~31~
Appa's POV
"Hello? Yeo-dongsaeng asan ka na? Bakit? Ahh sige. Okay ka lang ba? Bakit parang wala kang energy?"matamlay ang boses ni dongsaeng hindi ako sanay na ganon siya.
"Sige sabi mo eh. Okay take care.Bye."
Ano na naman kayang nangyri? Biglaan ang pagtawag niya para sabihing sa kaibigan niya daw munang si Ellen ito matutulog ngayon.
Alam ko may mali na naman. Hindi ko alam kung tungkol saan pero basta ang gulo.
Ako hinahayaan ko lang siya kung saan siya masaya,ang alam ko may importanteng date daw siya ngayong araw. Syempre kanino pa ba kundi sa oppa jinwoon niya.Hindi ko nga alam kung bakit nagtyatyaga siya dun gayong halata namang walang pagmamahal sa kanya yung si Jinwoon.
Alam niyo yung feeling na concern ka sa tao pero wala kang lakas nang loob para pakialamanan siya. Kasi kitang-kita mo sa mukha ni dongsaeng kung gaano siya kasaya.Ang hirap nang makialam pag ganon.
Tsaka isa pa,wala naman akong ebidensya na magpapatunay na hindi nga siya mahal ni Jinwoon.
Kaya hindi na lang ako nakialam.Hinayaan ko na lang si Kimchi nung nalaman ko na nakikipag date na ulit siya kay Jinwoon.
Akala ko dati eh tuluyan ng nawala ang commu nila kasi nabalita na ngang nagdedate si Nicole at Jinwoon, pero ang nangyari makalipas ang ilang weeks ay tumawag si Jinwoon kay dongsaeng at ayun nag explain daw na hindi naman daw nag work yung kay Nicole at Jinwoon.
Pagkatapos nun hindi ko na inungkat pa ang ibang nangyari.Bumalik na ulit sa dating sigla niya si Kimchi kaya naging masaya na lang din ako for her.
Hanggang sa ayun nag umpisa ko nang mahalata na parang balewala lang si Kimchi kay Jinwoon. Kapag hinahatid siya nito sa bahay nakikita ko sila sa bintana nitong dorm. Wala manlang effort yung lalaki para ipagbukas siya ng pinto at ihatid dito mismo sa loob ng dorm.
Hindi lang yun,lagi pang si Kimchi ang naghihintay kay Jinwoon.Tsskk.
"Eunkwangee nandyan na ba si dongsaeng?"tanong ni MinHyuk na kalalabas lang ng kwarto.
"Wala pero kakatawag lang dun daw muna kina Ellen matutulog.May problema siguro, ano sa palagay mo?"
"Eh di ba ang saya niya pa nung umalis kanina? Ano kayang nangyari? Baka niloko na naman siya ni Jinwoon hyung? Tskk alam mo sayo ko lang to sasabihin pero hindi ko gusto si Jinwoon para kay dongsaeng.."iiling-iling na sabi ni Minhyuk at naupo sa couch.
"Ako nga rin eh..basta parang may mali kasi na ewan..Tskk. Ano namang magagawa natin eh deads na deads pa rin si dongsaeng.."sagot ko.
Bigla namang dumating si Maknae na mukhang wala ring energy. Hindi niya kami pinansin sa halip ay nagtuloy tuloy lang sa kwarto.
Medyo napapansin ko na dati pa lang na may gusto siya kay Kimchi.Kaya lang hindi na rin naman kami nagsasalita nakakalito rin kasi minsan yung mga kilos niya mahirap basahin kung totoo na malalim yung pgtingin niya o kapatid lang din ang turing niya kay Kimchi.
Sina Peniel at Ilhoon ay pareho ko ring napupuna na medyo may gusto kay dongsaeng, ewan ko na lang sa iba pa.
Madali lang kasi talagang magustuhan si Kimchi.
Pero ako kapatid lang ang turing ko kay dongsaeng. Maigi na nga lang at walang nabuong kakaibang damdamin sa puso ko para sa dongsaeng namin.
Hayyyy. Alam mo dapat nagsasaya kami ngayon kasi kakatapos lang concert namin eh, at successful naman siya.
Hindi ko alam kung bakit ang tahimik dito sa bahay at para kaming namatayan.
Si Ilhoonie nagmumukmok sa kwarto namin kasama si Peniel na nagbabasa na naman.
Si Changsub natutulog, si Hyunsik natutulog din. Si maknae mukhang lutang.
Si Minhyuk at ako eto, naglalaro ng videogame.
Nainis. Kung nandito si Kimchi malamang masigla kami. Hindi ganito katahimik. Kaya lang may problema rin ata siya. Si maknae na laging makulit bigla na lang dumating na tulala. Ano bang nangyayari sa mundo? Hello! Trending kami oh! Di ba ito yung pangarap namin. Ang magkaroon ng successful trending worldwide concert. Anong nangyari?!
:(
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥