Barkada1: Oy pare overnight swimming daw tayo bukas! Mga 6pm sa Mcdo ha! Paradise na daw tayo.
AKO: Okay sige pre text text na lang.
Overnight swimming? Baka mapagod lang ako dun? Tapos wala pa akong pera. Hihingi na naman ako sa Nanay ko? Naku bahala na. Bukas pa naman at 6pm pa.
Ako nga pala si Kaizer. 19 years old. Isang incoming 4thyr Engineering student sa isang University. Mahilig ako kumanta at sumayaw. Bakit kaya hindi ako nahilig sa pag-aaral? hehehe.
*KINABUKASAN
Kriiiiiiing Kriiiiiing Kriiiing~
Barkada1: Oy kupal ka! Sumama ka samin ha! Konti lang tayo! Minsan lang to oy! Lagi kn lang di sumasama! Napakatamad mo! Dali na kasi!
AKO: Okay sige pre. OO na. Andami mong sinabi -_- Pautang na lang ha? hehe. Teka may mga chix ba tayong kasama?
Barkada1: Ay nako wala! Puro tayo barako! HAHA! De joke lang meron, kaso barkada din natin. -__-
AKO: Anu ba yan. Okay sige kitakits mamaya.
Hindi ako chicboy ha. Hindi rin ako babaero. Its just that sawa na ako sa mga pagmumuka nila. HAHAHA joke lang. Naisip ko lang na overnight yun, at summer ngayon siguro maraming tao dun sa resort. :)) Kaya nabuo na ang loob kong sumama.
Dumating ako sa Mcdo ng mga 6:30, 6pm daw. Eh nasan sila? Wala sila sa Mcdo. Late na nga ako eh. Tinext ko sila. Hindi sila nagrereply. Napaisip ako. Naisip kong baka ginogoyo lang ako ng mga kumag na yon.
Maya-maya............
Barkada1: Oy nandito kami sa Puregold. Punta ka dito namimili kami ng pagkain.
Hindi na ako nagreply. At ng nakita ko ang oras ng message nila, ay tangina delayed lang pala! Muntik pa akong umuwi! Bwisit na TM yan! Papasabugin ko talaga kompanya nila eh! Nagbabayad naman ako ng tama ah!
Okay. Nagalit ako sa service ng TM. Dun ko naituon ang galit ko, at imbes dumiretso na agad ako sa Puregold. Pagdating ko duon, syempre nakapamili na sila, at ako na lang ang hinhintay nila.
Sumakay na agad kami sa sasakyan, (Wow libre ang sasakyan, dala ng isang barkada ang tsikot nya) Ayos. Libre ang pamasahe.
Ilang minuto ang lumipas. Nakarating na kami sa resort. Konti lang ang sasakyan sa parking area kaya mejo nalungkot ako. Baka kako kami lang ang tao sa loob hindi naman masaya yon! :(
Nagbayad na kami ng entrance, 250php para sa overnight. Ang mahal, buti na lang nakahingi ako sa aking mahal na Ina. Bukod pa dun sa cottage namin. Ay bahala na, Ubusan nlng ng pera.
Pumasok na kami agad, naghanap ng magandang pwesto na cottage. Kain lang saglit. At game! Lubluban naaaaaaaaaaa!
May tatlong malalaking swimming pools, my isang malalim, my isang pambata at isang wave pool.
Talon agad ako dun sa mejo malalim. Talon agad kami. Langoy langoy lang ako. Nang biglang may nabangga ako, hindi kasi ako nakadilat sa ilalim ng tubig.
Ako: Ayy Miss sorrrry po! Sorry tlaga! *Sabay ngiting pakyut
Miss: Ay hindi kuya okay lang po. :)
Binatukan ako ng isa kong kabarkada....
Barkada2: Ay shunga lang? Chix pa naman yung nabunggo mo! Tsk tsk!
AKO: Oo nga pre eh, chx nga siya. Ang ganda niya O.O
Hanggang sa siya na yung naging bukam-bibig ko. Nalove at first sight ata ako sa kanya. Kahit hindi maganda yung unang pagkikita namin. (Ang boplogs ko naman kasi)
Papansin ako ng papansin sa kanya. Kung san syang pool dun din ako pumupunta. Sinusundan ko siya. Papansin lang talaga ako. Kung san siya nalangoy, dun din ako, minsan sinasadya ko pang bigla nlng nasa likod na niya ako. Pero wala naman siyang reaksiyon. Parang wala lang sa kanya yung pagpapapansin ko. </3
Torpe nga pala ako, torpe talaga. Hindi ako biniyayaan ng lakas ng loob lalo na kung mga babae an pinaguusapan. NGSB ako. No girlfrnd since birth. Hanggang crush lang ako. Hanggang tingin lang palagi. Hindi ako dumadamoves.
Hindi ako tumigil sa pagpapapansin. Napansin na ako ng mga barkada ko na ang weird ko, pero siya hindi man lang. Naisip ko baka my bf na siya. Or kaya naman sadyang mahinhin siya at hard to get (Yun ang mga gusto ko sa babae)
Lalo akong naexcite sa kanya. Parang lalo ko siyang nagugustuhan. Pero hindi ko talaga siya magawang makausap, umuurong ang dila ko. May kapatid siyang kasama palagi. Mga 7years old siguro yun, lalaki, at sobrang suplado rin >< Magkapatid talaga sila. Haynako.
Kapag umaalis yung bata sinunsundan ko, tinatanong ko kung anong pangalan ng ate niya, kung anong apelido nila, kung saan nag-aaral kapatid niya. Pero wala. Wala talaga. Naturuan ata siya na don't talk to strangers.
Hanggang sa, bigla na lang siyang nawala sa mga pool. Ginalugad ko ang buong resort, pinuntahan ang lahat ng cottages, lumabas, inikot tlaga ang resort. Pumunta sa mga Cr. Wala na talaga. Wala na kahit isang bakas pang natitira sa kanya.
Sobrang nalungkot ako nung wala na siya, ewan ko ba tinamaan yata ang marupok kong puso. Nawala ako sa mood, hindi na ako nalusong sa tubig. Nanatiling tulala at siya lang ang iniisip. Mga 3am na non, nagbabakasakaling bumalik sila, baka kako nagutum at kumain lang sa labas, baka may naiwan lang at babalik din.
Pero wala na, iniwan niya akong ni walang alam kahit ano tungkol sa kanya, kahit ano, tanging ang mala-anghel na muka niya lang ang hindi ko makakalimutan. <3
6am na, uuwi na raw kami, Ako malungkot pa din, iniisip ko din si Miss bunggo. (Ang ganda ng codename ko sa kanya no?) Naligo, nagbanlaw, sobrang ginaw pala kapag ganung kaaga.
Umuwi na ako sa amin, pagkauwi ko pa lang, tulog na agad. Sumakit ulo ko, pati puso ko masakit din yata. Sa sobrang pag-iisip ko sa kanya, napanaginipan ko siya. Hindi siya mawala sa isip ko. Hndi talaga.
Hindi ako mapakali, tuwing gabi at online ako, chinachat ko yung mga kasama ko nung swimming na baka kilala nila yun, pero ni isa sa kanila walang nakakakilala. Napanghihinaan na ako ng loob, pero lalo ko siyang namimiss. Lalo ko siyang gusto makilala.
Wala akong alam sa pangalan niya, sa school niya, apelyido niya, edad o kahit ano pa man. Paano ko magagalugad ang facebook para makita ko siya? Parang 2% lang kasi ang chance na magkita kami ulit lalo pa at summer ngayon. Kaya tanging facebook lang ang solusyon.
Ginalugad ko ang facebook, nagbukas ng mga profiles ng mga maaaring maging friend niya. Inisa-isa ko talaga lahat ng friend lists nila.
Ilang gabi ko siya hinanap sa internet. Ilang gabi siyang di nawala sa isip ko. Ilang gabi ako nagsisi na bakit ba kasi hindi ko pa kinapalan ang muka ko para tanungin siya. Tinamaan na ata ako. Tinamaan ako sa kanya. Bakit ba kasi nabunggo ko pa siya? Bakit ba? :(
HANGGANG ISANG BESES NA ONLINE AKO.......
May isa akong friend na naglike ng picture ng isang babae. Sobrang gandang babae. She looks familiar. Sobrang familiar. Hindi nawala ang titig ko sa picture niya. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Ewan ko ba.
Titig lang. Titig. Nagbasa ako ng mga comments...
isa niyang friend na nagcomment: "Uy girl! Sobrang enjoy sa paradise! Sa uulitin ha! Sexxxyy! :)))"
Kinilabutan ako nung nabasa ko yung comment. Yung RESORT :"> Tinitigan ko pa siyang mabuti. Putangina, SIYA SI MISS BUNGGO! :""">
Inadd ko siya as friend agad-agad. Nanginginig pa ako niyan. Mga ilang minuto lang, inaccept na niya ako. Sobrang saya ko. Sobraaaaaaaa :D
BTW, SOBRANG GANDA NG PANGALAN NIYA. :"""">
Oh pano ba yan? Friends na kami sa fb. Ano kayang mga pwedeng susunod na mangyari samin? Pangungunahan pa rin ba ako ng pagiging torpe ko? Ito na ba ang simula ng love story namin?
Abangan sa mga susunod pang kabanata. :D