(Revised Version of Chapter 10)
CHAPTER 10
Journstreii's POV
Malapit ng bumilog ang buwan. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Sana maging maayos ang lahat.
Nanatili akong nakatingin sa malaking bintana dito sa opisina ko habang hawak-hawak ko ang isang baso ng wine.
Ilang sandali nalang ay mangyayari na ang matagal ko ng hinihintay.
Napatingin ako sa langit.
Ang pagdating ng kauna-unahang Legendary Vampire.
Monique's POV
Nandito ako sa lugar na matagal ko ng hindi napupuntahan.
Lugar kung saan nandito ang napakadakilang tao sa buong mundo.
Tumigil ako sa isang kulay itim na lapida na may naka-ukit na 'Emary Jane Chen-Choidnick'.
"Hi Mommy !"panimula kong sabi habang sinisindihan ang kandila na ititirik ko.
"Kamusta na po kayo, Mommy ? Sana Okay lang po kayo dyan, kung asan man po kayo. Miss na miss ko na po kayo kahit hindi ko pa kayo nakita o nakasama, ni hindi ko nga po kayo nakita kahit sa picture lang eh, pero okay lang yun."
Napahinga ako ng malalim.
"Naalala ko lang Mommy. Yung mga panahon na nagalit ako sayo at pinag-aapakan ko pa itong lapida mo dahil ang akala ko ay may iba kang asawa dahil hindi mo kami kaapilido ni Daddy, simula nun di na ko nakadalaw uli dito. Sobra ko pong pinagsisisihan yun. Naisip ko lang, dapat nga po kayo pa ang magalit sakin kasi nahirapan po pala kayong dalhin ako sa sinapupunan niyo at namatay pa po kayo ng dahil sakin at ako pa itong may ganang magalit dahil sa mali kong akala."
Napatungo ako.
"Paano kaya Mommy kung buhay ka pa noh ? Siguro napakasaya natin ngayon. Siguro hindi ko na malalamang bampira ako at simple lang ang buhay natin. Siguro."
"Bakit niyo po kasi kami iniwan agad ? Bakit hindi mo muna ako hinayaang lumaki at makilala ka pa lalo bago mo kami iwan ? Bakit bumitaw ka kaagad ? Akala ko dati namatay ka sa aksidente pero hindi pala. Namatay ka sa pagmamahal. Sa sobrang pagmamahal mo sakin, hinayaan mong ikaw nalang ang mamatay kesa sakin. Hinayaan mo nalang bumitaw para lang mabuhay ako. Thank you Mommy. Thank you. Tatanawin ko pong malaking utang na loob yun. Maraming-maraming salamat po sa buhay na ipinaubaya niyo po sakin. Magiging malakas po ako at matapang para sayo, Mommy. Mahal na Mahal na Mahal na Mahal po kita."
"Mommy, pwede po bang yakapin mo po ako ?"
Naramdaman ko namang lumakas ang hangin at bumalot ito sa katawan ko. Niyakap ko nalang ang sarili ko habang nakapikit at iniisip na niyayakap ako ng aking ina.
*
"Aaaaaaahhhh !!" Napapasigaw na ko sa sakit na nararamdaman ko.
Kanina pa ko sumisigaw dito sa kwarto ko pero walang pumupunta para tignan ako.
Nararamdaman kong unti-onting humahaba ang pangil ko.
Nararamdaman ko ring lumalakas ako.
Nag-iinit ang mga mata ko.
Humahaba na rin ang mga kuko ko.
At lalong pumuputi ang balat ko.
Dahan-dahan akong tumayo nang maramdaman kong wala ng sakit ang ulo ko.
Isa na kong bampira.
Naglakad ako palabas ng kwarto ko, ng makita kong walang tao ay lumabas ako ng mansion at doon ko nakita ang napakadaming bampira at nandun din sila Daddy kasama sila Zeke na nakatayo sa may pinto at lahat sila ay nakatingin sakin.
Napatingin ako sa langit at bilog na ang buwan.
Bigla nanamang sumakit ang ulo ko.
Anyong bampira na ko pero bat biglang sumakit parin ang ulo ko ?
Napa-upo ako sa sobrang sakit.
Nasasabunutan ko narin ang sarili ko.
Nararamdaman kong mas lalo pa akong lumalakas.
Habang ang mga bampira sa harap ko ay nakatingin lang sakin at halatang gulat sa nangyayari sakin pwera lang kay Daddy.
Nararamdaman kong mas lumalakas pa ako at parang may gusto akong kainin, sumasakit ang kalamnan ko.
Naka-amoy ako ng dugo.
Napatingala ako sa nakatayo sa harap ko...
...Naka tayo si Zeke sa harap ko habang may hawak na isang baso ng dugo.
Anyong bampira na rin sila at nakalabas na rin ang mga pangil nila.
Agad-agad ay kinuha ko ito at ininom. Nakaramdam ako ng pagtatakam.
Nang maubos ko ito ay agad akong napatakbo ng mabilis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kusang tumatakbo ang mga paa ko sa kawalan.
Maya-maya ay naramdaman kong nakasunod sakin sila Daddy at lahat ng bampira.
Tumigil ang mga paa ko sa gitna ng kagubatan.
Inikot ko ang paningin ko at unti-onting naglalaho ang kagubatan at pumapalit naman ay isang lugar na madaming lantang puno, mga kaunting gusali na may madidilim na aura, damuhan na patay at madilim na kalangitan.
Sa tingin ko nandito na ako sa lugar ko.
Lugar kung saan ako nararapat.
Lugar na nakatakda para saakin.
Lugar na pagsisimulan ko ng aking bagong buhay.
Buhay na puno ng katatakutan, labanan, misteryo at pagmamahal.
----
Okay. Maikli nanaman. :( Sana mapatawad niyo na ko. Hahaha. So.. Dito na mag-uumpisa ang kwento kaya subaybayan niyo na guys. Hahaha. :) Bukas uli ang UD.
Comment, Vote and Be a Fan :)
BINABASA MO ANG
She's dating a...Vampire?! #Wattys2016
Vampir[[ Highest Rank: #1 in Vampire, #18 in Romance]] Isang simpleng babae lamang siya... Akala niya iikot lang ang mundo niya sa mga kayamanan nila.. Ngunit isang araw,makikilala niya ang tunay niyang pagkatao na magpapabago sa kanyang buong buhay... Ka...