"Tanga ka!"

71 0 0
                                    

"Tyen!" Nagulat ako, bigla akong kinabahan. Nakilala ko yung boses nya, si Maui yun ah. Pero ba't nya naman ako tatawagin? Lumingon ako, "Oh?" Ang sabi ko. "Tyen pengeng papel." Binigyan ko sya pero sa isip isip ko, sus papel lang pala akala ko naman kung ano.

Ako nga pala si Tyen, 15 years old, 4th year high school. Simple lang ako, hindi kagandahan, hindi rin katangkaran. Hindi ako yung Maria Clara na tipo ng babae. Nagmumura ako, umiinom, at sobrang makulet pero mabaet. Hindi rin ako yung tipo na hinahabol ng mga lalaki at may sandamakmak na manliligaw. NBSB 'to boss. Kuntento na ako kung ano ang meron at wala ako, hanggang sa may nakilala akong isang lalaki na nagpagulo ng kontento kong pamumuhay.

Si Maui, transferee sya sa school namin. Classmate ko sya at dahil sa sobrang gwapo niya, maraming nagkaka-crush sa kanya. Marami siyang kaibigan mapaloob o labas ng school. Marami din syang taga-hanga dahil magaling siya maglaro ng basketball. Okay na sana eh. Mabaet na, cool, pogi, mabango, magaling magbasketball, ang kaso babaero. Ganun naman ata talaga eh, porke gwapo sinasamantala. Ayun! Babaero na bolero pa!

Isang gabi, after ng masquerade party sa school, napagdesisyunan naming magkakaibigan na pumunta sa isang club at maginom. Edi ayun na! Ang saya na hanggang sa mayamaya biglang dumating sila Maui at yung iba pa nyang mga kaibigan. Syempre nag-panic ako, dko alam kung anong gagawin ko. Eh medyo hilo na rin ako nung mga panahong yun. Tumayo ako, kukuha kse ako ng pagkaen dun sa kabilang table sabay "Tyen, halika dto. Dito ka sa tabi ko." Sabi ni Maui. Nagulat ako pero sige go, punta ako. Syempre crush ko na yun, pagkakataon na! Edi umupo na ako, nagkwentuhan ng onte hanggang sa hindi ko na namalayan natutulog na pala ako.

Hinawi nya yung ulo ko, nilagay nya sa balikat nya. Pinulupot nya sken yung braso nya, at inakbayan ako. "Matulog ka muna, hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan." Yung mga salita nyang ganun, yun yung nakakahulog eh. Wala akong nagawa, gusto ko rin eh. Tumagal yun, nakaganun lang kmeng dalawa. Hanggang sa may naramdaman ako. Biglang may dumikit sa mga labi ko. Tapos may dila ng pumasok. Si Maui ang first kiss ko.

Kinabukasan, pagkagising ko, parang panaginip lang lahat ng nangyari. Pero naalala ko, bket ko naman maiisip yun kung hindi naman nangyare? Bket ako magkakaroon ng idea n nangyare yun kung wala namang pinaghuhugutan? Di ba? Kaya tinawagan ko si Leslie, yung kaibigan ko, pinagawa ko sya ng paraan para malaman yung totoo. Confirmed, magkatext kse sila. "Ganun tlga ginagawa sa mga babaeng lasing." Sabi daw ni Maui.

Ang sakit. Parang nanglambot ako nung narinig ko yun. Hindi naman ako ganung klaseng babae eh. Pano pagpasok ko? Anong mukha ang ihaharap ko? Nakakahiya ako, siguradong ssbhin nya yun sa mga kaibigan nya. Pero khet ganun pa man, nagpasalamat paren ako sa knya. "Seryoso Maui, maraming salamat sa respeto at alaga." Eh hindi nga ako nirespeto eh!

Bigla nya akong tinawag! Yun pala manghihingi lang ng papel. Akala ko magiging awkward sya sken. Di nya ata alam na alam ko na hinalikan nya ako eh. Pero di na importante yun, ang mahalaga hindi nya pinagsbi. Kilala nya kse kung sino ako at hindi nya magagawang babuyin ako sa ibang tao. Alam nya kung ano ang totoo.

Lumipas ang mga araw na mag-tropa lng tlga kme. Andun pa rin yung ilangan pag nagiinuman kme. Imblis na maingay at magulo ako, kabaligtaran ang pinapakita kong galaw. Nagtataka n nga yung iba pa naming mga kaibigan eh ang sinasabi ko nlng wala ako sa mood okaya meron ako okaya inaantok ako, basta iba ibang dahilan. Pero hindi sila naniniwala kse di naman ako ganun, pagdating sa inuman game na game ako! 

Christmas break na yun, naguguluhan na ako. Di ko na alam kung ano ba tlga ang nararamdaman ko. Parang gusto ko sya na hindi ko alam. Pero sya yung lagi kong naiisip. Kapag may ginagawa ako, bigla nlng sya yung maiisip ko. Lalo naman pagwala akong ginagawa, sya talaga yung iniisip ko. Bago ako matulog sya, pati pag-gising ko sya pa din. Ano ba yun? Di ko na alam. Gulong gulo na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Tanga ka!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon