Dumating ako sa hotel na punong-puno ng tanong ang isip. Sa dami ng nangyayari sa akin ngaun ay hindi ko alam kung ano ang una kong haharapin.
Isinantabi ko muna ang pag-aalala kay Luther dahil may bagay pa ako na dapat harapin at tapusin.
Bumungad sa akin ang engrandeng lounge ng hotel. Madaming tao ang may kanya kanyang ginawa. Pakiramdam ko ay bigla akong naligaw sa hindi ko malaman na dahilan.
"Sasha," napabaling ako kay Draco na nakahalukipkip sa labas ng pavillion where the party will be held. Hindi pa ito nagsisimula kaya watak watak pa ang mga kamag-anak ko na literal na nandito sa lugar. May ilan din akong media na nakita kaya nanliit ang mga mata ko.
"Bakit may media?" Halos mag-hesterical ako. Draco shrugged. "hindi ko alam.."
Hindi ko alam kung bakit ayaw kong pumasok. Natatakot akong pumasok.. I was confident a while ago. Na sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mag-papaapekto sa mangyayari ngaun gabi. I just want this to pass. I just want to go home after and be with Luther. He's the only thing that matter to me the most now.
Umikot si Draco papunta sa pool side ng hotel. Para akong tanga na hila ang dulo ng gown habang nakasunod sa kanya. Naglabas si Draco ng sigarilyo at mabilis na humitit ng masindihan.
"You look tense." Puna ko sa kanya. Pinanood ko pa ang iba na masayang naliligo sa pool.
"Who wouldn't? Huh? It will wreck our reputation.. our family." Sagot niya na hindi ako tinitignan.
"Bakit wala ka bang pakialam sa pamilya?" Biglang tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot agad. Hindi naman sa wala akong pakialam. Tinanggap ko lang na talagang mangyayari ito sa amin. Hindi ko lang inaasahan na sa ganitong paraan.
Dela Fuente's very primitive with their views and beliefs. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit pinasabog nila ng ganito ang pagpapakilala sa anak sa labas ni Daddy. Paano pumayag ang mga tito ko? Ang lolo ko..
"Syempre meron.." ngumiti ako ng mapait. " Sa buong Dela Fuente dapat alam mo na ang pamilya namin ang pinakamagulo.. and this? You think wala akong pakialam?"
Napatingin si Draco ng tumulo ang luha ko at mabilis pinalis. " I still care for our family.. pero napagod na ako, Draco.. napagod na akong magkaroon ng pakialam."
He puffed his cigarette and faced me with his fierce eyes. Huminga siya ng malalim. "This will pass. Dela Fuente ka Sasha.. kaya mo yan. We're here for you.. pamilya tayo diba?" Gusto kong maiyak sa sinabi ni Draco. Pamilya? I never felt that I belong here.
Natawa ng bahagya si Draco. " We thought kuya Dom was saved nung nahanap ang kapatid mo.. hindi pala, Our lolo said that your brother will be one of the successor. Akala ni kuya mapuputol na doon ang tinakda ni lolo para sa kanya. Hindi pala. Basta sinabi ni lolo walang magagawa kahit sino." Naiiling na salita niya. Alam kong iniiba lang ni Draco ang usapan para gumaan ang pakiramdam ko. Still.. ganon pa din.
I remembered my childhood life. Nung lumipat kami sa US. No one was there for us. Kami lang ni Mommy ang magkasama harapin lahat. Bata pa noon si Kristele at walang muwang. I was there. Kami ang naging magkampi. Wala ni isa sa pamilya ang dumamay sa amin.
"What do you mean?" Hindi naman na ako nabigla na posible na maging successor ang anak ni Daddy. Noon pa man alam na namin na sa kanya iyon tinakda.
Somehow, ngaun ko naisip kung bakit about business ang course na kinuha ko. Minsan kasi dumaan sa isip ko na sana.. ako nalang ang pasahan ni Daddy ng legacy niya. I finished my school and all pero hindi iyon nangyari.
Maybe the Dela Fuente's company wasn't meant for me. Siguro.. hindi ito ang forte ko at lugar ko. May nakalaan talaga para sa posisyon na iyon at hindi ako.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..