KACHAKAHAN 14

898 18 0
                                    



CHAPTER 14

Oh mga beshie, nabasa nyo naman siguro ang last chapter, at hanggang ngayon sa previous na chapter ay dihins parin ako maka believe sa sinabi ni Terrence June Vicente na anak ng may ari ng VBL company. Secretary nya daw ako mga bes, oo una ay ayaw ko kase di ako prepared, pangalawa natutuwa na din ako dahil makakasama ko si krass, at pwede ko na syang mapagsamantalahan chos!! Pangatlo mga bes nag aalinlangan ako kung paano ko sya pakikisamahan, pakikitunguhan gayong grabe sya kung makaasar sa akin. Ngayon nga lang ako nakakita ng isangp presidente ng isang company na ang gaspang ng ugali. Magaspang pa sa mukha ko ang kanyang pakikitungo sa akin.

Unang araw ko sa kanyang opisina ay kaliwa't kanan na ang utos nya, ni hindi ko na nga malaman kung ano na ang uunahin ko, yung tipong di ko pa ng tapos yung isa kong gawain ay may sunod na naman syang utos.

"ang bagal mo kumilos, alam mo yung dati kong secretary mabilis yun ehh." pag sermon sa akin ni Terrence sa kanyang opisina.

"ehh ba't di mo nalang yun kunin ulit, mabilis pala ehh" pabulong kong turan.

"may sinasabi ka ba?" pag titig nya sa akin.

"wala po sir, heto na po bibilisan ko na po"

Binilisan ko ang kilos ko, yung triple time ang bilis ko sa bawat pinag gagawa nya sa akin. hinahapo na nga ako sa kakalakad labas pasok sa kanyang opisina para ibigay sa kabilang room ang mga papers after nyang ma pirmahan yun. Parang gusto ko ngang i-suggest nalang na butasan nalang nya ang apat na sulok ng kanyang room para di na ako pabalik-balik sa labas, kundi iaabot ko nalang sa butas ang mga papers na pinapadeliver nya. Yung tipong daig ko pa ang Jolibee delivery at LBC sa maya't maya na pag hatid ng mga papel.

Pagkatapos ng pag deliver ko sa mga papel ay inutusan nya akong mag email sa mga board member dahil may meeting sila, at ginawa ko naman. After ko mag send ng email ay may inabot sya sa aking makapal na papel anya ay i re-type ko daw yun dahil need nya mamaya sa meeting at i print ko ng tag sa-sampong kopya. Ginawa ko naman ang utos nya sa akin. after ko mag print ay may inutos syang muli sa akin, linisan ko daw muna ang opisina nya kase makalat. Dahil sa mga pinag uutos nya sa akin ay napatayo ako sa harap nya na may kasama pang pameywang na ala Maxine Medina.

"kaya siguro nag resign ang dati mong secretary kase pala utos ka, wagas ka maka utos, unli, walang expiry"

After ko mag bitaw ng pamatay kong lines ay napatayo si Terrence mula sa kanyang kinauupuan at syang tingin nya sa akin, yung tingin pang lobo sa twillight saga.

"huh ako ba ay sinasabihan mo? secretary kita at wala kang karapatang sumabtan ako, kung di ka lang anak ni manong Juancho, unang araw mo palang sa kompanyang to, pinaalis na kita"

Dahil sa kanyang sinabi ay may hurt akong naramdaman sa akin puso, tila nanliit ako sa sarili ko. Kahit di nya diritsang sabihin ay alam kong pinagta-tyagaan nya lang ako dahil sa anak ako ng pinagkakatiwalaan nilang driver na si itay Juancho ko.

"Matuto kang gumalang sa boss mo." dugtong nya pa.

Napa yuko ako after nyang sabihin ang kanyang script, at syang talikod ko sa kanya. Naglakad ako papunta sa banyo at doon ay umiyak ng palihim.

I look my self to the mirror at parang gusto kong basagin ang salamin dahil sa aking nakita.

"bakit kaya sa picture ang ganda-ganda ko, pero kapag humaharap ako sa salamin ay nagdududa ako!" tanong ko sa sellf ko.  Kaya minsan nakakatamad na din manalamin lalo na't gantong mukha ang nakikita mo. Sana.. sana may salamin din na pang camera 360 na madaming filter.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang