(Ayesha Andrea De Vega POV)
"Mommy! Mommmmyy! I'm home!" Tumakbo ang bata papasok sa kitchen nila. Tuwang tuwa at tila may sorpresang handa para sa kanyang ina.
"Princess slow down. Madadapa ka na niyan." Sabi ng kanyang ina at kanya itong hinagkan at tinadtad ng halik sa pisngi nito.
"Mom I have a surprise! Tadaaaa..." Saka nito ipinakita ang kanyang test paper na perfect score.
"Very good my princess. Is the test so easy that you got a perfect score." Sobra ang saya at maiiyak na sabi ng kanyang mommy.
"Yes mom. That was so easy! I always got a perfect score. I always want you and dad to be proud of me and always want you to stand in the stage giving me my medals and ribbons." Masayang masaya ang bata at saka ni-hug ang kanyang mommy Leticia.
"Come on dear we will call daddy and kuya para umuwi sila ng maaga for dinner, we'll be celebrating!" Naghanda na ang kanyang mommy upang makakain na sila ng tanghalian. Pupunta pa ito sa hospital para bisitahin ang kanyang mga pasiyente.
Ang mga De Vega ang may-ari ng pribado, pinaka-mamahalin, at may pinaka-magagaling na doctors, nurses at iba't-ibang propesyong naaayon sa medical.
Si Dr. Leticia De Vega ang namamahala nito at siya rin ang head ng Professional Doctors. Ang DV Hospital ay may tatlong branch sa Pilipinas at isa sa New York. Mayaman ang pamilya De Vega kung kayat may respeto ang mga tao sa kanila. Pamilyang mapagbigay at matulungin sa kapwa nila.
Sa kwarto ng bata, nagpi piano lesson ito kasama ang trainer niya at isang nanny.
Ayesha Andrea De Vega, isang masayahing bata at sobrang talino. She's already 11 years old. Nasa grade 6 na 'to at siya ang palaging nangunguna sa klase simula nung nag-aral na siya. Sobrang bibo, talentado at talino nito. Pangatlo ito sa tatlong magkakapatid.
Ang kanyang kuya Hans De Vega ang panganay na siyang namamahala sa DVega Inc. na isa sa mga prestiryusong kompanya sa buong mundo.
Ang kanya namang ate na si Hannilyn De Vega ay nag-aaral sa New York sa kursong interior designer. Isa rin itong sikat na model sa pinaka-sosyal at mamahaling magazine sa New York. Isang taon na lamang ito sa pag-aaral bago nito makuha ang certipiko ng kanyang propesyong kanyang kinuha ng mahigit limang taon. Kada taon lamang ito umuuwi sa Pilipinas upang magbakasyon at makasama ang kanyang pamilya.
Isang malakas na busina sa labas ang narinig ni Leticia na naglalayong narito na ang kanyang asawa.
Binuksan ng guwardiya ang malaking gate ng kanilang bahay at pumasok ang sasakyan nito at iginarahe.
Hinintay ni Leticia ang kanyang asawa hanggang sa pintuan. Hinalikan nito sa pisngi at sabay na pumasok sa malaking bahay. "Hon, nasa taas ang anak mo. Hinihintay ka na nun kanina pa." Leticia.
"Okay hon. Puntahan ko na lang siya sa taas." Pumanhik sa taas ang lalaki at saka ito pumunta sa kwarto ng kanyang anak.
"Daddy, you're here!" Sabi ng bibong bata at saka ito hinug ang kanyang Daddy.
"Dad, i have something for you?" Sobra ang ngiti ng bata habang kinukuha sa bag nito ang test paper saka ito inilahad sa Daddy niya.
"Very good my princess. You always do very good and I am so proud of you. Pagbutihin mo pa para maging katulad ka ni Daddy and Mommy okay? Buong ngiti ng Daddy nito at tinanguan naman ng bata.
Atty. Antonio Luis De Vega siyang asawa ng may bahay na si Dr. Leticia. Isa itong kilalang attorney sa buong mundo. Maraming humahanga sa kanya dahil magaling ito at sobrang dedikado sa kanyang trabaho bilang pam-publikong attorney ngunit isa rin siyang pribadong attorney sa buong mundo. Mayroon itong sariling opisina at tauhan. Marami at halos lahat ng kasong hinawakan niya ay napanalo nito. Isa itong butihing ama. Kagaya ni Leticia, na ang kanilang prinsipiyo sa buhay ay makapaglingkod sa kapwa lalo na ang mga mahihirap.
Naging busy ang lahat sa mansiyon ng De Vega para sa paghahanda sa celebration. Bandang alas syete ng gabi nakarating si Hans sa mansiyon at sinimulan nilang magcelebrate. Dumalo din ang mga kamag-anak nila at ilang malalapit na kaibigan ng mag-asawa.Nasa hapag sila at busy ang lahat na kumakain, nagtatawanan at may iba't-ibang ginagawa. Napatigil ang lahat nang magsalita si Hans patungkol ito sa kanyang ama. "Dad, kumusta ang kaso ng mga Asuncion? Balita ko hindi daw sumipot sa korte si Alexander." Si Alexander ay ang may-ari ng isa sa pinakamamahalin ring kompanya sa Pilipinas. Isang mayaman at walang sinasanto sa buhay. Asawa nito si Fely Asuncion, isa itong Doctor sa DV Hospital at siya ring kaibigan ni Dr. Leticia De Vega. Mayroon silang kambal na anak na sina Jaz Neil Asuncion at Jan Alexa Asuncion.
"I don't know son. Maaaring mapatagal pa ang kasong ito kung hindi makikoopera si Mr. Asuncion." Sabi nito at saka uminom ng alak na nasa kopita nito.
"Dad, I know Alexa and Neil. Is he their father, Mr. Alexander Asuncion?" Sabi ng batang parang naguguluhan at tila mayroong alam.
"Yes princess. How'd you know them?" Takang tanong ng Daddy nito.
"They're my classmates dad. Neil always pisses me off tuwing kasama ko si Jake, my boy bestfriend and Neil's sister Alexa which is my girl bestfriend." Iritado nitong sabi saka sumubo ito ng pagkain.
"Baby girl gwapo naman si Neil. Baka crush ka nun kaya ka niya palaging inaasar." Mapanuksong sabi ng kanyang kuya saka ito tumawa ng malakas.
"No kuya! I don't like Neil. He's so annoying ang he's not handsome, duh! By the way dad, bakit po kailangang pumunta ng Dad nila sa korte? Ikaw po ba naghahawak sa kaso niya?" Gulong na tanong ni Ayesha.
"No princess. Yung nagdemanda ang hawak ko. Trabahador daw nito sa kompanya. Marami itong ginagawang masama sa trabahador daw nito at isa si Mang Nilo dito. Kaya nagdemanda si Nilo dahil naaawa na daw siya sa sarili pati na ang mga kapwa nito sa trabaho. " Explain ng Daddy niya saka ito tumingin kay Hans at pinandilatang sabi na, tama na at baka kung saan pa mapunta ang topic na yun. Dahil ayaw niya na nasasama ang pamilya sa mga kasong hawak niya dahil ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Kaya't sobrang strikto ito sa mga anak at sa pamilya dahil attorney ito. Hindi naglalayong baka may magbanta sa kanyang pamilya lalo pa't iba't-ibang kaso na ang napanalo nito hindi lamang sa lupain ng Pilipinas kundi pati na sa iba't-ibang bansa.
Natapos ang dinner nilang mag-anak at saka nag-uwian na ang kanilang mga bisita. Busy ang mga kasambahay sa pagliligpit sa long table at pagliligpit sa mansiyon ng makarinig ang mga ito ng ilang pagputok ng baril sa labas.
Nasa sala silang lahat at tanging si Atty. Antonio at ang mga kasamang guwardiya nito ang pumunta sa labas upang tignan ang nangyayari.
Sa pag-labas pa lang ng mga ito sa malaki at matayog na gate, mga putok ng baril ang narinig nila at isang malakas na sigaw ng mga guwardiya.
Lumabas ang mag-anak at nakita ang nakahandusay na lalaki sa tapat ng gate at sabay-sabay nilang pinuntahan.
Nakahandusay ang walang malay na ama nila at ilang mga guwardiya. Wala silang magawa kundi umiyak.
Umiyak ang bata at nalilito sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Lost in the middle of nowhere (LITMON)
RandomWhat will I do? I don't even know who I am. Kailangan ko pa bang malaman kung sino ako? O, magi-stay na lang ako sa kung ano ang buhay ko ngayon at kung sino ako? Ngunit gabi-gabi binabalikan ako nang nakaraan. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako...