MNH Chaptie 7

17.8K 237 19
                                    

Kreanne's POV

"Nice meeting you here ..." sabi niya sakin na ngiting-ngiti ... Pero teka, ano nga ba yung nangyari ?? Nabangga ako ng bata na anak niya tapo-- ANAK NIYA ??? 

"ANAK MO ???" bigla kong naisigaw kaya ang daming nagsitinginan sa akin ... Teka nga, nasaan sila Mathew ??? At saka anak ?? Di ba nalaglag na ang anak niya .. PUTEK ANG GULO >_<

"OH yes .. Anak ko, si Alfrine .. Ang pogi noh ..." sabi niya pa na hinihimas-himas ang pisngi nung batang lalaki .. Oo, ang pogi, ang cute at ang puti ...

"sana hindi mana sayo ang ugali .." pabulong kong sabi habang nakatingin sa bata ... Tss ... Nagkita na naman kami ng bragudang to ..

"Hayaan mo, mana kay Alfred ang ugali nya, mabait atsaka, ninang ka pala niya ..." sabi niya na nakangiti ...

"ANO ?!?!" sigaw ko na umalingawngaw sa paligid ... Kanina pa ako nasigaw dito aa ... Nakakahiya na >_< ang hilig kasing manggulat eh ...

"Kahit na nasa ibang bansa ka, ginawa kita Ninang at sabi ko hindi ka makakarating kaya bininyagan siya na wala ka .. So Baby ko, bless to your Ninang ..." sabi niya sa akin at sa anak niya .. Nagmano naman yung bata sakin at ang cute cute ...

"Hello po Ninang ,,," sabi sakin ni Alfrine na nakangiti .. Katulad ng ngiti ng baraguda niyang ina ...

"Sinong ama mo ??" bigla kong tanong sa kanya na walang halong ekspresyon sa mukha at deretsong nakatingin sa mata niya ...

"Si Daddy, Si Alfred po ... Bakit po ???" eh ?? nabuntis ba ulit si Lexine ??? Ha ?? Ang bilis atang naproduce ...

"Alam ko nasa isip mo, well, nagsinungaling lang naman kami ng doctor sa inyo at pinaniwalang nalaglag siya kahit na hindi ... Hindi mo ba nahalata ?? Kung nalaglag ang anak ko, edi dapat sinugod na kayo ni Alfred di ba ?? Pero hindi eh kaya, eto siya ngayon, kasing edad ng anak mo ..." 

"Paano mo nalaman na may anak ako ???" sabi ko sa kanya ... Nakakapagtaka lang kasi eh ...

"Tss, nakita lang naman kita sa UK hospital na kakalabas lang ER noh ... Kakatapos mo lang manganak samantalang ako manganganak pa lang ... Kaya alam ko ... Atsaka marunong magtagalog ang anak ko, hindi kagaya ng anak mo, yan tuloy, hirap kang mag-English ..." aba aba tong babaeng toh oh .. Sampalin ko kaya toh magkabilaan ... Hambulusin ko pa ng swing to eh ... 

"Anong sabi mo Lexine ??" napatingin kaming dalawa sa nagsalita mula sa likod ko ... "Hindi nalaglag ang anak mo at alam mong buntis si Kre noon ??" halatang gulat na gulat si Mathew ... At may halong lungkot at sakit sa mga mata niya ngayon ... 

"Mathew, hello, hmmm ganun na nga ATA ?? Ammm .. Sige, uwi na kami ni Alfrine ..." tapos tumalikod na sila ... At naglakad palayo ...

"Bum--" bago niya tapusin ang sasabihin niya at bago pa siya makalapit kay Lexine ... Pinigilan ko na siya ...

"Hayaan mo na, buti nga ligtas ang bata, halika na nga, enjoy this trip ..." pagkasabi ko nun humawak na ako sa braso niya ... 

"Hey !!" sabay tulak sakin palayo kay Mathew ... "Don't touch him ..." sabi sakin ni Annethe ... Nanggigil na ako sa kanya aa ... Suntukin ko toh eh .. Pasalamat siya anak ko siya at Daddy niya yan .. *sigh*

"Fine ..." sabi ko sa malungkot na boses ... pero o___O hinila ako ni Mathew at hinawakan ang kamay ko, holding hands talaga aa, yung pang-couple tapos si Annethe nakahawak sa kabilang braso niya ... Ako nasa kaliwa tapos si Annethe nasa kanan ...

"Huwag kang bibitiw ..." sabi niya sakin kaya napangiti ako at ganun din naman siya ....

forwarded:

"I'm tired and happy ..." sabi ni Annethe pagkapasok namin sa bahay  .... "I want to sleep ..." pagkasabi niya lumapit siya kay Yaya at binuhat naman siya ni Yaya tapos umakyat na ...

"Yung promise mo ..." napatingin ako sa katabi ko ... Si Mathew ... 

"Promise ???" nagtataka lang ako ... kasi promise ??? wala akong maalala ..

"Kanina sa kwarto ... Di ba sabi mo mamaya .. Ngayon na yun oh ..." teka teka ... >__< ... naalala niya pa ... psh ...

"May trabaho ka bukas ..." pagkasabi ko nun naupo ako sa sofa ....

"Day-off ka bukas noh ..." sabi niya at lumapit sakin ... "Kaya lets party ..." 

"KYAA !!!! IBABA MO NGA AKO !!!!" sigaw ko sa kanya at hinahampas-hampas siya ... Tapos yung katulong naman namin nakatawa lang ... Tss, ang adik nila >_<

"Bakit kita ibababa ??" ah ganun ... Sige, party tayo ... Lintik na yan ...

"Sige, pero ako ang boss at wag kang aangal kasi baka hindi matuloy ..." pagkasabi ko nun, kulang na lang kuminang-kinang ang mga mata niya sa saya ... Tss, lalaki nga talaga toh oh ...

"PARTY !!!" kasabay ng pagkasabi niya nun ang pagsara ng pintuan ...

My Nice Housewife [COMPLETED] [On Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon