5th Dear

19 4 3
                                    

Gabi na pero wala pa din sina Mama at Papa. Nasaan na kaya sila? Nagtetext naman 'yung mga iyon kapag aalis sila e.

*Tok tok tok*

Agad akong nagpunta sa may pintuan upang tignan kung sino 'yun.

"Sino 'yan?" Tanong ko ng malapit na ako sa may pintuan.

"Ako 'to Ash."

Ay! Si Ate Rack lang pala, akala ko sina Mama na. Malungkot kong binuksan ang pinto.

Nagdiretso na agad si Ate sa sofa.

"Haaay salamat. Nakauwi na din sa wakas." Sambit nito na nag babanat pa ng buto.

"Parang pagod na pagod ka Ate a?" Kung makaarte kasi akala mo pagod na pagod. E sa pagkakaalam ko naman gumala lang sya. Very wrong :/

"Ganon talaga, asan nga pala sina Mama?"

"Yun nga din ang tanong ko Ate. Kanina pa ako dito pero wala sila. Wala man lang text or whatsoever." :3

"E? Sa kwarto nila wala ba?" Nababahalang tanong nito.

"Wala siguro. Naka-lock e."

"Naka-lock?" Gulat niyang tanong.

"Oo." sagot ko sabay kamot sa ulo.

Agad siyang tumakbo sa kwarto nina Mama.

"Ma! Pa! Andyan ba kayo?" Nag aalalang sabi nito habang kumakatok at pilit na binubuksan ang pinto.

"Ate relax! Hindi mo ba alam kung nasan 'yung susi nila?"

"Susi! Tama!" Bumaba ito saglit at pagbalik ay may hawak ng susi. Pati ako alalang alala na tuloy. Nakakagulat kasi itong si Ate. Agad niyang binuksan ang pinto...

"Ma!" sabay na sigaw naming magkapatid ng tumambad sa amin si Mama na nakahiga sa sahig. Nagkalat ang bote ng alak at hindi ko maipaliwanag ang itsura ni Mama. Halatang umiyak ang kaniyang mga mata at ang tanging emosyon na nakikita ko lamang sakanyang mukha ay lungkot at hinagpis.

"Mama! Ano ba naman ang nangyari sainyo? Ma, gising." naluluhang sambit ni Ate. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatulala lang ako kay Mama kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Ash tulungan mo ako, akayin natin si Mama sa kama." Pinagtulungan naming magkapatid si Mama na maihiga sa kama. Kumuha na din ako ng bimpo at lukewarm na tubig.

"Renato. Renato. 'Wag mo akong iwan." Humihikbing sambit ni Mama sa pangalan ni Papa habang siya ay natutulog.

Natigil ako ng paulit ulit kong nadidinig na nasasaktan si Mama. Sa pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata kapalit nito ay sakit sa aking puso. Naluluha na din ako at ganon na din ang aking kapatid. Wala pa man nakakapagsabi kung ano ang nangyari ngunit dahil sa mga sinasambit ni Mama ay para bang alam na namin. Nakatitig lang si Ate kay Mama habang sunod sunod ang pagpunas sa mga luha.

Pinunasan at binihisan ni Ate si Mama at ng matapos ito ay bumaba na kami.

"Ate, may alam ka ba dito?" tanong ko kay Ate ng makalabas kami ng kwarto.

"Gabi na Ashley, matulog ka na." walang emosyon iyang sagot.

"Ate naman, hindi na ako bata para paglihiman pa ng mga ganitong bagay. Please... kung may alam ka sabihin mo naman sakin." Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at sunod sunod na silang pumatak. "Asan si Papa, Ate? Bakit pinapabalik sya ni Mama, iniwan niya na ba tayo?" Sunod sunod kong tanong sa aking kapatid na ngayon ay lumuluha na din.

"Please Ashley, bukas na lang natin 'to pag usapan. Gabi na, may pasok ka pa bukas." sagot nito na tinalikuran na ako at umalis.

Ano na bang nangyayari. Ang hirap naman nito. Kung tama nga ang pakiramdam ko kung ano ang nangyari kina Mama, bakit naman gagawin ni Papa yun. Anong dahilan? Mabait si Papa at alam kong hindi niya kami magagawang iwan o saktan man lang. T_T

Dear myself, Love, AsyumeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon