Forever Best Friends (One Shot)

413 15 4
                                    

****A/N:

ONE SHOT lang po ito at sobrang short. At naniniwala po ako sa kasabihang we have all the time in the world. Kaya try now! xD

****

Sino ang naniniwala sa sabi sabi na BEST FRIENDS cannot be LOVERS?

Beach wedding while the Sun sets. Matagal niya nang pangarap yon. Kaya nandito ako ngayon sa beach. Kanina pa ako nakaayos at hinihintay ko nalang ang pagdating niya.

“Okay na ba lahat?” tanong ko sa wedding organizer.

“Yes, sir. Naisaayos na po yung mga kailangan. Si Ms. Kristina nalang po ang kulang.”

Halos tatlumpung minuto parin siguro bago magsimula ang seremonya. Pero kinakabahan kasi ako at excited na rin akong makita ang natatanging babaeng nagpatibok ng puso ko.

“Wow pare, ayos ah.”

“Tol 30 minutes pa. Hinga muna!”

“Oy John, kung ako sayo pinupuntahan ko na siya sa bahay total atat ka na makita siya.”

Tss. Mga kabarkada namin ni Kristina yun, na wala nang ibang ginawa kundi tuksuhin kami mula nung malaman nilang may nararamdaman ako para kay Tinay at hanggang ngayon ba naman sa araw na to. Haha. Loko talaga tong mga to.

“Ayoko, ayos na rin yung paminsan minsang masorpresa. Baka umiyak pa yon sa sobrang saya at masira ko pa ang ayos ng Tinay ko,” sagot ko sa kanila.

“Pff—hahaha! Ang corny mo talaga tol!” 

“Ewan ko sa inyo. Mind your own girlfriends oy.”

Matagal pa bago magsimula to, at antagal din dumating ni Tinay kaya may oras pa akong ikwento sa inyo kung saan at paano kami nagsimula.

****

“Bes! Nagugutom na ko. samahan mo naman ako sa canteen.”

“Kahit habambuhay pa Tinay ko kung gusto mo sasamahan kita…” bulong ko

“Ayun mga tol. Narinig niyo ba yun? Si john the banat. Haha,” epal na sagot naman ng isa sa barkada

“Ha?” tanong ni Tinay

“Sabi ko nagugutom na rin ako. Tara na! Haha.”

****

Kami ni Tinay ang pinakamatalik na magkaibigan sa barkadahan. Magkakasama kami mula elementary. Pero nung college, magkakaiba na kami ng universities.

Architecture ang course na kinuha ko. Si Tinay naman fashion design. Yung iba naman sa barkada, nasa linya ng medisina at pagnenegosyo. Yung iba nangibang bansa na pero syempre, umuwi sila para sa napakaespesyal na araw na ito. Dahil kung hindi, hindi na sila makakatungtong sa Pilipinas. xD

“John, wala pa ba si Kristina?” tanong sakin ni daddy. Tamang pagputol lang sa pagbabalik tanaw ko.

“Wala pa po. Maaga pa po dad, she still has 25 minutes to prepare.”

“Ganun ba? Nandito na rin kasi ang mga abay. Kasing excited mo. Haha. Sige maiwan ko na muna kayo diyan.”

Si dad talaga, feeling bata pa kung makipagbiruan samin ng mga kabarkada ko. Haha. Pero laking pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang nagpalakas ng loob ko noon para masabi kay Tinay ang nararamdaman ko.

****

“Anak, matagal na kayong magkakilala ni Tinay. Best friends kayo diba? Kilala rin namin ng mommy mo ang batang iyon. Kaya ayos sa amin ng mommy mo kung kayo ang magkakatuluyan.” 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Best Friends (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon