KETCHUP (One- Shot)

28 0 0
                                    

First day of classes ang bumungad sa babaeng si Zarina Gayle Carbonel, na mas kilala bilang "Inah". Highschool na sya ngayon at hindi siya makapaniwala na magdurusa ulit sya sa eskwelahan. Siya ay galing sa isang mayamang pamilya, pero dahil sa napaka-weirdo nga nya, at medyo pagka-nerd, walang lumalapit sa kanya, "forever loner" ika nga.  Laging masalimuot ang kanyang mga school days, magbabago kaya ang lahat? Mag-iiba kaya ang kapalaran niya at ngayong highschool na sya? Makakahanap kaya siya ng isang kaibigan sa loob ng maikling panahon?

-

Eto na ang pinaka-ayaw na araw ni Inah, ang first day of classes. Nai-hatid na siya ng kanyang driver mula sa classroom niya. Bumungad sa kanya ang iba't-ibang klase ng estudyante, may mga taong mukhang "studious", may mga nagme-make-up, may mga lalaking mukhang gangster, at … geeks kagaya nya.

Inah: Uhm, excuse me. May nakaupo ba dito as upuang ito?

Classmate1: Actually, meron na po eh.

Naghanap pa siya ng mauupuan, pero mukhang walang gustong tumabi sa kanya dahil sa itsura niya. Wala syang nagawa kundi maupo sa sulok. Maya-maya eh nagsimula na ang klase. Nagpakilala sila isa-isa mula sa klase. Kabadong-kabado si Inah dahil pinaka-ayaw niya sa lahat ang pagpapakilala dahil wala namang interesadong makilala sya.

Inah: Hello everyone, my name is Zarina Gayle Carbonel, just call me "Inah". (sabay kamot sa ulo, hawak sa makapal nyang salamin sa mata, sabay upo.)

Nag-daan ang ilang mga subjects, at gulat na gulat ang kanyang mga kaklase sa angking talino ni Inah, maski nasa sulok lang siya, siya palagi ang nakakasagot sa mga tanong ng kaniyang guro. Pagkatapos ng ilang oras …

RECESS!

Inah: Hay ano ba yan, wala ba namang kakausap sa akin. Tss, as usual naman Inah, kaya nga sarili mo nalang yang kinakausap mo, dahil forever loner ka naman eh, baliw ka na nga kakausap sayo eh. -_- (pakiusap sa sarili)

Maya't-maya, nakapila siya para umorder ng makakain, pero napalingon sya sa isang "table" ng mga lalaking malakas ang trip. Parang may nilalagay ang mga lalaki sa mga upuan ng table. Pero, biglang nangati ang mga mata ni Inah, kaya tinggal nya ang kanyang salamin. Binalik niya ito, at umorder na ng pagkaing gusto niya.

Inah: Isa nga pong chicken burger, saka orange juice. Magkano po lahat?

Vendor1: P35 po lahat-lahat.

Napangiti na lang si Inah. Diet daw siya ngayon. Pero, biglang napansin nya na, PUNO na ang lahat ng table sa canteen. Mukhang wala na siyang mauupuan.

Inah: Naku, paano ba ito? Pag minalas nga naman oh, ayokong kumain ng nakatayo!

Naghanap si Inah ng mapagtatanungan kung may mauupuan siya.

Inah: *Inah, lakasan mo nalang ang loob mo!* Ah miss, excuse me, may nakaupo po ba dito?

Schoolmate1: This seat is taken na.

Inah: Miss, may nakaupo na dito?

Schoolmate2: Opo, boyfriend ko. Bakit?

Inah: Excuse me, may nakaupo po ba dito?

Schoolmate3: Sorry, meron na po eh.

Inah: Waaaaaaaaaaaaaaaah! Naiinis na ako! Sige lahat kayo, wag magpaupo dyan. -_-

Hanggang sa … nakakita sya ng isang bakanteng "table" na may pangdalawahang upuan na pina-alisan ng ilang mga babae. Umupo na siya sa wakas. Habang nakain, ramdam nya ang pagod sa paghahanap pa lang ng bakanteng upuan. Biglang … may mga sigaw siyang narinig mula sa ilang mga lalaking nagtatakbuhan. Ang isa rito, ay umupo sa table niya, sa kanyang katapat na upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KETCHUP (One- Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon