Destined to be yours (Part1)

12 0 0
                                    

Chapter I

Taong 2015 naka graduate si Jeyz ng highschool sa isang exclusive na paaralan sa kanilang lugar. Isang matangkad at may katamtamang pangangatawan mahaba buhok at morena. Mabait at Palakaibigan.


Bakasyon na. Kolehiyo na si Jeyz at siya ay mag aaral ulit sa kursong Nursing sa isang sikat na Unibersidad ng Nueba Esijano.
Nagbakasyon si Jeyz sa bahay ng tito niyang si Tito Jerry. Kapatid ng kanyang ina na si Aling Gina. Hindi sa inaasahan na pang yayari. May isang lalaki na ngayon lang niya nakita. Isang chubby. Matangkad. Cute. May Dimple at maganda ngumiti. Itong lalaki na ito ay pamangkin ng asawa ni Tito Jerry na si Tita Sabel.. Masayang sumasalubong ang bawat kamag anak nila.. Maya maya pinakilala ni Tito Jerry si Jeyz sa lalaking kanina pa nakatingin sa kanya. Ito ay tinawag at lumapit ang lalaki sa kanila.. "Iho, may ipapakilala ako sayo. Ang pamangkin ko, si Jeyzabelle." sambit ng tito ni Jeyz.
"Hi!" sambit naman ng lalaki. At inabot ang kamay at muling nagpakilala "Ako nga pala si Marc.." ngiti nito muli naman tinanggap ni "hello.. Ako nga pala si Jeyzabelle. Jeyz nalang itawag mo saakin.." ngumiti sila sa isa't isa. Sa unang pag kakakilala ni marc kay jeyz gumaan ang loob nito sa dalaga.
Naging malapit si marc kay jeyz. Dahil sa pagiging mabait nito at masaya kasama. Hindi nag tagal, humigit na sa kaibigan ang nararamdaman niya para kay jeyz. Pero hindi muna ito pinahahalata at baka mabigla si jeyz..

Isang araw inaya ni marc si jeyz mamasyal, pumayag naman ang dalaga. Lumabas sila nagpunta sa isang park na may magagandang tanawin at talagang pasyalan ng mga tao. habang nag lalakad sila gusto ng akbayan ni marc si jeyz ngunit hindi niya magawa dahil nahihiya ito at baka siya ay sampalin. tahimik sila nag lalakad bigla nag salita si marc." Jeyz, doon tayo sa isang puno na malapit sa isang pond.." tumango nalang ang dalaga at limang hakbang lang andun na sila. nakaupo sila sa isang upuan habang pinag mamasdan ang mga ibon na nakapaligid sa isang pond. magkatabi silang nakaupo sa bench. feel na feel nila ang isa't isa ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang mukha.. "ang ganda naman dito. ngayon ko lang napasyalan ito. madalas ka ba nalilibot sa lugar na ito?." sambit ni jeyz.. ngumiti si marc. "Dito pasyalan ko pag nag iisa ako. Lumaki kasi ako na hindi ko kasama pamilya ko. yung parents ko kasi nasa ibang bansa, dun na sila nag wowork. Minsan nga pag nakakakita ako ng isang pamilya na masayang nag bobonding, nag pipicnic. Nag lalaro, diba ang saya.."ani ni Marc. Kahit bakas sa kanyang puso ang kalungkutan nagagawa pa rin niyang ngumiti.. Nararamdaman ni Jeyz ang nilalaman ng puso ni Marc dahil isa ding OFW sa Saudi ang Tatay ni Jeyz na matagal ng wala sa piling nila.. "Saan bansa ang mga Parents mo Marc?" Tanong ni Jeyz. "Nasa America sila. Doon sila nag wowork.." Ani ni Marc. Yumuko siya at muling nagsalita, "Elementary palang ako umalis si Papa. Sumunod lang si Mama. Naiwan kami sa pangangalaga ng Lola namin sa side ng Papa ko. Tatlo kami magkakapatid. Si Ate Lucy. Ako. at ang bunso namin na si Lyca. Nakikinig lang si Jeyz sa mga kwento ni Marc. maya maya may dumaan na nagtitinda ng Ice Cream.

"Bili muna ako Ice Cream baka magutom ka hehe" sambit ni Marc. Napangisi siJeyz.. Bumili siya ng Ice Cream na para sa kanilang dalawa. Masaya naman sila na Kumakain at May pag kakulitan din itong si Marc. "Ang saya ko ngayon dahil nakilala kita Jeyzabelle.." Ngiting sambit ni Marc. Napangiti nalang din si Jeyz kay Marc. "Sana mas Lalo pa tumagal ang pagiging magkaibigan natin Jeyz." Makalipas ng ilang oras. pauwi na rin sila baka hinahanap na sila ng mga tito at tita nila. "Sa susunod pasyal ulit tayo dito ha" ani ni Jeyz. "Oo naman. kahit hindi mo pa sabihin. hehe birong sabi ni Marc. Naglalakad ulit sila hindi naman kalayuan sa bahay na inuuwian nila dahil ang bahay ng Tito Ni Jeyz na asawa ng Tita ni Marc at bahay nila Marc ay Magkatabi. yung Tatay ni Marc at Tita niya ay Magkapatid.


Naging malapit sila sa isa't isa bilang magkaibigan. Isang araw, Naghanda ng isang simpleng salo-salo ang Tita ni Marc. Nagkaka kwentuhan sila at Nagkakasiyahan sa araw na yun. Pagkatapos kumain nag punta sila Marc at Jeyz sa isang hardin kung saan ay puno ng magagandang halaman at mga bulaklak. Namitas ni Marc ng tatlong rosas na pula.. "Jeyz, Flowers for you. Thank you for being my Good Friend.." at inabot niya ito sa kanya.. "Eh, may rose pa talaga? Thank you ha. kaya lang baka mapagalitan ka ni Tita hahaha" pabiro ni Jeyz. Tumawa nalang si Marc. Masaya silang nag kakakuwentuhan at Namamaalam sa isa't isa dahil bbalik na ng probinsya si Jeyz upang pagpatuloy muli ang kanyang pag aaral.. Kinabukasan, aalis na si Jeyz sa bahay ng Tito niya, nagmamadaling pumunta doon ni Marc. Buti nalang nakaabot siya kndi hindi na niya ito maibibigay pa ang Jeyz.. Ang isang regalo na bukal sa puso niya. "Jeyz, sandal." sigaw ni Marc. na akmang sasakayna sana siya sa sasakyan buti nalang nag abot pa sila. "para sayo." ngiting iniaabot ni marc ang isang regalo para sa kanya.. "para saakin ba ito?" tanong ni jeyz. na para bang hindi makapaniwala.. "Buksan mo para malaman mo." sambit ni Marc. dahan dahan naman binubuksan ni Jeyz ang regalo. Pag bukas niya a isang Bracelet na Infinity ang palawit. kinuha ito ni marc sa isang box at isinuot kay Jeyz. simbolo ng pagiging magkaibigan natin.. Nagpasalamat muli si Jeyz kay Marc at yinakap. Sumakay na siya sa sasakyan. muling nagpaalam sa Isa't isa. Papalayo na ang sinasakyan nila Jeyz. nakaramdam pa rin ng kalungkutan si Marc dahil matagal na naman sila muling magkikita ng kanyang special someone.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Book of Love Story: Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon