Chapter 9
Lance’s POV
Matapos sabihin ng prof namin ang trip niya (tutoring each other to pass the screening exam bla bla whatever my a**), nagkagulo na sa klase. Hay! Subukan lang nila akong sisihin dyan. Kasalanan ko ba kung wala talaga akong natututunan? Kasalanan ko ba kung sa drawing ako magaling hindi sa pag-analyze at pagsolve? Tss.
Naiirita na ako sa ingay ng mga kaklase ko. Mas naiirita naman ako sa kaartehan ni Xanthene. Para namang ang pangit pangit ko kung maka”NO” siya. Ang gwapo ko kaya. Ang gwapo gwapo ko. Ang hot hot ko pa.
Speaking of Xanthene the bitch, tiningnan ko siya. Halatang inis na inis siya. Mainis nga lalo ‘tong arteng bitch na ‘to. Hahaha!
Tumayo ako at pumunta sa harapan. Nagsitigil naman ang lahat at tumingin sila sakin. Nakatingin lang ako kay bitch. Tumingin siya. Ngingiti na sana ko sa kaniya para inisin siya kaso bigla niya ring tinanggal yung tingin niya sakin. Tss! Nakakainsulto yun ah! Teka nga..
“So Xanthene, tuturuan mo ba ako?” playful na sabi ko.
Tiningnan lang niya ako ng masama. Tumingin lahat ang mga kaklase namin sa kaniya. Naghihintay ng sagot mula kay bitch.
“No.” sagot niya. Tss.
“Aww!”
“Pano na yan, ayaw niya. Pano na ang grades ko. Huhu.”
“Yung scholarship ko. Huhuhu.”
“Hindi ka ba naaawa sa mga tao sa paligid mo? Sa isang ‘no’ mo, lahat maaapektuhan. Ganyan ka na ba kamanhid? Bato?” seryosong sabi ko sa kaniya. Pero syempre acting lang ‘yun! Hahaha! Gusto ko lang talaga siyang inisin.
“Wow huh? Ako pa ngayon ang may kasalanan?! Like hello? Kung nag-aral ka sanang mabuti eh di walang problema?!” inis na sabi niya.
Talaga naman tong babaeng ‘to. Ipamukha pa sakin na wala akong alam? Hay! Kung hindi lang ako nag-aacting, babanatan ko na to eh. Pasalamat siya, maganda siya. Tss. Pero back to acting.
“That’s why we’re asking for your help. Ganun na ba kahirap ibigay ang tulong na yun?” diretso kong sagot sa kaniya habang nakatingin sa mata niya.
Bigla siyang napatigil. Tumingin siya sa mga classmates namin. Lahat sila nagmamakaawa na sa kaniya. As if naman kasing o-oo ‘to eh, bitch nga. Walang puso. Manhid. Bato. Tsk tsk. Magsasalita na sana ulit ako nang magsalita siya. At hindi ko inaasahan ang sagot niya.
“Start tutoring your seatmates tomorrow. And you Mr.Lee, come to my place after class.” Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang naghiyawan ang lahat sa sobrang tuwa.
Tumingin ako kay Xanthene. Hindi naman pala siya ganun kamanhid. Nginitian ko na lang siya. She just rolled her eyes, psh. Nagpasalamat naman ang lahat sa kaniya.
Nice. I’ll go to her place. She said that. Walang bawian. Hahaha!
Kady’s POV
Hindi ko alam kung tama ba yung naging desisyon ko. Ayoko nang bumalik sa dati. Ayoko nang maging mabait. Ayoko nang maapi. Hay!
Tutulungan mo lang naman sila Xanthene. Kailangan lang talaga. Wala ka lang talagang choice kaya umuoo ka. Umu-oo ka hindi dahil mabait ka, kundi dahil kailangan. Hindi ako mabait. Isa akong bitch!
Argghh! Nasisiraan na yata ako ng bait! Ayoko ng mag-isip! Ayoko na!
“Hoy! Umagang umaga, naiinis ka na naman. Meron ka ba?”
Tss.
“Tigilan mo kong Devil ka!”
“Okay, bitch.” He smirked sabay takbo na.
Hayy! Hinayaan ko na lang siya. Papunta na ako ngayon sa classroom.
“Hi Kady!”
“Good morning Kady!”
”Hello Kady!”
Okay. What was that? Bumaliktad ba ang mundo? Bakit ako kinakausap ng mga ‘to? Parang kailan lang nung kinaiinisan nila ako ah? Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso sa upuan ko.
“Kady, gusto mo sabay-sabay na tayo maglunch?”
“Oo nga Kady. Chikahan tayo.”
“Tapos kung may time ka mamaya, let’s go shopping!”
“W-wait! Ano bang nangyayari? You’re all weird!” takang-taka kong sabi sa mga classmate ko na nasa harapan ko ngayon at inaaya ako sa kung saan-saan. Like duh?! Close ba kami??! Kalian pa? Psh.
“We’re friends na right?”
“Yeah! Tinulungan mo pa nga kami para hindi bumagsak eh.”
“Kady, thank you talaga. All we know, bitch ka talaga pero you’re not pala. Mabait ka pala.”
“Bumalik ka na sa dating Xanthene na nakilala namin.”
Dating Xanthene.
Dating Xanthene.
Dating Xanthene.
“Psh. You’re all wrong. Sorry to disappoint you, but I’m not kind. I’m still the bitch Xanthene Kady Chen. At lalong hindi na ako babalik sa dating Xanthene na nakilala niyo. Patay na siya. Eto na ako ngayon oh, yung bagong Kady. Don’t expect that I’ll be that girl again. It will never happen. Kaya please, go away. And one more thing, hindi ko kayo tinulungan, wala lang talaga akong choice. Like duh?! Maaapketuhan ang grades ko kung hindi ko gagawin yun. Gets? Tss.”
Mataray kong sabi sa kanila. Nagsialisan naman sila sa harapan ko. Narinig ko pa ang mga bulung-bulungan nila.
“Hay! Akala ko pa naman, mabait siya.”
“Wala talaga siyang puso no?”
“Tama ka dyan. Never mind her. She’s a bitch.”
Sobrang pagtitimpi na lang ang ginagawa ko sa sarili ko para di ako makapageskandalo. Buti na lang at nagring na ang bell, meaning tapos na ang klase for this day. Nagsialisan naman na sila. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at naglakad na. Kalalabas ko lang ng pinto nang may tumawag saking devil.
“Hey! Tara?”
“Pinagsasabi mo?”
“Ehem! Start tutoring your seatmates tomorrow. And you Mr.Lee, come to my place after class.” Panggagaya niya sa boses ko.
“So tara na Ms. Xanthene?”
“Can you please stop calling me Xanthene?! We’re not close anyway! Call me Kady, or I can prefer calling me a bitch.” Then I rolled my eyes. Si Witney na lang ang may karapatang tumawag sa pangalan kong Xanthene.
“Tss. Arte.”
“Anong sabi mo?”
“Wala po. Ano, tuturuan mo ba ako or what?”
“Tss. Just follow me. Do you have a car?”
“Yeah, I have a lot of them. Pero wala akong dala ngayon. Sayo muna ako sasakay.”
“Spell ASA!”
“A-S-A.”
Napabuntung hininga na lang ako sa devil na ‘to. Ang lakas niyang mantrip. Halata namang iniinis niya ako eh simula kahapon. Akala niyo siguro hindi ko yun napansin no? Matalino ako. Tsaka, napakahalata namang nagaacting lang tong lalakiing to kahapon. Pero aaminin kong naapektuhan ako sa mga sinabi niya kahit acting lang yun.
Nandito na kami ngayon sa parking lot kung nasaan ang car ko. At ang gago, mas nauna pang pumasok sa sasakyan ko! Ang kapal talaga ng pagmumukha! Mukhang nagkamali ako sa desisyon kong turuan tong devil na to ah. Psh.

BINABASA MO ANG
The Bitch and the Devil's Set-up
RomanceI'm a Goddess, genius but a totally BITCH. He's handsome and hot. That's all, nothing more. Oh, one more thing, he's a big DEVIL! Unfortunately, I'll be his tutor but not just an ordinary tutor...