Chapter 62

8K 155 3
                                    

CHAPTER SIXTY TWO

GIAN'S POV


Nasa kwarto parin ako ni EJ, nakatulog narin ito dahil sa panghihina, hinimas himas ko ang buhok nya habang nakatingin sa mala-anghel nyang mukha.

Tinawagan ko narin si Hetaher at pauwi narin silang dalawa ni Tita. Tinitignan ko lang ang pagtulog ni EJ ng bumukas ang pinto.

Bumungad si Seth na hingal na hingal, dali-dali siyang umupo sa tabi ni EJ. "Anong nangyare sa kanya?" hindi ko maiwasang tignan ang kamay nyang nakahawak sa kamay ni EJ.

"Dinalaw sya ni Cosmo, m-muntikan na syang magahasa.." nakita ko ang alalang ekspresyon ni Seth "Paano naman sya nakapasok?"

"Sa bintana sya pumapasok" napatingin si Seth sa bintanang bukas.

Tumayo sya at tumingin ng diretso sa akin si Seth "Can we talk in private?" seryosong sabi nya sa akin.

***

Lumabas kaming dalawa sa kwarto ni EJ. Humarap ito sa akin "Anong ginagawa mo dito?" napakunot ang noo ko.

"I'm just visiting her, any problema ba dun?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. "You know, EJ is important to me"

"And mas kailangan nya kami kaysa sa inyo" nanliit ang mata ko dahil sa sinasabi nya. Alam ko kung anong pinupunto nya pero ayaw ko syang pangunahan.

"Lumayo na kayo sa kanya" napatayo ako ng maayos at seryoso syang tinignan "Bakit mo kami paiiwasin sa kanya, mga kaibigan nya kami"

"Hindi nyo---"

"Kaibigan ka rin naman nya diba?" seryoso na ang mukha nya ng sinabi ko yun "Look, parang kapatid ko narin si EJ"

"Kapatid nga ba?" napakunot ang noo nya dahil sa sarkastiko kong tono.

"I don't know what are you talking about" iling-iling nyang sabi sa akin.

"Alam kong may gusto ka kay EJ, Seth" seryoso kong sabi sa kanya "Ano naman sayo kung may gusto ako sa kanya?" it's like there was a pang in my chest ng umamin sya sa akin.

"Pipigilan mo ba ako sa nararamdaman ko sa kanya?" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "AKO, ako ang mas kailangan ni EJ kaysa sayo" pinoint-out nya ako na dahilan ng pagkainis ko.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon