Awkward. Ang awkward ba talaga o ako lang ang nakakafeel 'non? Bakit kasi kailangan niya pang isama ang girlfriend niya dito? Eh siya lang naman ang inimbitahan ko. Sayang naman ang pagpapaganda ko sa kanya, may girlfriend na pala siya. In fairness, ang sakit ha.
Sabi ng barkada, hindi ko daw nakilala ng maaga si Ericka dahil nasa Maynila daw ito noong mga nakaraang linggo. Matagal na daw sila ni Carl, isang taon na.
ISANG TAON? Eh bakit hindi niya sinabi sa akin?! Eh bakit hinayaan niyang may mangyari samin?! Eh bakit hinalikan niya ako noong nasa may buhanginan kami?! Eh bakit feeling ko, gusto niya 'ko?! Eh bakit sabi niya wala pa siyang nagiging girlfriend?! Eh bakit feeling ko, umasa ako sa wala?! Bakit, Carl? Gusto na kita eh! Nakakainis ka! Hindi ko maintindihan kumg bakit mo 'ko niloko, wala naman akong ginawa sayo.
Pero mabuti nadin na nalaman ko ng mas maaga. Mas mabuting nalaman ko agad na pinapaikot niya lang ako. Atleast hindi pa ako sobrang hulog sa kanya, mas madali akong makakamove-on. Eh ang kaso, bakit sobrang sakit? Alam ko, infatuation lang 'to, gusto ko lang siguro siya dahil may nangyari sa amin, mali siguro ang mga iniisip kong gusto ko siya ng walang dahilan.
Ngayon, pinagsisisihan ko na na ibinigay ko sa kanya yon. Ngayon lang bumuhos sa akin ang mga realization na hindi dapat ako nagpadala sa bugso ng damdamin. Nahihiya ako sa sarili ko.
"Bridgette, saan CR niyo? Pasama naman." pakikiusap ni Vince sa akin. Tumayo ako ng walang gana para samahan siya sa CR. Aalis na sana kami nang tumayo din si Carl, sasama ata sa amin.
"A-Ah.. CR din ako." tumingin siya akin pero nagiwas agad. Nahihiya ba siya sa panloloko niya? Nahihiya ba siya sakin? Aba'y dapat lang! Ang kapal lang kasi, talagang naisipan niyang pumunta dito kasama ang babae niya.
Nauna na akong maglakad, sa likod ko silang dalawa. Pero maya-maya'y naramdaman ko nang sumasabay sa paglalakad ko si Vince. Napatingin ako sa kanya, ngumiti lang siya.
Huminto ako ng nasa may CR na kami. Isa lang ang CR dito sa baba kaya isa lang muna ang papasok sa loob. Nauna si Vince. So bali, kaming dalawa lang ni Carl ang magkaharap ngayon. Syet, ayoko nito, ang awkward, galit ako sa kanya pero di ko maitatangging ang pogi niya ngayon. Nag-iwas ako ng tingin at humalukipkip. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sakin si Carl. Gusto kong wag magmukhang bitter at affected sa kanila ng girlfriend niya kaya tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Sorry.." tangi niyang sinabi habang nakatingin ng diretso sakin, kita ko sa mata niya ang lungkot. Pero di niya ako maloloko. Sa 3 years naming hindi pagkikita, di ko alam na nagbago pala ang ugali niya. Akala ko siya padin yung 'dating Carl' na kalaro ko, yung mabait at hindi manloloko ng kapwa, yung hindi nagsisinungaling sakin.
"Para saan?"
"Sorry kasi... h-hindi ko nasabing--"
"Hindi mo nasabi? O wala ka talagang balak sabihin?" pagpuputol ko sa sasabihin niya, hindi ko na dapat siya pakinggan dahil puro kasinungalingan lang ang lalabas sa bibig niya. "Alam mo? Hindi na 'ko maniniwala sayo. Kahit kailan." sabi ko, sakto naman na lumabas si Vince. Tinitigan muna ako ni Carl gamit ang maemosyon niyang mata bago pumasok sa loob ng CR.
"Tara na?" aya ni Vince. Sabi ko na hintayin muna namin si Carl, pero sabi niya ay alam naman na ni Carl ang daan pabalik sa lamesa ng barkada. Kaya ayun, naglakad na kami pabalik, pero inaya ako ni Vince lumabas muna at magpahangin. Tamang-tama naman dahil gusto ko munang iwasan si Carl.
BINABASA MO ANG
Hot Summer Nights (On-Going)
General FictionThere's always that one summer that we will never forget. Do you wanna hear the story of my unforgettable one?