LDR Chapter 3Daniel's P.O.V.
This is it! Today is the day! Uuwi na ang baby ko ngayon. Papunta na kami ngayon sa airport para sunduin si Kath. Kasama ko sila Mommy Min at Daddy Teddy.
"Ngiting ngiti ka jan ah. Di ka ba nangangawit?" pang asar ni Daddy Teddy
"Hindi po. Sobrang excited lang talaga akong makita ulit si Kath." Sabi ko naman
"Siya kaya excited na makita ka?" sabi ni mommy Min
"Sigurado po yun!" Sabi ko
Maya-maya lang dumating na kami sa Airport. Ang aga pala namin. 11am palang. 2pm pa dating nila Kath.
Tumambay muna kami sa waiting area.
Habang naghihintay kinuha ko yung phone ko at binuksan yung KakaoTalk na App. Makikibalita lang ako sa barkada.
DJ: Guys kamusta? Ayos na ba ang lahat para bukas?
Lester: Yes fafa DJ! Ready na, si Kath nalang ang kulang.
Miles: DJ nasa Airport ka na?
DJ: Yup. Kasama ko sila Mommy at Daddy.
Seth: Chocolate ha!!!!
DJ: Bumili ka!
Tinago ko na yung phone ko at naghintay...
------
Kathryn's P.O.V.
Nung in-announce nung Pilot na malapit na daw kaming maglanding hindi ko maiwasang maexcite.
"Ngiting ngiti tayo ah." sabi sa akin ni Janella
"Excited na kasi akong makita sila Mommy, Daddy at DJ." sabi ko
"I knew it!"
"Nga pala Janella pwede mo ba ako samahan sa Duty Free? Mamimili lang ako ng Chocolates." sabi ko
"Sure. Ako din pala kailangan ko bumili. For sure hahanapan ako nung makukulit kong pamangkin ng chocolates." sabi ni Janella
After 30 minutes naglanding na ang eroplano. Bumaba na kami ni Janella...
"I missed you Philippines!!!!!" sigaw ni Janella
Napatingin sa amin yung mga tao...
"Ahh.. Ehh.. Hindi ko po kasama yan." sabi ko at naglakad na palayo
"I hate you Kath!!" sabi ni Janella at hinabol ako
"Nakakahiya ka kaya."
"Duty free. Here na. Come, let's buy chocolates." sabi ni Janella
Namili na kami ni Janella. Konti lang ang binili ko. Para lang naman sa barkada. Eto namang si Janella napakaraming binili. Parang bibigyan ng chocolates yung buong baranggay nila.
"Uy Janella. Napakarami naman nyan. Buong baranggay niyo ba bibigyan mo?" Biro ko sa kanya
"Hmmm. Parang ganun na nga. Hihi" sabi niyo
Naramdaman ko naman na nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko. Oo nga pala, inactivate ko na yung sim ko dati. Buti nalang hindi siya nag expire. Pero teka, nag eexpire ba ang sim? Hahaha!
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag...
*Daniel John Padilla <3 calling...*
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Fanfiction"Distance means so little when someone means so much."