Chapter Thirty Five

1.4K 38 0
                                    

AJ POV

It's been a month simula ng maaksidente si Reign at hanggang ngayon ay hindi pa din sya nagigising. I'm always talking to her hoping na maririnig nya ang mga sinasabi ko. I miss her so much.

Kasalukuyan akong nasa opisina ngayon. Hindi ko pwedeng pabayaan itong company nila kaya kahit ayaw ko sanang umalis sa tabi nya, wala akong magawa. Hindi naman pwedeng pabayaan ko lang si dad, mas lalong mahirap sa kanya yun dahil anak nya ang nasa ospital.

After office dumidiretso na agad ako sa ospital para dalawin ang babe ko o di kaya minsan ako na ang nagbabantay sa gabi para makapagpahinga sila.

Lagi din daw dumadalaw si Dylan don. Hinahayaan na lang daw nila para hindi makahalata na alam may alam kami sa plano nya kay Reign. Buti na lang din at hindi kami nagpapang abot nito.

Maagang natapos ang mga appointments ko kaya napagdesisyunan kong pumunta ng maaga sa ospital.

Dumaan muna ako sa isang restaurant para magtake out ng food for lunch namin ng parents ni Reign.

"Hi mom, dad!" Bati ko sa kanila ng makapasok ako sa kwarto.

"Ang aga mo ata ngayon?" Sabi sa akin ni mom.

"Maaga pong natapos ang mga appointments ko ngayon eh kaya naisipan kong pumunta na dito. May dala na nga po pala akong foods for lunch." Sagot ko sa kanila.

"Okay lang yan AJ. Magpahinga ka din minsan, hindi laging nakasubsob sa trabaho." Sabi naman ni dad.

"Yes dad!" Sagot ko na lang saka nilapitan ang babe ko.

"Hi babe! Nandito na ulit ako. Gumising ka na babe! I missed you so much na." Sabi ko dito habang hawak ang kanyang kamay.

"I love so much babe!" Bulong ko saka sya dinampian ng halik sa kanyang labi.

*****

Reign POV

Naririnig kong may nag uusap sa paligid kaya pilit kong iminulat ang aking mata. Nasilaw ako sa liwanag kaya pumikit pikit ako bago tuluyan makaadjust ang mata ko.

Nakita kong nasa tabi ko sila mom and dad na nag uusap sa tabi ko at nagulat ng makitang nagising ako.

"Oh my god Reign. Gising ka na." Sabi nya saka nakita kong lumapit si Abby na may kasamang lalaki.

"Do you need anything anak? Gusto mo bang kumain or uminom?" Tanong ni mom.

"I'm okay mom. Don't worry." Sagot ko bago nagpalinga linga para hanapin ang isang taong kanina ko pa gustong makita.

Chineck muna ako ng doktor. He even asked about sa sarili ko like my name, age, saan ako nakatira at kung ano ano pa. Seriously? Then he asked me again.

"Kilala mo ba ang mga nandito?" Tukoy nya sa mga taong nandito bukod sa kanya at sa mga nurse.

"Yes! My mom, dad and Abby my bestfriend." Sagot ko dito saka napatingin sa katabi ni Abby. "Except him. Who are you anyway?" Sabay tanong ko dito.

Halata sa dito ang pagkagulat na ipinagtaka ko pati sila mom, dad and Abby ay ganun din ang reaksyon.

What's the matter with this guys?

"Reign, stop joking! It's not funny." Seryosong sabi ni dad.

"What?? I'm not joking here dad." Sagot ko dito na nagtataka.

"Are you sure hindi mo sya kilala?" Tanong naman ni mom. Umiiling lang ako bilang sagot.

Bigla naman bumukas ang pintuan ang pumasok ang taong kanina ko pa hinahanap.

"Finally hon, you came. We're have you been? Kanina pa kita hinahanap." At nakita kong parang nagulat ito sa sinabi ko maging ang mga tao na nasa paligid ko ay ganun.

"Hey guys? What's the problem?" Sabi ko sa kanila na hindi naman agad umimik at napatingin lang sa lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

"And you? Who are you? Kanina pa kita tinatanong." Sabi ko dito. Mataman ko syang pinagmasdan baka sakaling makilala ko sya pero wala eh hindi ko talaga sya kilala. Napatingin ako sa mga mata nyang nakatitig sa akin, I saw sadness in her eyes, but why? Sino ba talaga sya? Inperness ah gwapo sya. Hindi kaya bagong boylet to ng bestfriend ko?

"Ahmm. Tauhan po ako ng dad nyo sa opisina. I'm just came here to bring some files na kailangan pirmahan ng dad nyo. I think I have to go." Sabi nito.

Lalabas na sana sya ng magsalita si dad.

"No AJ. You must stay here." Sabi nito sabay baling sa akin. "What was that Reign?" Seryosong sabi sa akin ni dad. Magsasalita na sana ako ng magsalita muli ang tauhan ni dad.

"It's ok dad. Aalis na muna po ako." Saka lumabas ng kwarto na agad naman sinundan ni Abby.

Dad??? Are they too close???

Magtatanong pa sana ako pero nagsalita na ang doktor kaya tumahimik na ako.

Marami syang mga sinabi at meron nga daw akong selective amnesia kung saan nakalimutan ko ang ibang pangyayari sa nakaraan ko.

Wala naman sigurong importante sa mga nakalimutan kong iyon. Kilala ko pa din naman ang parents ko, friend at syempre yung boyfriend ko. Well, except sa dito na pala kami sa Pilipinas nakatira 2 years ago na and we're staying for good na pala. I'm managing my restaurant na din daw and starting to train as future CEO sa company ng family namin. Ang dami ko din palang nakalimutan pero madali naman mag adjust sa ngayon. Hindi ko din matandaan ang nangyari before ako maaksidente. Ang sabi nila mom pauwi na daw ako sa bahay ng maaksidente ako. Ang kwento lang daw sa kanila ng mga nakakita, may makakasalubong daw akong truck kaya iniwas ko daw ang sasakyan yun nga lang nagpagulong gulong daw ang sasakyan ko bago tumama sa isang poste. Grabe ang hard nun but thanks god I'm still alive and kicking.

♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon