"Something was comforting about strangers—it seemed like they would exist forever as the same, unknowable mass."
~Megan Boyle
* * *
Because Weng lives in Taft (to be specific, sa Vito Cruz. Malapit sa La Salle yung condo niya) at galing pa akong Recto, nag-taxi nalang ako. Hindi pa naman traffic dahil maaga pa. Hindi pa labasan ng ibang students.
Pero do you know what's infuriating? Yung sinabihan akong asap kasi baka emergency. It turned out, mamaya na pala yung reunion namin with high school batch mates. Mga excited. Wala pa ngang ten years reunion na kaagad. Mag-fo-four years pa lang kaming graduates sa March 27 and tell you what, February pa lang ngayon!
"Emergency naman talaga! Duh, wala pa tayong damit mamaya!"--Celine.
"Duh, girl, duh! Galing pa akong Recto tapos...."
"So? Ayos lang 'yan! Tara na!" sabat naman ni Weng at lumayas na kami ng condo niya.
"Harrison nalang?" tanong ko sakanila. Yun pinakamalapit e. Walking distance lang. May department store naman SM doon.
"Trip ko Landmark!" Masasampal ko itong si Celine. Pupunta pa kaming Makati? Lokohan? E six sumula nung reunion namin. Its merely 4:00 at sabihin na nating sa ganitong oras e traffic na. Pero parang kanina lang sabi ko hindi pa ma-traffic a? Tch. Just don't mind me.
Our friends Tammy and Venus are not going with us. Dating taga-La Salle yung si Tammy at Holy Spirit naman si Venus. Weng, Celine and I... galing kaming St. Mary's Pasay.
"Gals look." Celine while showing us a black casual dress. Simple but gorgeous. Bagay daw yun sa pumps niya na kabibili lang.
"Looks good on you." sabi ko kahit hindi pa nasusukat.
"Yeah, plus extra red lipstick. Perfect to seduce Cayde." Sabi ni Weng sabay tumawa kaming tatlo. Hindi naman slutty yung dress pero kapag si Celine ang nag-suot, probably magiging mukhang ganoon.
And Cayde... well, ang hinahabol-habol lang naman ni Celine na crush niya ever. Hindi rin namin alam ni Weng kung kailan nagsimula pero nung fourth year namin e bigla nalang siyang nagtititili tuwing nakikita si Cayde. Can't blame her though. That guy's really handsome. Chinky eyes tapos kutis koreano pa. He's studying in La Salle daw ngayon. Bagay naman siya doon. Rich kid.
Sa isang bar kasi dito sa Taft yung celebration. Share-share sa pag-rent nung bar. Okay na lahat ng drinks at food. Laki rin ng binayaran namin a.
"Yeah right, tried once, ala nangyari." Celine. "Pwe. Ayoko na sakanya. Maghahanap nalang akong boylet doon. Baka dumami na pogi." sabay tawa pa.
"Ikaw Weng? Si Beans dadating ba?" Tanong ko. Ex niya 'yun. Probably next na rin. Magulo buhay nila. Bahala silang dalawa. Si Vince at si Weng. Magulong couple mula ewan.
"Malay ko sa taong 'yun. Pakialam ko doon." pagsusungit niya. If I know konti nalang sila na ulit.
"Eh si Exid?" Tukso naman nilang dalawa saakin. Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin.
Exid... well.. he's my closest guy friend but these two, parating sinasabi na gusto ako nung tao. I don't think so. Exid's naturally sweet. Na-mi-misinterpret lang nila.
"Kulit niyo," Sabi ko na may kasamang pag-iling pa. "Huwag kayong ganyan. Mabait lang talaga yung tao. Saka mamaya umayos kayo. Nakakahiya."
"If I know, excited kang makita ulit siya." Sa CEU kasi nag-aaral 'yun. Dentistry. Bihira na kami magkita. I know malapit lang 'yun kung saan ako galing kanina pero malay ko ba kung saang lupalop ng CEU napadpad yung taong 'yun.
BINABASA MO ANG
Thirteen Strangers [HIATUS]
Teen FictionI'm bored and i just need someone to talk to.