Maibabalik Ba Ang Kahapon?

75 1 0
                                    

For some reason, the first one I posted didn't get saved. I don't know why. So here it is again.

Pana-panahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?

Hindi ko matanggal sa aking isipan ang linyang iyan. Para bang binabangungot ako nito, umuulit ulit hanggang sa tuluyan akong mabaliw. Malaki ang part eng kantang ito sa paghubog ng aking katauhan. Isa itong alaala sa aking nakaraan. Ang kantang ito, nagmistulan nang theme song ng aking kabataan.

--

Tandang-tanda ko pa ang una naming pagkikita. Hindi man ito romantiko o pampelikula, ang araw na iyon ang nagsilbing simula ng bagong kabanata na magmamarka ng permanente sa aking buhay.

Naglalakad ako sa may dalampasigan nang makita ko siya. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat at kulot ang kanyang buhok.

“Anong ginagawa mo?” Iyan aang una kong tanong sakanya. Sa susunod na mga buwan ay mas rarami pa ito at lalalim. Pero sa panahong iyon, tanging ang ginagawa lamang niya ang nais kong malaman.

“Nanghuhuli ako ng isda,” mahiyain niyang sagot sa akin. “Pang-hapunan namin mamaya,” kanyang dagdag.

            “Pwede mo ba akong turuan niyan?”

            Napaisip siya ng kaunti at napakamot ng ulo, sabay sabi ng, “Sige.”

            “Ano nga bang pangalan mo?”

            “Ah, ako nga pala si Joel. Ikaw?”

            “Danica.”

            “Ahhh. Halika, Danica. Dito ka sa tabi ko at tuturuan kitang manghuli ng isda.” Umusod siya ng kaunti upang makaupo ako sa kanyang tabi. Noong araw na iyon ay natuto akaong mangisda.

Natuto rin akong umibig.

            Simula noong araw na iyon ay palagi na kaming nagkikita ni Joel. Minsan ay isasama niya ako sa pangingisda, minsan ay mamamangka kami, madalas nama’y maglalakad kami sa may tabing dagat hanggang sa lumubog ang araw.

            Habang lumulubog ang araw ay uupo kami sa buhangin at dahan-dahan niya akong aakbayan. Isasandal ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat at pagmamasdan ang pagtatapos ng araw.

            “Danica, balang araw papakasalan kita! Dito mismo sa ilalim ng punong kinatatayuan natin ngayon. Ngunit yun ay kung papayag ka,” sabi ni Joel habang hawak-hawak ang aking mga kamay.

            “At bakit naman ako hindi papayag? Joel, ipangako mo na pag malaki na tayo ay papakasalan mo ko.”

            “Oo, Danica. Pangako.”

                        At bilang tanda ng kanyang pangako, inukit niya ang aming mga pangalan sa punong iyon. Matapos ay namitas kami ng mangga na amin ring kinain. Habang buhay kong panghahawakan ang pangakong iyon.

            “Ang tamis ng mangga! Sintamis ng pagmamahal mo,” mapang-akit na sinabi ni Joel.

            “Suuus! At nambola ka na naman,” ang sagot ko sabay batok sa kanya.

            “Aray naman! Masakit yun ah,” pabirong sabi ni Joel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maibabalik Ba Ang Kahapon?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon