I Hate You

23 2 0
                                    

The more you HATE. The More you LOVE.

DO NOT COPY!

All rights reserved.

 --

"I Hate you talaga! Hmp."

Sabay walk out nya. Haaaay. Ayan nanaman sya. Lagi na lang nya akong sinasabihan ng I Hate You. Nag sasawa na nga ang tenga ko kakarinig nyan eh. Ang manhid naman nya kase, diba nga sabi nila? Ang lalaking torpe sa panloloko kumakapit? Eh sya di nya ata alam yun eh. 

Kada loko ko kase sakanya katumbas naman nun ang salitang I Hate You nya.

"Oh Josh? Tulala ka nanaman. Ikaw naman kase pre eh, di ka pa umamin. Tsk! Ayan tuloy nasasaktan ka tuwing sinasabihan ka ng I hate you. Hahaha." Tsss. Kahit kelan talaga. Etong si Andrew walang magawang matino.

"Kahit kelan talaga wala kang magawa sa buhay neh? Imbes na tulungan mo ako pinagtatawanan mo pa ako." Sabi ko naman sa kanya habang di nakatingin at naka-titig lang kay Ayanna.

"Hahaha. Pikon! Ganyan ka na lang ba habang buhay? Hanggang titig lang. Nako! Kung ganyan ka rin lang kawawa ka. Mamaya maunahan ka pa pinaiiral mo kase pagiging TORPE mo eh!" Maka-diin sa salitang Torpe etong taong to kala mo andali umamin.

"Maka-torpe ka naman kala mo ikaw noon di ka naging ganyan." Pag bawi ko naman sa sinabi nya.

"Atleast umamin na ngayon eh ikaw? HINDI pa! Wahahaha!"  Maka tawa parang sira eh. Simaan ko lang sya ng tingin saka na ako nag mukmok sa table ko.

Ako nga pala si Josh at yung sumisigaw naman kanina eh si Ayanna. Sya yung firstlove ko pagka-bata. Oo, mula pag ka-bata. Kababata ko yun eh. Hindi din naman nya alam na mahal ko sya.

Halos lahat nga ng kaibigan namin alam na ang tungkol sa nararamdaman ko eh. Sya na lang hindi. Manhid eh no? Kaso kasalanan ko din. Torpe kase ako. Malamang pinagtatawanan nyo na ako. Kayo kaya umamin? Diba ang hirap?

"Hoy! Josh! Tabi nga dyan. Yung notebook ko, mamaya malawayan mo pa eh tska mamaya may di ka pa dapat makita dyan." Napatingin naman ako sa nag salita si Ayanna pala. haha. Ang ganda talaga nya. Sarap titigan.

mainis nga ito. Kinuha ko na yung note book nya bubuksan ko na sana kaso pilit nyang ina agaw.

"Akiiiin yaaan eh!" Haha. Ang cute nya talagang mainis. :3

Binuklat ko yung notebook kahit na patuloy nyang inaagaw yun.

My First Love ever... Mr. Kulet

Yan yung nakita ko sa notebook nya.

Sino naman tong Mr. Kulet na to? Psh. First love daw!

Napabusangot ako sa nakita ko. Haaay. Ayan kase antorpe ko. Naunahan na tuloy ako. :\

Binalik ko na sakanya yung notebook nya.

"Aish! Binalik mo din sa wakas. Tsk! I Hate you!"

Ayun nanaman po sya. Haaay.

"Hoy! Ayanna! Hinahanap ka nanaman ng manliligaw mo. Wahaha! Hinihintay ka na ni Wayde!" Sigaw ng isa sa mga kaklase kong kaibigan din nya.

Napatingin naman ako sa pintuan. Tuwang tuwa namang lumapit doon si Ayanna. Argh! Sya ba yung firstlove nya?! Sheyt lang ha?! Mas pogi naman ako dun. =_____=

Bumalik na uli si Ayanna sa row namin.

"Oh? Manliligaw mo yun? Psh. Mas pogi pa ako dun e."

"Lampake." Yun lang ang naisagot nya.

 --

Bukas Valentines na. Mag tapat na kaya ako? Mamaya maunahan pa ako nung Wayde na yun. Ilang weeks na rin silang laging mag kasama ni Ayanna. Nakaka selos tuloy.

Nag lalakad ako papuntang garden ngayon ng school. Dito lang ang walang masyadong tao. Lahat kase sila nasa Field ng school nag oorganize ng events.

"Wayde ano kase e. May sasabihin ako..." Si ayanna yun ah? Mag tatapat na ba sya?

Patuloy akong nakinig.

"Tungkol nanaman ba ito doon? Kung oo, wag mo ng ituloy yan. Alam ko mawawala rin yun. Tska hindi matatanggap yung sasabihin mo."

Nag tatapat na ba si Ayanna? Tapos irereject lang ng mokong na to?! Aba'y hindi pwede sa akin yun!

Di ko alam pero parang agad akong nagalit sa inasta ng Wayde na yan. Si Ayanna na ginagawa ko ang lahat mapansin lang ako e irereject lang nya?! Aba! Ungas sya!

Hindi ko na napigilan at agad na akong nag punta sa kinaroroonan nila at hinila ko si Ayanna papalayo paunta sa may banda fish pond ng garden... Buo na ang desisyon ko. Magtatapat na talaga ako.

"Ano ba Josh! Bitawan mo nga ako?! Masakit na yung paa ko kaka-kaladkad mo! I HATE YOUUU!"

Napatigil ako at saka ko sya hinarap. Di ko na talaga kaya. Sasabog na ang nararamdaman ko.

"Ano ba Ayanna! Tigilan mo na nga ako sa kaka I HATE YOU MO! Nakakarindi na e!"

"At bakit naman ha?! Eh kung sa naiinis ako sayo e! Wala ka bang magawa sa buhay ha?! At lagi mo na lang akong niloloko!"

"Ginagawa ko yun para mapansin mo! Manhid ka ba?! Ayanna gusto kita! Di ba uso sayo yung motto na 'Ang lalaking torpe sa panloloko kumakapit!' Pero mukhang di mo alam yun e!"

Nakita ko namang nagulat sya sa mga sinabi ko, Haaaay, nabawasan din ang tinatago ko. -___-

"G-gusto mo ako?" .... "Oo Ayanna. Dilang basta gusto mahal kita! Pero ang manhid mo!"

"Anong ako?! Ikaw nga dyan e! Kung sa akin di uso yung sinasabi mong 'Ang lalaking torpe sa panloloko kumakapit!' Abay! Sayo naman hindi ba uso ang motoo na 'the more you hate the more you love?!' Matagal na din kitang gusto. Ay mali pala.... Matagal na kitang Mahal Josh pero mukhang di mo halata."

Sa mga sinabi nyang iyon ay napatungo sya.

"M-mahal mo d-din a-ako?" Di makapaniwalang sabi ko.

Tumango lang sya bilang sagot.

Niyakap ko sya ng napaka higpit.

"I hate you..." -ayanna

"I hate you, too.." -Ako

Nag punta na kami sa booth ng section namin.

Lahat sila gulat dahil mag kaholding hands kaming pumasok sa room.

"Nag kaaminan na kayo?!"

Tumango lang kami pareho saka ngumiti.

"Wooooh! Di na torpe si Josh ah!" Bati sa akin ni  Andrew.

Sa wakas. Hindi na nga ako torpe at naamin ko na rin sa wakas. Na mahal ko si Ayanna. :)

Nakaka gaan ng loob kapag nasabi mo na sa taong mahal mo na mahal mo sya. At ang napaka saya pa... Yun ay mahal ka din ng taong mahal mo.

-THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon