Anong pakiramdam?

101 0 0
                                    

"Jess, anong pakiramdam ng masagasaan?" tanong ni Kyla sa akin.

"Masakit siyempre."

"E yung mahulog sa mataas na hagdan?"

"Masakit siyempre?"

"E yung masaksak ka?"

"Tanga lang Kyla? E di syempre masakit!" nakakabwiset naman oh! Yung mga tanong ni Kyla mga pang-tangang tanong.

Nakakabwiset ang hanep.

"Ano pakiramdam kapag inlove?" tanong niya sa akin.

"Sabi nila, masarap daw ma-inlove. Para kang nasa cloud 9." sagot ko sa kanya.

Di ko masisisi si Kyla, napaka-inosente niya sa lahat ng bagay.

"E paano  pag di ka mahal ng taong mahal mo?" tanong niya.

"Masakit Kyla. Masakit na masakit." pumikit ako para pigilan yung luhang parang aagos sa mata ko. "Sige Kyla, alis lang ako." at tumakbo ako palabas.

Two years. Two years simula ng nangyari yon. Two years na rin akong di nakaka-move on.

Umupo ako sa eksaktong pwesto kung saan nangyari yon. 

** FLASHBACK**

"Jesssss!" napalingon ako sa tumatawag sa akin.

Feeling ko tumalon puso ko nung nakita ko siya. Siya si Eric.

"Jessss! Naipasa ko lahat ng exam ko! Jess! For the frist time!"

tuwan-tuwa niyang pagbabalita sa akin.

Hawak hawak niya yung mga test papers at ipinapakita sa akin. Totoo nga. Naipasa niya lahat ng exams niya.

"Im so happy for you baby boyy!" sabi ko sa kanya pero sumimangot siya.

"Yuckk. Baby boy? Ewww. Di na ako baby no? Umiinom na nga ako e." sabi niya at proud pa siya.

"Ewan ko sayo." sabi ko at umalis na sa harapan niya.

"Uyyyyy! Wait lang. May isa pa akong balita!" sabi niya at mas lumawak ngiti niya.

Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Kami na ni Eunice! Akalain mo no? Sinagot niya na ako. Sinagot niya na ako Jess." sabi niya at yung mata niya parang nagiging heart na.

Nanghina tuhod ko, parang nanlalambot ako.

"Sabi niya kasi Jess, pag naipasa ko lahat ng exams ko, sasagutin niya na ako."

"Kaya ka nagpatulong sa akin?"

"Hmm. Yupp. O diba! Naging kami na. Thank you Jess. Kaya sayo ako e. Love na love pa kita. Pero as a friend ha! Si Eunice lang love na love ko yung more than friends."

Si Eric, siya yung unang taong papasok sa isip ko pag tinanong kung sino mahal ko. Siya yung kaibigan ko na sobrang sweet. Siya yung taong mahal na mahal ko.

Pero wala e, friendzone ako.

Lumpias ang pasko, at bagong taon.

Di ko na gaanong nakakasama si Eric, si Eunice lagi niyang kasama e. Para ngang nakalimutan na ako.

Anong Pakiramdam?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon