Prologue
I am Zhela Denise Montes...
Maganda...
Maaasahan...
Matalino...
Mabait sa mga tinuturing kong kaibigan...
At higit sa lahat MAYAMAN...
Pero...
Ang tingin ng iba sa akin ay
Bitch...
Pero hindi naman ako nananakit, maliban nalang kung kailangan..
Ayoko ng pinapaki-alaman ako, if you don't bother me, then I won't bother you also...
Kung ayaw mo akong makaaway...
Then, stay out of my way...
Chapter 1
Zhela Denise's POV
"Oh! ano di ka magsasalita? Wala ka palang binatbat ee. Ang weak mo" sabi ni baboy sa harap ko ... sige baboy salita ka lang ng salita hanggang maubusan ka ng hininga,
"Girls! Wala pa lang binatbat to ee."sabi nanaman ni baboy sa mga kasama nyang loser na tumatawa lang habang paatras ako at sya paabanta sakin..
"So ano na? Tignan mo nga yang damit mo, mukhang basahan, dapat gayahin mo ako. Blah blah blah" sabi nya na hindi ko naman na iniintindi dahil sayang lang oras ko...hihintayin ko nalang sya matapos... At nung sa tingin kong tapos na sya tsaka ako nagsalita.
"Okay ka na? nailabas mo na ba yung sama ng loob mo sakin? Ako naman ha? Unang-una, nagtataka ka ba kung bakit ako umaatras sa'yo? Ang baho kasi ng hininga mo ee" bigla naman nagtawanan yung mga schoolmates ko...
"At siguraduhin mong pagnagsasalita ka walang natalsik na laway ha, gusto mo ba ng toothbrush, ibibili kita baka ikahirap mo pa eh. Pangalawa, Wag mong maliitin tong damit ko, dahil kayang-kaya kang bilhin ng presyo nito, kahit mukhang basahan tong damit na hindi naman, maganda pa rin ako at hinding-hindi kita gagayahin, baka matulad pa ko sa'yo at maging palingkera ako." tumawa nanaman yung mga schoolmates ko pati na rin yung mga kasama ni baboy.. Si baboy naman mukhang iiyak na. HAHAHAHA.
"At panghuli, wag mong isiping panalo ka ha? Kahit tinanggap ko ngayon lahat ng sinabi mo, maniwala ka,hindi ko makakalimutan na pinagmalaki mo sakin kung gaano ka kabobo" after that, I left her dumbfounded with her mouth hanging-open.
Bumalik na ako sa mga kaibigan ko habang sila nakangiti sakin at pinapalakpakan ako. BTW, nasa cafeteria kami ah.
"Thank you, thank you" sabi ko habang nagbow ng pang-princess
"sabi ko na nga ba kaya mo yun ee"sabi ni Maddison Flair. One of my best friends.
"Syempre naman, ako pa"
"Naku! Kung sumali pa kami dun eh baka mamatay na sya sa hiya. HAHAHAHA" nagtawanan naman kami sa sinabi ni Bianca Forbes.
"Sana naman matauhan na sya sa mga sinabi mo diba?" sabi ni Shayne Montejero.
"Tama, dahil kung hindi, di lang yun ang aabutin nya no!"
Nagkwentuhan lang kami ng nag-kwentuhan hanggang sa marinig naming ang bell kaya tumayo kami at pumunta na agad sa aming classroom.
Lance Kelvin's POV
"Balita ko may nangyari nanamang gulo sa cafeteria ah?" sabi ni Xander sa akin.
"oo, meron, ano naman ngayon?" sabi ko sa kanya
"Kwento naman kayo!!!" sabi naman ni Kenneth.
"ang chismoso nyo talaga eh no! kalalaking tao ang hilig sa chismis" sabi ni James.
"Ang ingay nyo!" sabi ko sa kanila at tumahimik na sila pagkatapos magturuan.
Oo nga pala, ako si Lance Kelvin Ford, kaibigan ko yung mga maiingay kanina.
Gwapo, matalino, mayaman at hindi naman sa pagmamayabang ay talented din ako. *smirk*
Okay enough of myself, dumating na yung prof. namin ee.
Dahil hindi naman ako makikinig sa inyo ko nalang iku-kwento ung nangyari sa cafeteria, alam nyo ba yung mga babaeng nag-away kanina. Grabe lang talaga.. lalo na si Montereal, ...okay fine, sige na nga maganda na sya pati yung mga kaibigan nya pero sya talaga yung nags-standout ee tapos...ay hindi..galit pala ako sa kanya Aaminin ko, kahit maldita yun, ang dami kong naririnig about her na mabait naman daw.. pero hndi ako nababaitan sa kanya kasi dati------
"Okay class, I have a news for you. This coming week will be your MFU day. At kapag MFU day, it means makakasama nyo ang Building A sa class nyo, but this will be different dahil hindi kayo magkakasama sa class, bunutan kung anong classroom kayo,babalik nalang ako ditto mamaya for that ok? You may now take your break."
Bigla naming um-entrance si ma'am. Tss. Nagku-kwento ako ee.
Pumasok yung advser namin, si Ms. Anderson. Ang ganda ni ma'am pero di ko sya type. HAHAHA. Hindi ko muna itutuloy yung kwento ko sa ha? Mamaya nalang dahil tinatamad ako. *evil laugh*
After that pumunta na kami sa tambayan namin.
Zhela' s POV
*tambayan*
"Oh-My-G! Grabe makakasama na natin ulit yung mga nasa building B" sabi ni Bianca sabay tili .
"Aaaahhhhhh! Oo nga, sana mga gwapo classmate natin" sabi ni Shayne,sabay tili nilang tatlo.
"Sana lang talaga hindi natin classmate yung Ford nay un. Arrrrggghhh" naaasar pa rin ako tuwing naaalala ko yung nangyaring yun. Ang kapal ng mukha niyang Ford na yun." sabi ko
"Tamaaa! Ayoko silang Makita, ang kakapal ng mukha nila" sabi ni Maddy sabay simangot.
Nag-agree naman kaming tatlo sa sinabi ni maddy.
"oo nga pla, kelan photoshoot mo uilt? Bench ka pa rin ba?" tanong sa akin ni Maddy.
Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin model pala ako. Hihihi. Sareh,forgot to tell you.
Sila rin pala, minsan iba-iba kami ng brand ng damit minsan din pare-pareho.
"Nope, Penshoppe na ako ngayon ee" sabi ko
"pareho pala tayo ee" Bianca
"ako din" Shayne and Maddy..
"May bagong model nga daw tayong makakasama ee, lalaki daw"
"Sana gwapo" sabay sabay naming sabi tapos nagkatinginan kami tapos tumawa. HAHAHA.
***********
A/N: hello guyth! Sana nagustuhan nyo, pa-vote naman po. Hihihi.
-sohardtobeme