AKO PALA

12 4 0
                                    


AKO PALA

Hi! ako pala yung kaibigan mo.
Ako pala yung babaeng nagpapalakas ng loob mo.
Ako pala yung babaeng karamay mo sa bawat sakit.
At ako pala, ako pala yung babaeng kasangga mo sa bawat pait.

Ako pala yung babaeng handang gawin ang lahat, masilayan ko lang ang iyong ngiti.
Ako pala yung babaeng laging nagpapaalala sayo na andito lang ako palago.
At ako pala, ako pala yung babaeng pilit na nagpipigil,
Sa damdamin ko para sayong ayaw tumigil.

Ngunit, hindi ko lubos maisip na....
Ako din pala yung babaeng maiinggit sa kanya.
Ako yung babaeng minsan nang humiling na sana ako nalang siya.
Ako pala yung babaeng minsan nang umibig at patuloy na umiibig ngunit binabalewala.
At ako pala, ako pala yung babaeng gagawin ang lahat wag ka lang mawala.

Paano nga ba iwasan?
Iwasan ang maling nararamdaman.
Mali nga ba talaga? Mali nga ba talaga
O sinasabi ko lang sa sarili ko 'to para hindi na ako masaktan pa?

Oo duwag ako, aminado ako.
Pero anong magagawa ko?
Sa t'wing ibubuka ang aking bibig
ay siya namang paghilom ng aking tinig.

Siguro aasa nalang ako.
Aasa na sana isang araw mapansin mo din ang isang tulad ko.
Isang araw na kahit alam kong malabo.
Oo ako pala, AKO PALA yung babaeng may lihim na pagtingin sayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AKO PALAWhere stories live. Discover now