"Wag ka na magtago. Nakikita kita." Lumabas ako sa puno kung saan ako nakatago.
Andito kami ni Ice sa park kung saan kami madalas nakatambay.
"Akala ko magugulat na naman kita eh."
"Oy! First and last na 'yun! Di na mauulit!" Sabi niya sabay dilat.
Natawa naman ako sa kakulitan niya. Parang bata lang eh. Dinilatan pa ako.
"Sus. Kapag talaga nagulat kita ulit, ililibre mo ko for 1 week!" Balik kong tugon sakanya.
"Oo na, oo na. Halika na nga dito! Tabi tayo." sabi niya habang pinapagpag 'yung sapin sa tabi niya.
Lumapit ako at diretsong humiga. Usually kasi maglalatag kami dito. Favorite hobby namin 'yung panoorin 'yung mga bituin sa langit habang nagkakantahan o nagkukwentuhan.
Kahit anong gawin namin, basta magkasama kami, solve na solve na.
"Payakap nga." Sabi niya. Hindi na ako nakasagot dahil agad na niya ako niyakap.
Kaya ngayon ang position namin. Ako naka higa, siya naman naka side. Nakaharap sakin.
"Hmm. Ang bango ng buhok mo." sabi niya sabay amoy sa mga buhok ko.
"Ang lambot pa." Dugtong niya sabay hawi sa mga buhok na nakatakip sa mukha ko.
Masyado siyang malapit sakin. Masyado na rin mabilis ang tibok ng puso ko.
Katulad ng mga ordinaryong bestfriend love story na nababasa ko sa wattpad, ganon din 'yung nangyari sakin.
Una nga sabi ko ang corny ng mga ganoong eksena. Palaging sa dalawa ang ending.
Maaring mahal ng babae 'yung lalaki tapos kaibigan lang ang tingin sakaniya nung babae o vice versa. Okaya mahal din nila 'yung isa't isa.
Naiirita pa nga ako eh. Kako ang clichè ng mga ganoon. Ayon pala, ayon din ang bagsak ko.
Ako kaya? Ano kayang ending ko?
"Ang haba talaga ng pilik mata mo. Ang ganda pa ng mata mo. Tapos 'yung ilong mo hindi matangos, hindi din pango. Tama lang. Ang sarap titigan." Pagputol niya sa mga nasa isip ko.
"E-ewan ko sayo!" Pinipilit kong itago 'yung kilig na nararamdaman ko. Hindi niya pwedeng malaman, hindi niya pwedeng mapansin.
"Tapos 'yung lips mo. 'Yung lips mo.."
Napulunok na ako sakanya. Hindi kasi ako makalingon. Baka ano kasi. Baka alam niyo na. 'Di ako makapag pigil. Haha.
Atska sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. As in bonggang bongga ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Yung labi mo ang pula pala, ano? Ang ganda mo talaga."
Hindi ko na alam anong ire-react ko! Masyado na akong kinakabahan na kinikilig na kinakabahan na kinikilig!
Baka mahalata niya, hindi pwede. Hindi pwede. Kailangan i-iwas ko kung gusto ko pa tumagal itong friendship namin.
"Ah! Eh, ano. Wish na tayo? Dali, dali! Harap ka na dun!" Pag-iiwas ko sa topic
Sana lang 'wag mahalata.Tumingin muna siya sa'kin tapos ngumiti. My gahd, pinapatay talaga ako ng lalaking 'to eh!
"Sige." Umayos na siya ng higa tapos tumingin sa mga bituin.
"Game?" Tanong ko at sinilip saglit ang mukha niya.
"Game!"
Nagsimula na siyang pumikit. Pipikit na din sana ako nang 'di ko maalis 'yung tingin ko sakanya.