*note: oyasumi – Japanese word which means good night! ^^,
Reika’s POV
Tawa pa din ng tawa ang magaling na Creo. Manong tinutulungan na lang akong tanggalin sa pagkakayakap ‘tong batuting na ‘to.
“Oy, Crei! Ano ba? Dali na. Patulong.” Sabi ko sa kanya ng may nagmamakaawang mata.
>_< Hehe. Lakas ng topak ko ‘nu? Magpaawa daw ba.
“Kuya Creo. Girlfriend ko. Si Reika.” Sabi ni Eiji.
Napayuko ako at tingnan ang batuting. At ayun. Nakangisi na naman. Girlfriend daw ako? Hay naku. Pasaway talaga.
Sumimangot ako kay Eiji then tumingin ako kay Creo. Nakatingin lang din sya sakin pero nakangiti pa din.
Sumenyas ako sa kanya ng may paawa effect para tulungan na ko sa batang ‘to. At mukang naging effective naman sa kanya ang ginawa ko.
Naglakad sya palapit samin then huminto sya. Bale, magkaharap kami at nasa gitna namin si Eiji na nakayakap pa din sakin. Maya maya lumapit pa sya lalo samin. Then hinawakan nya ng parehong kamay nya yung kamay ni Eiji na nasa likod ko. So parang pati sya nakayakap na din sakin. Diba matangkad sya? Ayun. Medyo yumuko sya ng konti dahil inabot nya yung kamay ni Eiji at naging magka-level yung mukha namin.
Napatingin ako sa kanya dahil dun sa ginawa nya. Biglang naging pigil yung paghinga ko.
Well, nakatitig sya sakin ngayon. Gusto ko sanang iiwas yung tingin ko sa kanya kaya lang ayaw sumunod ng sarili ko sa iniisip ko.
“Bakit kuya Creo? May problema ba? Di ko ba sya pwedeng maging girlfriend?” Tanong ni Eiji na naramdaman kong tumingala samin ni Creo kahit di ko pa rin maalis yung tingin ko kay Creo hanggang ngayon.
Ngumiti si Creo habang nakatitig pa din sakin.
“Yeah. There’s a problem, Eiji.” He said without breaking our eye contact.
“Ehhheee?! Ano problema?” Tanong ni Eiji na parang nagtatampo. Lumabas din ang pagiging bata nitong batuting na ‘to.
“Di mo sya pwedeng maging girlfriend.”
“Bakit?” Tanong ulit ni Eiji.
Ngumit na naman si Creo. Nanlaki yung mata ko. Hala. Teka. Parang alam ko na iniisip nito.
“Because she’s my girlfriend.” Toinks! Sinabi na nga ng Creo. Napasimangot na lang ako sa kanya. Topak talaga ‘to.
“So, you can now let go of her Eiji.” Sabi ni Creo then naramdaman ko na lang na lumuwang na yung pagkakayakap sakin ni Eiji.
“Ang daya naman! Gusto ko si Reika eh.” Sabi nya ng padabog then nag-pout ang bata.
Napangiti na lang ako habang nakakunot noo.
“Hoy batang batuting. ‘Ate Reika’ ang itawag mo sakin. Kahit cute ka pa matuto kang gumalang sa nakatatanda.” Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Teen FictionIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?