Mahal, Huwag ako iba nalang

484 0 2
                                    

Mahal, kamusta kana?
Naaalala mo pa kaya ako?
Naiisip mo pa kaya ako?
Nasa puso mo pa ba ako?
Mahal, Ako parin ba?

Kasi ako palagi ka nasa isip ko,
Palagi kita inaalala kung kumain kana ba, Uminom kana ba ng vitamins mo, Nag aaral ka ba mabuti, at Hindi ka ba nag papatuyo ng pawis,

Mahal bakit puro nalang ikaw ang laman ng isip ko. Hindi ko manlang magawang isipin ang sarili ko. Kinukulong ang sarili ko sayo kahit na wala ng tayo,
Hanggang panaginip nalang ba ang pagiging tayo? Kasi kung oo isang bangungot ito para sa akin. Ang sakit isipin na ikaw sumasaya sa piling niya habang ako nasa isang poste nakatago at lumuha ng paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko " Anong meron siya na wala ako? Bakit siya pa! "

Mahal alam mo ba araw-araw nalang ganto ang naging ikot ng buhay ko, Sumusulyap sayo habang nagtatago sa isang poste tuwing umaga, at sa gabi'y umiiyak ako sa isang unan na kulang nalang ay ayawan nako dahil bawat patak ng luha ko'y siyang sumasalo nito,

Naalala ko pa noon mahal kung paano nawala na parang bula ang relasyon natin na dati'y kasing haba ng pasensya natin, ang sakit mahal alam mo yon? Minahal kita ng higit pa sa buhay ko, pero sinaktan mo ko ng higit din sa buhay ko. Palagi nalang ba salungat ang lahat ng meron tayo? Kasi ang hirap naman ng pinaparanas mo sakin mahal,

Kaya mahal kung magmamahal ka ulit.

Mahal, Huwag ako iba nalang.

By: Mark Dominic Jose

Unspoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon