HSP Ch. 25

524 5 0
                                    

HSP Ch. 25

// KIRA'S POV //

Bigla na lang tumigil ang kamay kong may hawak na yelo sa ere at napatitig kay Nate, ''Uhh... K-kumakaen...?''

Mas naging iba yung titig niya sakin. Parang sobrang kakaiba yung ginagawa ko,''Yelo? Na isasaw sa catsup? Kakaiba.'' Pagkatapos ay napatingin siya sa taas at inilgay ang kamay sa baba na para bang may kalaliman ang iniisip,''Hmmm...''

Maya-maya pa ay biglang nagliwanag ang mukha nya.

Ibinaling nya ang tingin nya saken, pero ngayon ay mayrong ngiting napakalapad sa mukha niya,''Kira, naglilihi... ka?'' Hindi pa din nawawala ang malapad niyang ngiti na siya namang ikinataas ng balahibo ko at nakapagpaurong ng dila ko.

Ako? Naglilihi? P-pano naman ako nagkaganun? Masarap naman 'tong kinakain ko ah? Pero... kung titignan ang kabilang banda, parang napaka wirdo nga ng paraan ko ng pagkain. Yelo? At tsaka isasawsaw sa catsup? Kadiri nga yun ah. Pero bakit sarap na sarap ako pag kinakain ko yun? Ok sige, medyo nakukumbinsi na nga talaga ako nitong si Nate na naglilihi nga ko.

Pero kung may konklusyon siya na naglilihi ako--

''Kira...''

''AH!!!'' Nagulantang ako sa konting distansya sa pagitan namin ni Nate. Panu siya nakalapit ng ganito? Bakit hindi ko napansin? Sobrang nagagambala na ba ko ng mga pinag-iisip ko?

Nakangiti pa din siya sakin habang sinasabi ang mga salitang,''...buntis ka?''

Napaatras tuloy ako nang wala sa oras dahil sa gulat,''HAH?!?'' Nararamdaman ko na na nagbubutil-butil na ang pawis ko sa katawan... T-teka nga! Bakit naman ako ninenerbiyos ng ganito? Hindi ba't ito naman ang pagkakataon na matagal ko nang hinihintay? Bakit ako kinakabahan? Hindi ba ako natutuwa na magkakaroon na ng ama ang magiging anak ko?

Biglang nagtaka ang ekspresyon ng mukha niya,''Buntis ka nga?!'' Inulit pa talaga ang tanong niya. Napailig na lang ako sa aking isip.

Dahil sa kaba na bumabagabag sa'kin, nailiko ko ang usapan sa,''Ah-- Eh-- T-teka! B-bakit ka nga pala napunta dito sa school ko?''

Bumalik sa dati ang ekspresyon ng mukha niya, at bumalik siya sa kanyang pagkakaupo,''Hindi mo ba alam ang dahilan kung bakit, Kira?''

Ha? A-anong pinapahiwatig niya? Alam ko na ba dapat ang dahilan? ''Hah? Hindi pa, Nate. A-ano ba ang dahilan?''

Ngumiti lang siya at napatingin sa bintana na nasa tabi namin,"Kasi Kira... gusto kitang makasama.'' At bigla nyang ibinaling amg gwapo niyang mukha sa akin na nakapag papula ng pisngi ko!

Ako? Gusto niyang... makasama? Sana may sumigaw bigla sa tenga ko na Hindi 'to panaginip!

Parang nawalan naman ako nang sasabihin dahil pakiramdam ko, may sasabihin pa siya ulit.

''Gusto kitang makasama Kira... Diba nga? May pangako ako sa'yo?'' Ngumiti na naman siya na kung pwede lang kumanta ang anghel, ay kumanta na sila. Bakit ba ang gwapo niya?

Pangako. Ang salitang hanggang ngayon pinanghahawakan ko dahil ito lang ang nagsisilbing ilaw sa malapit ko na sanang magdilim na buhay...

Wala akong hiniling sa kahit anong nangyayari ngayon, pero nagpapasalamat ako sa Kanya mahil nangyari 'to.

Pero sa kabila ng kagaanan na dala ng salita ni Nate, bakit parang may mabigat na kakulangan na humihila sa'kin pababa? Hindi ko alam kung takot ba ito o kaba o anu pj mang uri ng kaba. Pero kung ano man ito, pinipigilan nito na makapagsalita kay Nate. Dahil ba 'to sa...

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon