The 13th Roommate

814 5 5
                                    

Tumira ako sa isang dorm nung kolehiyo. Malapit ang nasabing dorm sa ospital kung saan ako pumapasok para sa aking intership program. kasama ko sa isang kwarto ang 11 pang mga kaklase, babae at lalaki. tama labindalawa kami sa kwarto na'yun.

I believe that I have underdeveloped third eye. I often here eerie things but never paid much attention to those. truth be told l, I don't want to ever see a ghost, especially bloodied ones. pero sa pagtira ko sa dorm na'yun, muling naging liability sa akin ang aking sensitivity sa bagay na paranormal. at dorm na iyon. dun naputanayan na lapitin nga ako ng multo. I was haunted by our '13TH ROOMMATE'.

'THE BLACK SHADOW'

Mag isa nalamang ako sa sala noon at nanonood ng tv. ang sala ay nasa ground floor ng dorm, ang aming kwarto ay nasa ikalawang palapag. ang tv ay nasa malapit sa hagdanan at makikita ko ang sinumang bababa o aakyat mula sa aming ikinauupuan.

I was so engrossed in what I was watching when I saw a shadow , a very dark shadow, near the stairs. pinagmasdan ko pang mabuti ito, nagtataka ako kung paano nagkarun ng anino sa hagdanan ganung wala namang tao dun. Klaro ang detalye ng anino, isa itong babae.

Tumayo ako sa aking upuan upang lapitan

ang anino. Gusto kong makita kung ano ang source nito. Laking gulat ko nang bigla itong kumilos paakyat ng hagdan. "HINDI ITO NORMAL" iyon ang nasa isip ko. Dali-dali kong sinundan ang anino, me kaunting takot na sa dibdib ko ngunit pilit kong nilabanan.

Umakyat nga ang anino sa aming palapag at binagtas niya ang pasilyo. Hindi ito tumigil sa pagkilos, ang kanyang porma ay malinaw kong nakikita sa pader ng mga kwarto. Maya-maya pa ay tumigil ito sa dulo ng hall, mismong tapat ng kuwarto namin! Ilang sandali ring nanatili lamang sa harap ng silid namin ang anino, parang nakikiramdam. Ako naman ay parang napako sa aking kinatatayuan. Nang lumakad ako palapit sa itim na anino, kumilos din ito. Pumasok ito sa aming silid!

Nagdadalawang isip ako kung susundan ko parin ito, hindi ko alam kung ano ang maari kong makita. Ngunit alam kong mas mahihirapan ako sa kakaisip kung ano ang nakita ko kung hindi ko ito kokomprontahin. Pumasok ako sa kwarto na may kaba sa dibdib, iniisip ko na baka may makita akong eksenang parang hinango sa isang bangungot. Ngunit ang tanging tumambad sa akin ay ang mga tulog na mga kasama ko sa kwarto. Ang silid ay maliwanag dala ng ilaw na nakasindi pa. Walang anino akong nakita.

"ANG PAG-IYAK"

Ilang linggo pagkatapos ang pagkakakita ko ng anino isa na namang insidente ang nangyari na nagpatibay sa hinala ko na may ikalabing tatlo kaming kasama sa silid. Isang madaling araw na'yun, tahimik na ang buong dormitoryo. Bigla akong nagising sa isang tunog ng pag iyak. Noong una ay nakiramdam lamang ako.

Babae ang naririnig kong umiiyak. Mula sa aking higaan ay nakikita ko ang aking mga ka roommate na babae. Isip ko, "BAKA ISA SA KANILA ANG UMIIYAK". Ngunit mula sa liwanag nanggagaling sa hallway, naaninag ko silang tulog na tulog. Patuloy ang pag iyak na naririnig ko. Parang isang babaeng nakaranas ng trahedya. Isa iyong panaghoy. Nanatili akong hindi kumikilos nakikiramdam.

May takot akong kumilos dahil sa naiisip kong, kung sino man ang presence na nasa loob ng kwarto namin, ayaw kong malaman niyang gising ako. Kung logical ba ang isiping 'yun, nakakatakot ang makarinig ka ng panaghoy sa kailaliman ng gabi. Worse, parang ako lang ang nakakarinig ng pag-iyak na-yun.

Halos isang oras din akong nakikiramdam lamang. Me hatid na kilabot ang panaghoy na naririnig ko sa aming silid. Nang hindi ko na matiis at nangawit na ako, tumalikod ako at humarap sa pader, hoping that the wailing would go away.

Pumikit ako at binalak matulog, ngunit sa aking gulat, ang panaghoy ay parang lumalakas! Napamulagat ako, malakas ang kaba sa dibdib, paano ay nararamdaman ko ang isang presensiya, malapit sa mukha ko, ang panaghoy niya'y malakas sa aking pandinig.

Parang siya'y nasa tabi ko lamang! I even felt her breathing down on me! Ipinikit ko ang buong diin ang aking mga mata, ayaw kong makita kung anuman o sino man ang nasa aking tabi. Ang kilabot ay naglakbay sa aking katawan. Ilang imahe ang naglalaro sa aking isipan. Kung paano ako nakatulog nang gabing iyon ay hindi ko malaman pa. Ang tanging ebidensiya sa naganap ng gabing iyon ay ang eyebags sa ilalim ng aking mata kinabukasan.

"FACE-TO-FACE ENCOUNTER"

Wala ako sa ma-associate na mukha sa babaeng nagpapakita at nag paparinig sa aming silid. May mga kani-kanilang naring kwento ang aking mga kasama sa bahay ng pagpaparamdam na nangyari sa aming kwarto. Ngunit isang gabi, nagpakita ang aming 13th roommate.

Si anne, isa sa aming roommates, ay nakapuwesto malapit sa bintana sa hallway. Ang wooden jalousy ng bintana ay bahagya niyang binuksan dahil sa maalinsangan ang gabi.

Base sa kaniyang kwento, me dumaan daw sa hallway, nakaputi. Inisip niyang isa itong intern din na pang umaga. Marahil ay naligo na ito at nag-uniporme na. Nasa dulo na kami ng hallway at wala nang ibang silid na katabi namin. Pinakiramdaman din ni anne ang paligid. Tahimik. Masyado pang maaga para gumayak ang mga estudyanteng may pasok ng umaga.

Nanatiling nakatingin si anne sa kaniyang bintana. Maya-maya pa ay nakita na naman niya ang nakaputing imahe.

Babae ito, napagtanto niya mula sa kaniyang nakikita sa bintana. Hindi lang niya maaninag ang mukha nito dahil bahagyang nakatalikod ito sa kaniya.

Maya-maya pa ay lumakad palapit sa bintana ang babae. Dito na nagsimulang kabahan si anne. Ginusto niyang ipikit ang kaniyang mga mata ngunit hindi nya magawa. Parang may kung anong pwersang nagsasabing titigan niya ang babae. Nanatiling nakatingin si anne sa labas ng kanyang bintana nang bumulaga ang isang mukha sa harapan niya. Isang pares ng mata ang nakita niya sa pagitan ng jalousy ng bintana, namumula, malalalim, nanlilisik.

Sapat na iyon upang sumigaw nang sumigaw si anne na ikinagulat naming lahat. Hysterical na siya. Umiiyak at tinuturo ang bintana. Hindi makapagsalita. Pawisan ito. Lahat kami ay nataranta at hindi malaman ang gagawin. Mga isang oras din bago namin napakalma si anne. Salitan kaming nagbantay sa kaniya. Ayaw niyang paiwan. Kinabukasan pa siya nakapagkuwento tungkol sa nakita. Tatlong araw siyang nilagnat pagkatapos nun. At sapat na iyon para maniwala ang lahat sa aming silid. WE HAD A 13TH ROOMMATE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 13th RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon