Chapter 8

53 3 0
                                    

"Being fearless isn't being completely unafraid, it's being terrified but you jump anyway."

-----------------------------------------------x

"Tae." narinig kong bulong ng isang lalake sa gang na Sharp. "Kinakabahan ako hyung (older male)." bulong nito sa katabi niya. "Shibal (An insult for Koreans)! Huwag kang kabahan diyan ulol! Siya ang dapat na kabahan dahil mahihirap ang ibibigay nating test sa kaniya!" Napailing na lang ako.

Tinanggal na ang gang na Asassin's sa Gangster Societies. Dalawang araw kaming hindi pinagproceed sa test dahil sa mahabang proseso ng pagtanggal sa gang na iyon. Mahigit isang araw na pinag-isipan ng mga higher and highest official pati na rin ng headmaster ang pagtanggal sa kanila at ng sumunod na araw duon na sila tinanggal. Na post-pone pa nga ang dapat na sunod kong pagsubok ng dahil sa Asassin's na iyon. Eh di sana, patapos na ako ngayon at ang magbibigay na sa akin ngayon ng pagsubok ay ang gang na Pentaichor.

Tumingin akong mae e-eight o'clock na kaya dumiretso na ako sa room kung saan ako susubukan.

---

Walang interesadong nangyari sa loob ng room dahil puro skills ko lang ang sinusubok nila. pInumpisahan nila ako sa pagtakbo ng mabilis. Lumabas pa kami at pumunta sa gangster arena dahil hindi masyadong sapat para takbuhan ang kuwarto na iyon. Halong mapanganga pa nga ang mga nanunuod dahil daw mabilis daw ako. Hinayaan ko na lang sila kung nao nag gusto nilang isipin. 

Kung ano-ano pa ang mga pinagawa nila sa akin. Mula sa pagkikilos ng mabilis hanggang sa mga technique na gagawin kung sakaling may makalaban ako at hanggang sa pag-iisip ng mabilis sa mga atake na ibibigay nila sa akin. So far, nagustuhan ko ang gang na ito. Nagtataka ako kung bakit ayaw na ayaw ng ibang gangsters sa kanila eh sila ang pinakamadaling pakisamahan dito. Natatawa pa nga ako sa kanila pag lumalaki ang mga mata nila sa tuwing napapasa ko ang mga test na ibinibigay nila sa akin. 

May tumawag pa nga sa akin na 'noona' at tinanong niya ako kung bakit ang galing-galing ko daw eh samantala daw nung sumali sila dito sa gang mga halos 2 taon pa daw siyang pabalik-balik hanggang sa nakulitan ang mga officials at nilagay na lang siya dito sa gang na Sharp.

Ang gang na Sharp ay gang na consist ng 5 lalake at hindi ko man maikakaila na mas malapit talaga ako sa lalake simula pa ng 'normal' pa lang ang buhay ko ng bata pa ako.

---

"HEADMASTER! ANG GALING NG BABAENG TO!"

Nakita kong bahagyang napaikot ng mata si Headmaster ng bumungad kami sa kaniya matapos ang test na ibinigay nila sa akin. Ngumiti ako ng bahagya sa lalakeng kanina pa sobrang kulit habang binibigyan ako ng test. Napakalakas talaga ng boses niya kaya kahit ang mga ka gang niya ay naiirita na minsan sa kaniya.

"Uy, H-Master! Itutuloy niyo pa ba yung test eh samantalang sobrang galing niya?! Nakita niyo naman lahat ng resulta sa lahat ng mga test na binigay nila eh! Lahat pasado!" bumuntong-hininga na lamag si Headmaster na tinawag pang H-Master ng isa din sa makulit na gangster sa Sharp.

"Shut up! Not until she pass the test of the two high ranked gang in the Gangster Societies." sabi ni Headmaster sa kanila gamit ang pinakamalamig nitong boses. Tumingin ito sa dalawang natitirang gang na hindi pa ako nabibigyan ng test. Ang Contiguous Yakuza at ang Pentaichor. Bumuntong-hininga ako. Ngayon alam ko na kung bakit sobrang talim lagi ng tingin sa akin ng dalawang gang na iyan. Sila ang pinakamalakas na gang dito.

Bumuntong-hininga ako. 

"But if you really like your new Noona." tumingin sa akin ng madiin si Headmaster, "then, I have no choice but to let the two gang give her the test tommorow." nanlaki ang mata ko at napatingin sa gang na Sharp na kasalukuyan ding nagulat sa sinabi ni Headmaster. 

---

Fearless (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon