Dear Jim,
Hi baby! Kamusta ka na? Alam ko di mo na mababasa ito kasi walang nakakaalam kung san ko ito tinago. Pero kung meron man makakapulot nito, sana ibigay ito sayo. Di ko maisasabi ito sayo ng harapan eh. Kaya ginawa ko itong sulat nato para malaman mo ang nararamdaman ko.
Naalala mo pa ba? Nung first year highschool pa tayo, sa waiting shed mo ako unang nakita. Ang lakas lakas ng ulan nun. Pareho pa tayong walang dalang payong. Ako, ikaw at mga barkada mo ang natira sa waiting shed kasi yung ibang nag-aantay dun nakasakay na, yung iba naman may sumundo. Ang lakas nung hangin kaya di ko maiwasang yakapin ang sarili ko. Bigla mong sinuot sa likuran ko ang kulay gray mong jacket. Binalik ko sayo yung jacket kasi nakakahiya at kaya ko pa naman yung lamig. Pero ngumiti ka lang sakin at sinabing mas kailangan ko yun. Ngumiti din ako pabalik sayo at nagpasalamat. Dumating ang sundo ko, agad akong sumakay sa kotse namin para di ako gaanong nabasa.
Sa huling pagkakataon, nilingon ko kayo ng barkada mo. Nakangiti kang tumingin sa kotse namin saka nag-wave at umandar na kami. Habang nasa byahe ako, yakap yakap ko ang binigay mong jacket. Di ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng init ng dala ng jacket mo. Para mo akong niyakap nun. Hanggang sa nakauwi nako, di pa rin matanggal ang ngiti sa labi ko.
Second meeting natin yung sa may canteen ng school? Nakaupo ako nun sa isa sa mga red tables. Nakita kitang pumila kasama yung kaibigan mong si Steve. Classmate ko kasi sya kaya kilala ko sya. Habang pumipila ka, ninanakawan kita ng tingin. Ang lakas ng dating mo sakin kahit nakatalikod pa. Umikot yung paningin mo na para kang may hinahanap. Nagulat ako ng tinuro mo ako at sabay tingin sa direksyon ko si Steve. Yumuko ako dahil sa kaba.
Nang maka-order ka na ay humakbang ka papalapit sakin. Sa direksyon kung san ako umupo. Nagkukunwari na lang akong yumuko at kumain. Bigla kang lumagpas. Akala ko ako yung lalapitan mo, yun pala ang barkada nyo ni Steve. Ayos lang, malapit rin naman ang table nyo sa table ko kaya dinig ko ang harutan nyong magkakaibigan.
Tumayo na ako para pumunta sa next class ko. For the last time, nilingon kita. Kumakain ka habang may hawak na phone. Di ko alam kung nagtetext ka o ano basta may tinatype ka. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Sino kaya ang katext mo? Ang swerte naman nya.
Nasa room ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at may unregistered number na nagtetext.
Hi! Mia right? Im Jim. Yung nag-offer ng jacket ko sayo. Naalala mo ba?Iyon ang unang text mo sakin. Nireplyan kita at dun na nagsisimula ang pagiging close natin sa isa't isa. Tetext mo ko pag gusto mong kasabay mo ko pauwi, o sasabay ka sa canteen o sasamahan mo ko sa library. Alam na alam mong mahilig akong magbasa.
Nagseselos na nga mga katropa mo kasi ako ang palagi mong kasama sa lahat. Hahaha! Naalala mo pa ba?
Tapos nung sa canteen, pinag-uusapan natin yung mga paborito natin. Akalain mo? Paborito mo yung kumain ng cheese na paborito ko rin. Cheese-lovers ka din pala.
Umabot sa 2 months ang "getting-to know-each-other" nating dalawa ng naisipan mo akong tanungin.
"Pwede ba tayong lumabas? Kahit isang araw lang"Pumayag ako sa favor mo. Lumabas nga tayo, kumain tayo sa isang resto dito sa Cebu. Grabe, halos lahat inorder mo tas sa akin mo lang pinakain lahat. Nagrereklamo pa nga ako kasi ikaw di ka kumain. Ikaw pa naman yung nagbayad lahat.
Nagulat ako kasi bigla kang nagsalita. Gusto kita Mia. No, mahal na kita. Naalala mo pa ba yung jacket na binigay ko sayo nung araw na umuulan? Doon nagsimula ang pagkagusto ko sayo. Di ko alam kung anong meron sayo at ang lakas ng dating mo sakin. Simple ka lang kasi at hindi maarte. Sa araw-araw na pag-iistalk ko sayo, nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. A-ahhm.. Sorry, nabigla ba kita?
YOU ARE READING
Last Letter For Jim
RandomThis is a fictional short story made by the author's imagination. Any resemblance to the name, dead or alive, and to the real-life experiences is purely coincidental.