Chapter One - Being The Second

207 3 0
                                    

"Villanueva, Olivia Denise S., Salutatorian"

Nagpalakpakan ang tao sa pag-akyat ko ng stage bilang Salutatorian ng aming batch. Oo, KO! Maniwala kayo't sa hindi ako ang Salutatorian ng batch namin. Pero totoo naman talaga.

"Cortez, Sabrina Angela Y., Valedictorian"

Nag palakpakan din ang lahat sa pag-akyat ni Sab sa stage. 

"...Best in Math, Best in Social Studies and Best in TLE. She also receives an award for..."

Hakot ang lahat ng awards. Grabe talaga siya. Maganda, matalino, mayaman in short, PERFECT.

Bagay na bagay yung kanta ni Daniel Padilla eh, Nasa iyo na ang lahaaat. Minamahal-- O sige wag na. Corny na masyado.

Pero hindi tulad si Sabrina, kaunti lang ang special awards na nakuha ko but I'm proud with what I achieved na.

"Ang galing talaga ni Sab! Hakot nya na lahat ng awards e!" sabi ni Jerome, bestfriend ko.

"Oo nga eh, hindi na tayo tiniran" sagot ko sa kanya.

Siya nga pala. Jerome Alexander Cuevas. Siya yung guy bestfriend ko. Sa tropa namin, parang sya yung pinaka-close. Pinaka kabaliwan ko, yung ganun. Yung iba yung treatment nyo sa ibang tropa.

Natapos rin ang taon. Biruin mo yun, graduate na ako ng highschool? 4 to 6 years nalang ang titiisin ko at kung papalarin ay matatapos ko narin ang college. 

Anyway.

May sasabihin ako, pero secret lang. SHH.

May gusto si Jerome kay Sab!

Joke lang, pagkalat nyo na. Alam na ni Sab eh.

*flashback*

Madalas naasar ang dalawa sapagkat lagi silang mag kausap at mag ka chat sa facebook. Matagal ng umamin sakin si Jerome na may gusto sya kay Sab pero hindi naman naming alam kung sino ba ang gusto neto ni Sab. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan.

“Sab may itatanong ako sayo.” Biglang sabat ni Jerome sa usapan.

“Ano?”

“Ah. Siguro naman. Napapansin mo na ‘to. Matagal na.”

“Huh? Bakit? Teka, di kita maintindihan”

Lumayo kaming tatlo nila Jane, isa ko pang kaibigan, dahil mukhang seryoso ang usapan nila.

“Sab, mahal kita.”

Mukhang nagulat si Sab.

“Ano? Takte naman oh. Wag nyo ako pag tripan huh!” dumaretcho ng lakad si Sab

“Sab, teka. Di ako nag bibiro. Totoo ang sinabi ko.” Pagpipigil ni Jerome kay Sab

Natahimik muli si Sab.

“Sab, gusto ko sanang itanong sayo ‘to…”

“Pwede bang ligawan kita?”

Pigil na pigil ang tawa ko. Nahihiya ako sa ginagawa ni Jerome. Pero bilib parin ako sa kanya. At least, hindi sya torpe tulad ng iba dyan. Tamaan na ang matamaan!

“Sab. Ano?” Tumingin si Jerome kay Sab na parang naiiyak na

“Hindi ko alam. Sorry. Hindi ko talaga alam!” tumakbo si Sab papalayo sa amin.

Hindi ko inaasahan nag ganon ang magiging reaksyon nya. Akala ko matutuwa sya or matatawa lang.

Naiwang nakatulala sa gulat si Jerome.

Sobrang nasaktan si Jerome sa nangyari. Akala nya kasi may pag asa na sya kay Sab. Akala nya iba na sya sa ibang mga lalaking may gusto kay Sab dahil kaibigan nya nga ito at sobrang close na close pa silang dalawa compared sa iba.

Ilang araw ring hindi nag pansinan ang dalawa pero sa huli’y naayos rin ito. Pero balik ulit sila sa dati. Magkaibigan. Ngunit ang isa’y patuloy paring umaasa.

*end of flashback*

Nga pala, crush nga pala ng bayan etong si Sab. Alam nyo bang may representative ang bawat section sa mga nag kakacrush sa kanya? Minsan nga dala dalawa pa per section. Pero kahit isa wala syang ineentertain o sinasagot. Hinahayaan nya lang.

“Via, pasabi nga pala kay Sab. Congrats, ang ganda nya at I…love… myself” sabi ni Jerome sakin

“Sige, sasabihin kong mahal na mahal mo sya.” asar ko

“Loko wag, sige ka sasabihin ko kay Ned” sabi niya

Kay Ned?

Si Russel Ned Evangelista. Matangkad, basketball player, maputi, science wizard at school hearththrob.

Nakakahiya mang sabihin pero crush ko sya. Dati.

Hindi ko alam. Crush ko sya simula palang first year pero may nangyari rin nung second year. Sinabi nya sa akin na ayaw nya sakin. Ang saklap no? Hindi ko alam kung bakit, pero naririnig ko sa iba, may gusto na siyang iba. May balak na nga ata syang ligawan yung babaeng yun. Sakit diba? Ewan ko ba sa kanya. </3

Strangers kami ngayon. Talking to each other kung kailangan lang talaga.

Masakit parin dahil sya mismo yung nagsabi ng

"Ayoko nga kasi sa'yo! Okay? Kaya wag mo na ipagpatuloy yang feelings mo para sakin!"

Anyway, life goes on kahit na ganun.

“Uy, picture naman kayo ni Jerome!” nagulat ako, mommy pala ni Jerome

“Ah sige ba!”

Umakbay sakin si Jerome at pinicturan kaming dalawa.

“Uy bagay ah!” biglang nag salita yung daddy ni Jerome.

“Bagay? Tao kami, daddy.” Loko talaga tong si Jerome

“Loko ka, nak. Via, nililigawan ka ba nitong anak ko?”

“Ay hindi po! Si Sa--“

“Daddy naman eh, hindi no.” pagputol ni Jerome

“Wag ka maingay!” bulong ni Jerome sakin

Nakakahiya yung lagi kaming inaasar. Madalas pa nagpapagkamalan kaming magsyota.

*flashback*

“Via, samahan mo akong canteen!”

Hinila ako ni Jerome papuntang canteen.

Nagtatawanan lang kami habang bumibili ng chichirya.

“Ate, Kuya, bili na kayong ticket para sa movie booth!” pag aalok ng mga first year sa amin

“Dali na po kuya, ipagpapray po namin kayo!”

Pag papray? 

Inabutan ni Jerome yung dalawang first year ng pera at kinuha yung dalawang movie booth tickets para sa foundation day.

“Salamat kuya! Promise bagay talaga kayo!”

Lumakad na kami palayo.

“Tayo? Bagay?” sabay naming nasabi

Nagkatinginan kaming dalawa sabay sabi ng..

“EW. Kadiri!”

*end of flashback*

“Daddy, kilala nyo si Sab, sya yung gusto kong ligawan.”

Tss. Sasabihin rin naman pala.

Bat ang lalaki ayos lang may ligawan pero sa babae mahigpit pagdating sa mga manliligaw?

“Mahal ko si Sab, diba Via?”

And I faked a smile and said

“Opo, mahal po nya si Sab. Patay na patay nga po eh”

And my heart broke into pieces.

Yes, I’m inlove with my bestfriend.

Me As HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon