Chapter 20: Creo Junior?!

599 15 1
                                    

Reika’s POV

 

Nakakagulat yung ginawa ni Karl kay Aryl kanina sa mall. Hay. Buti hindi nagwala si Aryl kung hindi baka may dumalak na dugo. Haha. Grabe pala si Karl. May ibang pagkatao pala yun. Ibang iba sya dun sa kinwento sakin ni Chiara. And speaking of Chia. Ano kayang naramdaman nun kanina? Na-shock din kaya sya sa ginawa ng crush nya?

Hay. Pati ako napapaisip ng malalim eh. Kanina tuloy sa kotse ni Creo di ako masyado nagsasalita. Wala akong imik. Kasi naman si Kane eh. Napa-isip ako dun sa sinabi nya sakin bago kami umuwi.

 

*flashback

 

“Reika!”

Nilingon ko sya.

“Bakit?” Tanong ko.

“Wala naman. Sasabihin ko lang sayo na---” Napangiti na naman ang mokong. Tsk, nababaliw na ata ‘to eh.

“Na?” Tanong ko sa kanya.

“Na... Hehe. Na...”

“Na ano nga? Ang kulit! Binibitin pa eh.”

“Hahahaha. Sorry, sorry. Natutuwa lang kasi ko. Haha.”

“Naku. Ewan ko sayo.” Tumalikod na ko.

“Wait.” Sabi nya then pumunta sa harap ko. Nakangiti na naman ang mokong.

“Ayaw nya ng pasta.” Nakangising sabi nya.

“Ha?” Ano? Pasta?

“Ay mali pala. He NEVER eat PASTA.” Then ngumiti sya.

 

Umalis na sya at naiwan akong nakatulala sa may parking lot.

 

(O_O) ???

 

Eh?!!

 

*end of flashback

 

Ano daw?

Si Creo?

Di kumakain ng pasta?

Eh anu yung kagabi?

Naubos nga nya yung niluto ko eh. Tapos sinabi pa nyang masarap daw yung luto ko. Joke lang ba ni Kane yun? Eh bakit parang totoo naman yung sinabi nya? Tsk. Ang gulo naman!

Nasa kalagitnaan ako ng pagsabunot sa sarili ko dahil sa hindi ko maintindihan si Creo ng biglang nag-vibrate yung phone ko.

Kinuha ko.

Si Creo.

**

“Bakit?”

(Task.)

“Ano?”

(Akyat ka dito.)

“Bakit nga?”

I'm In Love With A HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon