Nung una akong huminga sa Dalawang Butas ng aking ilong akoy nagagalak dahil Matagumpay akong iniluwal ng aking ina. Aking ina na Dumidila sa aking buong katawan. Nililinis ang marumi sa aking balat. bagaman Ako'y basa dahil sa aking paglabas, alam ko na ako'y nasa maayos na kalagayan.Ilang linggo pa ang nagdaan, naaninag ko na ang liwanag sa aking mga mata.
Alam ko na sa nalalapit na panahon ay magagamit ko na ang aking mga maliliit na mata upang akoy makakakita. Ngunit sa mga sandaling ito ay Kahit Hindi ko pa nagagamit ang aking mga mata ay alam kong nasa ligtas akong kalagayan dahil narito ang aking ina sa aking tabi. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga at kanyang mga balahibo. Nararamdaman ko rin na may karamay ako dahil naririto rin sa aking tabi ang aking mga kapatid.Habang Lumilipas ang panahon ay nagamit ko na ang aking mga mata. nasusubukan ko na rin na humakbang gamit ang aking lakas at ang aking mga kamay. alam ko sa aking sarili na ako'y nasisiyahan dahil nakikita ko na ang aking ina at mga kapatid.
Nang Ako'y nagkaroon na ng tamang lakas ay nakakaya ko na ang tumakbo ng tumakbo. umakyat kahit saan man ang nais kong akyatin. nagagawa ko na at kaya ko na na makipaglaro sa aking mga kapatid. Alam ko na napakasaya ko sa mga araw na ito. Puno ng kagalakan sa aking puso dahil Nandito sa aking paligid ang aking mga mahal.
Nagdaan pa ang mga araw at buwan, ako ay natulog sa gilid ng Pintuan. naramdaman ko na akoy binuhat ng aking amo at inilapag niya ako sa hindi ko nakikilalang lugar. Alam ko sa aking sarili na umaga pa lamang at may liwanag pero bakit nagdilim? hindi ko makita ang paligid. alam ko na malinaw ang aking paningin pero bakit wala akong naaninag kundi isang napakadilim at masikip na lugar.
"Inay inay nariyan ba kayo sa paligid ? "
"inay naririnig mo ba ang aking paghuyaw ng aking tinig? inay ko nasaan ka"
Muli ko ulit nakita ang liwang ng araw. bakit nag-iba ang paligid na aking natatanaw. Bakit napakaraming tao sa dumadaan sa kinalalagyan ko ngayon. bakit napakabaho ang naamoy ko sa mga oras na ito. Bakit ako nandito?
Hindi ko maintindihan kong bakit ganito. bakit hindi ko mahanap ang inay ko. bakit wala sa tabi ko ang mga kapatid ko.. bakit iba na ang mundo na kinalalagyan ko.
Hanggang sumapit na ang gabi, hindi ko pa rin mahanap ang mga mahal ko. bakit nawala sila sa piling ko. bakit nasa basurahan na ako.
Kahit gusto ko mang Hanapin ang mga mahal ko ay hindi na kaya ng paslit na katawan ko. ako'y nagugutom na, Inay ikay aking tunay na kailangan.
Sa kabilang banda ay may naamoy akong masarap sa Ilong ko. naamoy ko ang isang isda na nakabalot sa loob ng plastic. Kukunin ko ito ngunit may Malaking mamang kinuha ito. inagaw sa akin ang panghapunan ko. Nagbigay pa siya sa akin ng isang Palad kung kaya ako'y nasaktan at nasugatan sa kanyang kuku.
Akoy lumisan ng konte. nais ko lumayo sa kanila na sinasaktan lamang ako. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.. inay inay saklolo.
kinaumagahan nagising ako sa isang sulok. Pagdilat ng mata ko ay si inay ang tawag ko. inay inay nasaan kayo ? inay narito ako. Inay ko kailangan ko ang iyong saklolo.
Nang sinubukan kong lumabas sa isang sulok. naramdaman ko na lamang ang sobrang sakit ng aking ulo dahil sa bato na ibinigay sa aking ng isang batang naglalaro sa tabi. napakasakit ng aking ulo dahil sa pagbato ng mga batang naglalaro sa paligid ko. agad akong tumakbo pabalik sa sulok na tinataguan ko.
Maya-maya ay nagsialisan na ang mga batang naglalaro sa paligid. Ngunit hindi ako nakakatiyak na ako'y ligtas na kaya nanatili lamang ako sa kinalalagyan ko. Naiisip ko ang mga kapatid ko .. naiisip ko ang mga kulitan namin habang kami ay tumatakbo. hindi mapigilan ng aking luhang pumatak sa pananabik na sana makabalik pa ako sa dating mundo ko na kasama ang mga mahal ko.
Palubog na naman muli ang araw, oras na ng paglabas ko dahil akoy gutom na gutom na. naghahanap na ako ng aking kakainin. mabuti at may nakita akong durog na tinapay sa isang tabi. nagmamadali akong kumain habang wala pang tao na dumadaan. kinain ko ang durog na tinapay sa bilis ng aking makakaya. habang akoy patapos na naramdaman ko na lamang ang mabigat na bagay sa aking katawan. hindi ko magalaw ang aking katawan. nahihirapan akong huminga. bakit napakabigat nito.
Habang tumatagal ay tinatakasa na ako ng aking hininga. bakit ganito ang nangyayare sa buhay ko. Bakit ganito ang naging kapalaran ko. bakit napakalupit ng mundo ? ano ba ang nagawa kong kamalian kung bakit pinarusahan ako ng ganito. bakit sa kaunting pamamalagi ko sa mundo ay Mapait ang kapalaran ko.
"Inay inay salamat sa pagmamahal mo sa amin. inay salamat sa pagsilang mo sa amin. inay salamat sa pag protekta mo sa akin noong akong napaka musmus pa. inay sa tingin ko ay hindi na tayo kailan man magkikita pa. inay tandaan mo sana ako na anak mo. nawala man kayo sa akin ay mahal na mahal ko kayo. ingatan mo sana ang aking mga kapatid. Sa aking mga kapatid , magpakatapang kayo. lumaban kayo at mananalangin na sana nasa mabuti kayong mga kamay. dahil napakalupit ng mundo para sa atin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa natin kung bakit pilit nila tayong sinasaktan. kahit ang tanging hangad lang natin ay mabuhay ng sama-sama at masaya."
Ikaw na nagbabasa sa aking munting sulat, Sa palagay mo ba naging masaya ka pag kami ay iyong sinasaktan? ano ba ang ginawa namin sayo kung kaya ayaw mo kaming mabuhay? parte kami ng mundong ginagalawan mo. Mahal namin kayo kahit hindi namin masabi sayo. Kaya sana pagisipan mo muna ng mabuti kapag kami ay iyong sasaktan dahil kami ang tanging hiling lang namin ang mabuhay ng Masaya kasama ka.
WrongPrince:
Hi guys, nagtataka kayo kung bakit ako sumulat nito, kasi Naawa ako sa mga maliliit na pusa na inaabanduna. yung pusang sinasaktan, binabato na wala namang ginagawang masama. sa mga napagtripan na mga pusa. Guys hindi deserved ng mga pusa ang pananakit natin sa kanila kasi wala naman silang ginawa sayo. hindi dapat sila sinasaktan kasi hindi nila kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. wala silang boses para ipagtanggol ang sarili nila kaya sa mga nagmamahal ng mga pusa o Animal lover, Tulungan niyo akong ikalat ang munting kwentong eto para mahabag naman ang mga walang pusong Nananakit ng Walang kalaban laban na mga hayop.
Maraming salamat
ps. Kuting namin ang ginawang model ko kasi nagloloko wifi namin. hahaha hindi ako makapaghanap ng picture kaya siya ginawa kong model. hihi
BINABASA MO ANG
Mus-mus (One shot)
Short StoryThis is about the life of Kittens who Lived with the Unfair world.