Walang pumapasok sa utak ko. Sino ba ako? Nauntog ata ako eh.
May nakain ba akong masama?
Anong araw ngayon?
Asan ako?
Ilang taon na ako?
Ok. Tulala ako.
Boblaks ka talaga Juliet. Huhuhuhu! KASE NAMAN EH! IKAW BA NAMAN MAGPROPOSE ay teka ang OA ko, di naman nagproposed sa akin si Gez eh
PERO KAHIT NA BA EHHHHHH! SINABI NIYA NA ANO! NA ANO DAW! Ahuhu. Ano ba yun sinabi niya?
Oo na naloloka kasi ako! Imagine, yung bias mo sa isang boy band biglang sabihin may gusto siya sayo! TIGNAN KO KUNG DI KA MALOKA KAGAYA KO! ANLA SIGE ANO!?
Paano kung si LUHAN ng EXO biglang sabihin sayo gusto ka niya?! Si Daniel Padilla sabihin sayo gusto ka niya, di ka mahihimatay?! ANO SIGE ANO?!
Di ko alam kung ano pinaglalaban ko. Huhuhuhu! Nababaliw na kasi akooooooooo!
“Andito na tayo sa rooftop” Nakangiting si Gez pagkasabi niya nun
OH GOD. PWEDE NA BA AKO MAMATAY?!
Nagtataka ba kayo kung baket naka-caps lock ako? KASI GUSTO KO MARAMDAMAN NYO YUNG INTENSITY NG NARARAMDAM KO NGAYON! All for one, one for all!
“Relax ka lang Juliet. Di kita lalapain” ANO DAW SABI NIYA? LP?!
Bobo Juliet, lalapain hindi lap times 2. Kabobohang taglay mo talaga oh. Malumot ang utak amp!
“Tara upo ka dito” Sabi ni Gez at tinuturo nya yung lugar na katabi niya kung saan siya nakaupo. At dahil sa mabait na babae naman ako, umupo naman ako.
Hoy, kung sino man kasama ko sa bahay, alam ko panaginip to, wag nyo ako gisingin. Papatayin ko kayo. This is so goooooooooood to be true. Alam ko maganda ako pero di ako naniniwala na may prince charming ako. CHOS!
Nakngtinola! MATUTULOG NA PO TALAGA AKO NG MAAGA PARA DI NA AKO NABABALIW NG GANITOOOO! LORD! PATAWAD POOOO!
“Hahaha. Ang cute mo talaga. Natataranta ka eh. Gising tuloy ang diwa mo” And he chuckled. Oh God, kukunin nyo nab a ako kaya nagiging maganda ang buhay ko? Huhuhu. Wag munaaaa.
“E-eh Gez, t-totoo ba yung m-mga sinabi mo kanina?” Ay sheyt nakakahiya! Nauutal akoooo! Huhhuhu. Juliet umayos ka naman. Wag ka pahalata! Boplaks ka talaga.
“Di ka naniniwala? Gusto mo patunayan ko?” Nakikipag eye to eye contact siya sa akin nung sinabi niya yun pero nililihis ko yun tingin ko kasi di ko kaya tignan siya sa mata eh.
Teka, diba pag ganun ibig sabihin totoo yung sinasabi? Pag kayang makipagtitigan sayo? UWAAAA. M-MEANING TOTOO TO?
“H-hindi na. Kurutin m-mo nalang ako please. Feeling ko nanaginip lang ako eh!” And kinurot nya nga ako.
Fortunately or unfortunately, MASAKIT SIYAAAAAAAAAA! MEANING GISING AKO! HINDI TO PANAGINIP! HINDI ITO PANAGINIP! HINDI. ITO. PANAGINIP! HINDI.....
Ayoko na. Paulit ulit na eh. Nakakaloka na eh. Feeling ko may tatawag na sa mandaluyong jan para i-admit ako sa isang mental hospital. Wag po ha? Ganito lang talaga ako.
“Ok na?” Nakangiti pa rin po si Gez. HUHUHU! NATUTUNAW AKOOOO!
“O-oo. So ano pala yung sasabihin mo?” Ok onting utal utal nalang. Kaya ko ito.
“Ahh.. Haha. Oh that. First of all, I know nabigla kita, I’m sorry for that. Alam mo kasi nuon pa lang gusto na kita. Kaya nga nung nakita ko na sobrang lapit nyo kanina ni Ed eh nilamon agad ako ng selos. First year pa lang tayo nakikita na kita. Ang bubbly mo, masayahin and parang ang perfect mo. Alam ko korni ang love at first sight pero alam mo...” Nagpause siya tapos tinitigan niya ako
OMO SHEEEEYT :”> KINIKILIG NA TALAGA AKOOOOOOO! AYOKO NAAAAA! Kayo na bahala kapag nahimatay ako ha!
“Nainlove ako sayo nung unang beses pa lang kita nakita. Love at first sight” Eye to eye nya yan sinabi sa akin.
And nasa langit na po ako.
Pwede ba kiligin?
Pwede ba?
Eh baka kasi ayaw nyo eh.
Pwede? Talaga?
Weh? Ows? Di nga?
Sure?
Bahala kayo jaaaaaaan! WAAAAAAAAAAAAAAAH! KINIKILIG AKOOOO! Pwede na ako mamatay! Pwede na po!
AY HINDI WAG MUNA WAG MUNA! Minsan lang ito mangyari sa akin eh! Lulubusin ko na! Ano ba! Walang basagan ng trip ha!
“T-totoo?” Ayan lang nasabi ko sa napakahabang speech niya. Sheeyt. Nablablangko utak ko. Lutang. Sabog. Lumipad papuntang Mars.
“Hahaha. Gusto mo patunayan ko?” Nakangiti pa rin siya. Nakakatunaw talaga yung mga ngiti nya
Julieeeeet! Maghunos dili ka muna! MAGPALIGAW KA NGA MUNA!
Huhuhuhu! Lubayan mo ako maharot kong konsensya. Di ako makapag isip ng maayos eh. Ang harot kasi eh.
“Di ko na nga hihintayin sagot mo. Hahaha. Ang cute mo talaga. Tara dun tayo sa baba” Hinila nya nalang ako at nagpahila naman ako.
This is so good to be true. Tama ba to? Im sure gising ako. Pero napakaunbelievable kasi nito. Si Gez magkakagusto sa isang kagaya ko? Oo, maganda ako. Hindi sa pagiging conceited pero totoo naman yan. Wag na kayo pumalag please. Matalino ako. Pero di naman kami ganun kayaman. Tamang yaman lang.
SI Gez, perfect siya, hindi, Almost-perfect lang siya. May flaws din siya. Walang perpekto sa mundo eh.
Tinignan ko na ngayon kung nasaan kami at nasa may gym kami ng school naming at...ANG DAMING ESTUDYANTE! Baket?!
“G-Gez? Baket?” Lumingon lang sa akin si Gez at nginitian niya lang ako and he mouthed ‘Trust Me’
Nung nasa stage na kami ayun nakita ko ang daming balloons at flowers na nagkalat. Hindi lang basta flowers, BLUE ROSES po yung mga nakakalat tapos di ko nasabi sainyo dahil windang na windang ako eh habang dumadaan kami papuntang stage eh may nagaabot sa akin blue roses hanggang sa naging isang bouquet siya.
“Hello guys! Uhm, kilala nyo naman ako diba? Gusto ko lang sabihin sainyo na itong babaeng kasama ko ay mahal na mahal ko at ngayon lang talaga ako naglakas ng loob sabihin sakanya kaya ayaw nya maniwala. Kaya andito ako sa harap nyo para dito.” Tinignan nya ako at bigla siyang lumuhod
“W-waah. Ge-Gez! Tumayo kaaa!” Natatarantang sabi ko
“Elizabeth Juliet Reinsworth, tama na yung 4 years kong pagiging torpe. Will you be my girlfriend?”
And tinakasan na ako ng kaluluwa. Huhuhu!
“YIIIIIIIIIE! ANG SWEET!”
“OO NA YAN!”
“WOOOOOOH! GO GEEEEZ!”
“Huhuhuhu! PAPAUBAYA NA NAMIN SAYO JULIET SI GEZ!”
“JULIET ALAGAAN KA DAPAT NI GEZ HA!”
Yan ang mga sigawan nila. Ng mga estudyante na nasa gym.
Hinanap ko si Chel at nakita ko siyang nakangiti tapos naka-thumbs up. Pero...ang weird. Parang may kakaiba.
“LI-LIGAW MUNAAAA!” Yun nalang sinabi ko kay Gez at I’m sure nagbablush ako ng bonggang bongga
“Sure thing, my princess.” And niyakap niya ako ng sobrang higpit tapos naghiyawan na yung mga estudyante
WAAAAAH! Nakakagulantang talaga ang mga nangyayari sa buhay kooooo!
BINABASA MO ANG
Him And Her: Their Love Story
Novela JuvenilLove story. Ano nga ba ang love story para sayo? Ang love story na alam natin ay happy ending. Halos lahat dapat happy ending. Pag ang isang love story ay hindi nagtapos sa isang Happy ending, ang mga manunuod o mga nagbabasa ay minsan maghahanap ng...