Someone's POV
WAAAAH! May humila sa'ken! Kidnapper?!
Sisigaw na dapat ako kaso tinakpan n'ya ang bibig ko.
Ang bango ng kamay n'ya! Amoy Prescripto #4! Char lang. Sino ba kasi 'to?
Nasa likod kami ng isang puno.
Nagtatago?
"Baby why keep on hiding?!" tanong ng isang babae.
Hinahanap ata itong nanghila sa'kin?
Bakit ba kasi nagtatago?!
"Hoy babae! Wag mo ngang matawag tawag na baby ang babes ko!" galit na sabi pa noong isa.
"Excuse me girls, don't you ever try to call my 'bebe' in such names!" aba, englishera!
O ayan, nagsabunutan na sila!
Waaah! What to do?!
Pinapanood lang sila ng mga tao.
Parang sanay na sanay lang makakita ng ganito.
After a minute, may dumating na tatlong gwapo este tao.
"Ok girls. Time's up. You failed. The game is over." sabi noong isang chinito.
"No! Extend!" pagmamaktol noong tatlong babae.
Huh? Ano bang nangyayari dito?
"Kasalanan mo 'to!" sabi nung babaeng sumigaw ng babes kanina kay 'bebe' girl.
"Me?! Excuse me! It's not me! It's you b*tch!" sabi ni 'bebe' girl and she rolled her eyes. Englishera talaga.
"Stop it girls! Walang nanalo, better luck next game na lang and oh, good bye losers!" pagpapaalam ni 'baby' girl.
Teka? Ano bang meron?
"Dayle, labas na. Tapos na ang game. Haha!" tatawa-tawang sabi noong lalaking chinito na may highlights na abo ang buhok.
Tumayo naman itong katabi ko na kailan lang ay takip takip ang bibig ko.
Napanganga naman ako. Ngayon ko lang s'ya nakita! Deym, ang gwapo rin!
"Sa susunod, wag ako ang ipapain n'yo! Mga bobo!" sabi niya doon sa mga lalaki.
"HAHA. Easy bro. Eh sino naman yang hinila mo?" tanong noong isa pang chinito na may gray eyes.
Ok, puro sila chinito.
Yung isa si 'plain chinito'.
Yung isa naman si 'chinito highlights'.
At yung isa pa ay si 'gray eyes chinito'.
Ito namang si Kuyang nanghila, Dayle raw ang pangalan.
"Wala! Nahila ko lang. Pahara-hara kasi." sagot niya sa kanila.
Napakunot naman ang noo ko. Ako pa? Ako pa ang pahara-hara ngayon?!
Hindi kaya! Naglalakad lang naman ako sa 'new school' ko e. Kasalanan ko bang bigla na lang may nanghila sa'ken?!
"Haha. Dayle, you broke the game rule no. 3, bawal hawak kung kanino." tatawa tawa ulit na sai sabi ni chinito highlights.
"It was just an accident!" sagot ni Dayle sa kanila.
"Accident may happen anytime, anywhere! Sorry bro, you must face your punishment. You two must be punished, now!" sabi pa ni gray eyes chinito.
Bakit naman?! Wala naman akong ginagawang masama ah. At—at saka, wala naman akong kinalaman dito! I'm just a transfer student!
Tsaka, offense ba yung maghilahan sa lugar na 'to?
Nasa Rules and Regulations ba yun ng school?!
At sinu-sino ang mga chinitong ito?
At wait isa pa..
Bakit ang dami kong tanong?! Eh nacucurious ako e. Pasensya naman. Kayo ba?
"Three Hour Punishment Dayle. Spend your time with that girl for three hours." sabi ni plain chinito.
"What?! Ayoko nga! B*stards! I told you 'twas an accident!" galit na galit na sagot ni Dayle sa kanila.
"No more explanations bro. Sumusunod lang tayo sa patakaran. Right crowd?! Ipoposas na ba sila?!" tanong ni chinito highlights sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin.
"Iposas na sila! Iposas na sila!" tuwang tuwa nilang sigaw.
Luuh?! Ayoko nga! Nako, wag niyo kong ginugoodtime! Wag ako!
At bago pa ako nakaimik, ipinosas na nila kami.
"Have a good time guys, lalo ka na miss. The punishment starts now." sabi ni gray eyes chinito at umalis na. Maging ang iba ay umalis na rin.
Naiwan kami ni Dayle. Ano ng gagawin ko dito?!
Ganito ba ang pagwelcome nila sa mga transferee na gaya 'ko?!
Ano bang meron?!
Wala akong alam sa mga nangyayari!
BINABASA MO ANG
The Three-Hour Punishment
Short StoryOne shot: Break rules. First published under (c) 2012-2013 lalice0610 uncivilized stories. Edited version published under (c) 2015-2016 lalice0610 civilized stories. Extended version teaser (on the process of editing): Break rules, fall in love. All...