Author's Note:
Hi! Ako nga pala si Ana Mae ✌. Ngayon palang ako gagawa ng matinong story. Inspired eh. Hahaha. Kuha ko lang 'to sa IMAGINATION. Kaya pasensya kung may iba mang tugma sa magiging kwento ko sa kwentong ginawa niyo.
Peace po tayo ah! :)
Vote/Comment lang po. ;)
Kung meron man magSuggest kayo nang magiging sa susunod na pangyayari. Yun lang! Salamat!
Ferdinand's POV
Hi. Ako nga pala si Ferdinand Herradura. Pwede mo rin akong tawaging, "Ferds." Nag-aaral ako sa Ernesto Rondon. Nung unang pasok ko medyo nakakapanibago kasi syempre wala kang kakilala.
Pagkapasok ko sa school e, may mga nakatingin agad sakin na mga babae. Kala mo naman e kakainin ka ng buhay! Nakakainis kaya yung mga ganon. Narinig ko yung mga bulungan nila sakin, as in rinig na rinig. -_-
"Tignan mo sya sister oh! Ang cute cute niya! Transferee palang 'ata dito yun eh!"
"Tama ka dyan sister. Ang cute niya nga! Azar. Tska di ko pa sya nakikita dito lastyear."
Tapos yun na, naglakad na ko palayo sa kanila tapos di ko sya pinansin. Pano ba naman, ayoko nang mga ganyan. Hindi ako mahilig lumapit sa mga babae kasi naiilang ako sa kanila pag kasama ko sila. Kung yung iniisip niyong Bakla ako? Hindi ah!
*Sa room*
Pumasok na ako kaagad sa room ko, medyo tahimik pa sila. Ang section ko nga pala ay 4-Irish. Marami rami kami dito kaya siksikan. Kung hindi naman siksikan, e nag-uunahan sila sa upuan. Merong matinong upuan, meron din namang rocking chair na. Sobrang daming vandal sa upuan at madumi dumi yung room. Eto ako ngayon, nakatingin lang sa librong binabasa ko nang dumating yung teacher namin. Nagsitayuan at bumati.
"GoodAfternoon Sir Lejano." sabay sabay naming bigkas.
"Goodafternoon class. Ahm, Im your teacher in Filipino. And ako rin pala ang magiging adviser niyo sa 2013-2014. As usual, ano pa ginagawa ng mga new students? Magpakilala kayo isa isa sa harapan and magsisimula sayo."
Ha!? Ako? Ay oo nga pala nasa unahan ako! Tsh nakakaasar yun ah! Sabay tayo na ako at pumunta sa harapan.
"Hello classmates especially to our teacher, Sir Lejano. Im Ferdinand Herradura. blahblahblahblah." At ayon! Medyo mahaba yung pagkasabi ko. Pagkaupo ko nagbulungan yung mga classmates naming babae. Nakakaasar. Ayoko ng ganito. Ang lalandi nakakainis. Kala mo ngayon lang nakakita ng lalaki eh! -_-
FASTFORWARD....
*Tingggggggggg!*
Uwian na! Sa wakas naman! Pumunta na ako ng bahay tapos dumiretso sa kwarto. Nakakapagod, nakakastress yung mga babae, mga nakakaasar!