TADHANA

844 5 0
                                    

Kamusta kana?
Naalala mo paba kung paano mo ako nasaktan ng sobra..
Pero eto bumangon ako sa hirap ng dinanas ko sayo.

Minsan nga naiisip ko bakit nakuha mo gawin sakin yung ganong bagay.
Tinanggap naman kita eh. Kahit na umasa ako na maging ok lahat ng meron satin.

Naalala mo paba noon
Na kahit ilang beses mo ako nasaktan eto padin ako handa kang harapin sa ano mang bagay at oras idamay mo na din ang panahon.

Eto pa, naalala mo paba nung araw na iniyak kita at pilit kong sinusuko ang lahat pero hindi ko ginawang bitawan kasi naging parte ka ng buhay ko eh.. Martir na kung martir pero wala eh. Kailangan padin kita tanggapin.

Naalala mo pa nung mga panaho na pinaglaruan mo ako? Alam mo bang ang sakit ng dinanas
ko. Lahat tinaggap ko kahit na ilang beses akong nasaktan at napaglaruan,

Pero gusto ko padin sabihin sayo na salamat sa lahat. Kasi kung hindi moko sinaktan at pinag laruan wala akong matutunang ibang bagay. Natuto akong bumangon mula sa pagkababa ko. Natuto din ako kumilatis para hindi masaktan o umasa..

Salamat sa lahat " Tadhana "
Utang ko ang buhay ko sayo.

By: Unknown
(Parkmingshi)

Unspoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon