Chapter 10

224 3 0
                                    

"Babe anong gusto mong regalo sa birthday mo?" Tanong ni Bianca sa binatang si Basty

Nag-uusap sila habang nakaupo sa sofa, bumisita kasi si Basty kay Bianca.

"Kahit ano na lang" walang ganang sagot ni Basty

"Wala ka na naman ganang kausapin ako babe" nagtatampong wika ni Bianca saka siya pumatong sa dibdib ni Basty

Alam naman kasi ni Basty na hanggang ngayon ay si Kisha pa rin. Si Kisha pa rin ang mahal niya. Pero dahil sa katangahan niya nawala ang babaeng mahal na mahal niya.

Hindi din alam ni Basty kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nakikipaglokohan kay Bianca

"Bianca, itigil na natin to" maya-maya ay wika ni Basty

Nagulat naman si Bianca sa tinuran ni Basty

"At bakit?" Tanong ni Bianca

"Ayoko na. Mahal ko pa rin si Kisha" pag-amin ni Basty sa totoong nararamdaman niya

"Eh mahal din kita Basty. Wag mo naman akong iwan" pagsusumamo ni Bianca

"Sorry Bianca. Babalikan ko si Kisha. Sana wag ka ng humadlang ulit" saka kumalas si Basty sa mga kamay na nakayakap sa kanya

Masamang tingin niyang sinundan ang papaalis na binata
Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya. Dahil nabuhay ang Bianca'ng ingggitera na magpapawasak sa puso niyo! Hahaha!

Saka mala-demonyong humalakhak si Bianca.

-
-
-
Naglilinis si Kisha sa Resto nang lapitan siya ni Nathan na nakangiti

"Hi Kisha, para sayo pala" nakangiti si Nathan habang iniaabot kay Kisha ang kinuhang bulaklak na nakatago sa likod niya

Nahihiyang tinanggap ni Kisha ang bulaklak, dahil may nakatingin na costumers sa kanila at napansin din ni Kisha na nakatingin din si Mam Veron sa kanila. Gaya ng dati masamang tingin pa din ang natanggap niya mula sa Mam Veron niya.

"Salamat" matipid na sagot ni Kisha at ngumiti sa binata

Ang hindi alam ng dalawa ay nakita din pala ni Basty ang pangyayaring iyon. Nagselos at napatiim-baga siyang umalis sa Resto'ng iyon.

-
-
"Para saan pala ang mga bulaklak na binigay mo kanina?" Tanong ni Kisha kay Nathan ng mag-usap sila pagkatapos ng trabaho

Gabi na iyon at balak ni Nathan na ihatid ang dalaga sa kanyang tinutuluyan

"Para sayo" nakangiting sagot ng binata

Napatawa naman dun si Kisha

"Alam ko yun, bakit mo ako binigyan?" Tanong ulit ni Kisha

"Kasi gusto kitang ligawan Kisha" diretsong pahayag ni Nathan

"Nathan" tanging nasagot ni Kisha

"Okay lang naman kahit hindi mo pa ako sagutin. Maghihintay ako Kisha" sinserong wika ni Nathan

"Kasi Nathan, mahal ko pa si Basty. Ayokong gawin kang panakip butas. Sorry Nathan pero sa iba ka na lang manligaw" wika ni Kisha

Nasaktan naman si Nathan sa sinagot ni Kisha sa kanya

Tumayo na si Kisha at nagpaalam sa Sir niya.

"Uuwi na ako Sir. Ingat" paalam ni Kisha kay Nathan

"Ihatid na kita" sabi ni Nathan

"Hindi na Sir. May pupuntahan pa kasi ako" Wika ni Kisha saka iniwanan si Nathan sa loob ng Resto

-
Balak kasi ni Kisha na sabihin kay Basty na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito.

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now