RD's POV
Nagising ako sa sinag na araw na nanggaling sa nakabukas na bintana dito sa kwarto.
"Goodmorning sleepyhead!" kinusot ko yung mata ko at aayos sana paupo sa kama, pero natigilan ako kasi nakaakap pala sa akin si Aia. Hinanap ko kung sino yung nagsalita at nakita ko si mommy sa may closet ko. Dahil sa nailang ako sa itsura namin ngayon ni Aia, natakip ko yung isang unan sa mukha ko. "hahaha, it's okay son! Kung gusto mo ng bumangon diyan, just be careful baka magising ang soon-to-be-fiance mo!"
"Mom!"
"Sssh.. baka magising! hahaha" napailing na lang ako. Tinignan ko yung katabi ko at napangiti ako. Para kaming mag-asawa!
Ano dawwww???
Natingin ulit ako kay mommy na kasalukuyang inaayos ang mga damit ko at inilalagay sa isang malaking bag.
"Ano ginagawa niyo dyan, mom?"
"Gusto ko na kayong magtanan na dalawa. Nandun na rin yung mga gamit ni Aia sa ibaba."
"pssh.. mom! Seriously?"
"Hahaha.. joke! Mag-a-out of town tayo. Kasama si Aia at ang daddy niya. May gagawin kasing annual business conference yung Top 10 Biggest Company sa buong Southeast Asia sa Korea. Since kasama tayo dun at sila Aia, sabi ng daddy mo at ni Arthur, maging vacation niyo na rin yun." tumango-tango lang ako. Mayamaya naramdaman ko na gising na rin si Aia.
"Aiammy, wake up! Mom is here!" nag-inat pa siya bago idilat yung mata.
"Hmmm.. morning RDelicious, morning Tita!" pero hindi pa siya bumangon. Tumingin lang muna siya sa akin at kay mom, tapos bigla siyang natigilan. "Waaaaah!" nagtalukbong pa siya ng kumot. "RD, nakakahiya kay tita! Ikaw kasi, pinatulog mo ako dito! huhu.." lumapit naman si mommy sa tabi niya.
"Ayos lang iha! Tara na sa baba. Kumain na kayo ng breakfast ni RD." bumangon na ako at hinila yung kumot ni Aia.
"Hoy, Aia tumayo ka na dyan!"
"Ayaw! huhu"
"Tara na, nagugutom na ako!"
"AYAW!!!" si mommy tawa lang ng tawa.
"Kapag hindi ka bumangon dyan, di ka namin isasama, aalis kami, mamayang gabi ang alis namin pupunta kaming Korea using the private plane!"
"Korea?"
"Yup! Out of town iha!" si mommy na ang sumagot. Ang kulit eh!
"Waah! really tita! Korea!" tumayo na siya at nauna pang lumabas na ng kwarto. "Gusto ko ng mag-breakfast!"
Natawa lang si mommy. Ako, nailing lang. Baliw eh!
"She's very adorable and she's really suits in you son!"
"I know!"
"What's the status?"
"I'm single, and she's taken!" I smirked, humarap lang ako sa bintana at bumuntong hininga.
"Do you love her?"
"I don't know mom. Nakakatakot eh! Baka sa bandang huli, masaktan lang siya."
"It won't happen anak, as long as you love each other. I know, Aia loves you!"
"I know it too, mom!" but he also loves Luigi.
"Then do what is right! Alam kong nasa move-on stage ka pa. I just met Angeline last night. She approach me, and to tell you the truth, I don't like her!"
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Teen FictionIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...