa te.., eh kung pumasok na nga tayo noh? wala naman tayong mapapala jan ehh" bulyaw ni liz
"oh sya tara nah..:" sagot ko sa kanila
Aie pakilala nga muna pala ako sa inyo ako nga pala c Lian Arances college student sa isang university
Sina Pretty at Liz ay ang mga kaibigan ko.. Si pretty ang masayahin sa amin madali ding magkagusto sa lalaki kabaliktaran niya naman si liz strikta at suplada.. yan ang una mong masasabi pag nakita mo siya never yan na inlove pero wag ka marami na yang naging boyfriend noh.. Ako naman ako yong tipo ng tao na tahimik at mahiyain Maria Clara ang peg LOL haha...
Lian's POV
nakatambay lang kami sa d-walk habang hinihintay na bumaba yong mga lalaking nasa taas ng tree house..
"Ano ba yan bakit ang tagal naman nila bumaba.." iritang sabi ni Liz
"Chill ka nga lang Liz ayan na ohh pababa na natakot ata sa titig mo eh para kang kakain ng tao jan" sagot naman ni pretty
"hay salamat at nakaramdam din kasi kung di pa sila bumaba baka ako mismo ang sisipa sa kanila pababa" bulyaw ni Liz
"wooah nakakatakot ka talaga Liz how come na marami parin nagkakagusto sayo sa ugali mong yan?" tanong ni pretty
"Well kaya nga never akong na inlove eh kasi alam kong apperance ko lang yong ginusto nila" taas noong sabi ni Liz
"ohh tama na yan wala ng tao ohh tara nah" sabi ko sa kanila baka kasi kong saan pa umabot yong usapan eh kilala ko pa naman si Liz di yan patatalo parati yang may ibabato sayong reason..
Paakyat na kami ng tree house ng mapansin naming may dalawang taong natutulog sa may upuan
"Aba't di talaga maubos ubos eh noh ito at may naiwan pa ginawang Condo ang tree house.." pasigaw na sabi ni Liz na siyang ikinagising naman ng isa at tinapik yong kasama niya
"ahhh sorry nakatulog kami" sabi nong lalaki
"okay lang kami dapat yong mag sorry kasi nadistorbo namin yong pagpapahinga nyo.." sagot ko sa kanya
"di okay lang paalis na din kami my klase pa kasi kami muntikan na kaming ma late buti at dumating kayo iniwAn ata kami ng iba naming kasama" sabi niya sabay kamot sa batok
"aie di halata iniwan na nga nila kayo noh tignan mo kami lang yong nandito diba?" sabat ni Liz
"Liz ano ba? " saway ko sa kanya
"Bakit?" tanong ni Liz
"di okay lang alis na kami sorry ulit" sabi nong lalake
Paalis na sana sila ng biglang nag salita si Pretty
"aahh wait lang ano yong pangalan mo?" tanong ni Pretty na ikinagulat ko
"ahh ako nga pala si Prince, .. Prince Rodriguez" sagot ni prince