I. PERFECT SUNDAY
LINGGO na naman.. kung yung iba, pinaka 'ayaw' ang araw na 'to dahil kasunod ng araw na 'to ay ang araw na kinaiinisan at kinaayawan ng madami sa atin, ang araw ng Lunes! At aaminin ko, isa 'yan sa pinakahuling list of the day na gugustuhin ko, to think na kinabukasan may pasok nanaman, kunbaga magsisimula na naman ang araw ng pakikibaka sa iskul, sa trabaho, sa trapik sa kalsada, at sa iba pang bagay na kaylangan natin gawin pagkatapos ng dalawang araw na pahinga. Pero hindi naman 'yan ang dahilan kaya ayaw ko ng Lunes. I hate Monday because that means my perfect Sunday is over again! Matagal na naman ako maghihintay na dumating ang araw ng linggo, ang pinaka 'paborito' kong araw sa 7 days a week!
Bakit?
Tinatanong pa ba yan?
S'yempre ang araw lang naman na ito ang bumubuo ng buong linggo ko, ang araw na lagi kong hinihintay, ang araw na pinahahalagahan ko, ang araw na sobrang nagpapasaya sa akin, at ang araw na hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong araw. Dahil bukod sa family day at engrandeng kainan sa bahay, ito din ang araw na nababawasan ang mga kasalanan ko. Hahah!
Oo! Every Sunday laman ako ng simbahan at excited pa ako magsimba! Eh kasi makikita ko na naman siya..
"Ma, nagstart na yata yung misa..late na tayo.." nadidismaya kong sabi kay Mama. Naririnig ko na kasi yung tunog ng kampana.
"Hay naku, kaya ayoko talaga magsimba ng hapon. Sabi ko naman kasi sayo nak, umaga nalang tayo magsimba. Wala pang trapik." sabi naman ni Mama.
Napasimangot ako, nasisi pa tuloy ako ng nanay ko. Hindi nalang ako umimik. Umaga kasi ang oras ng simba ni Mama, yung first mass kaso tinatamad naman ako gumising ng maaga. Isa pa, hindi iyon ang oras ng pagseserve niya. Hindi ko siya masisilayan non. Saklap! Ang tagal-tagal kong hinintay mag linggo tapos di ko lang din pala siya makikita. Eh nagagalit naman 'tong si Mama kapag hindi ako nagsimba, ang sabi ko nalang magsisimba ako pero sa hapon kaya sumabay nalang din siya para daw may kasama ako.
Muli kong sinipat sa suot kong relo. Mag alas-sais na, few minutes to go nalang magstart na ang mass pero nakasakay pa din kami ngayon sa tricycle at usad pagong ang takbo ng mga sasakyan dahil trapik palabas ng compound namin. Usual, linggo nga kasi kaya nagkalat na naman ang mga tsismosa, tambay at manginginom sa labas. Ewan ko ba sa mga taong 'yan, mas lalo lang nilang dinadagdagan ang mga kasalanan nila, kung nagsisimba nalang sila, di nababawasan pa ang kasalanan nila. Tsk. Teka, bat ko ba sila pinuproblema? Ayst! Late na kami ni Mama!
After 15 minutes, sa wakas nakarating na kami ng simbahan. Ang daming ng tao! Wala na yatang vacant seats. Late na talaga kami ni Mama. Pinakaayoko pa naman yung nakatayo dahil hindi ako nakakapagconcentrate sa misa. At totoo yan! Maniwala kayo! Hahah! Kahit isa sa mga reason kaya ako active sa pagsisimba ay 'siya' pero s'yempre mas lamang yung reason ko na gusto ko talaga magsimba dahil gusto ko marinig ang 'Words of God and to be blessed din. Wow ha! Iba kasi sa pakiramdam yung nakapagsimba sa hindi di ba? At yung hindi siya makita! Whoa! So sad at ang saklap talaga non! No inspiration, no happiness!
But seriously, lumaki na talaga ako na laman ng simbahan every Sunday dahil sa nanay ko, masyadong relihiyosa 'yan e. Siya talaga ang palaging laman ng simbahan, at present palagi 'yan sa mga simbahan, like pag Wednesday Mass, dadayo pa yan ng Baclaran church at sa Friday Mass, sa Quiapo Church naman. At halos wala siyang palya, lahat ng mass sa buong week, palagi siyang nagsisimba. Lalo na pagsimbang gabi, palagi niyang kumpleto yung 9 days! Dyan ako bumilib sa nanay ko. She has a strong faith to God.
Kaya yun, kaming mga anak niya, naimpluwensyahan din niya. We grew up praying rosary every night, and to go church every Sunday. Ang Tatay ko lang yata ang hindi niya naimpluwensyahan, kasi bilang na bilang lang sa daliri kung magawi at pumasok yun ng simbahan at kapag may okasyon lang tulad ng birthday niya, pasko. Yan lang, at sapilitan pa yan kung hindi pa sesermunan ni mama. Ewan ko ba, kung paano nag-swak ang mga magulang ko sa isa't isa. Haha!
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Novela Juvenil❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.