Oras na ng pasukan sa bago kong eskwelahan, pero bigla nalng tumibok ng mabalis ang puso na parang lalo akong kinabahan. Bigla kong hinanap ang dahilan, at isang babae ang dahilan. Pinigilan ko ang sarili ko na mahulog ang loob ko sa kanya, pero tama nga ang mga sinasabi ng iba, hindi mo kayang pigilan ang nararamdaman mo. Pagkalipas ng ilang oras, nagsimula na ang orientation day ng aming section. Duon may nakilala akong mga bagong kaibigan at kaklase, pati bagong adviser pero namimiss ko lalo ang mga dati kong kaibigan na nakasama mahigit na isang taon, pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang pangyayari.
Natapos ang isang araw na wala pa rin akong nakikilala sa mga bago kong kaklase pero naging masaya naman ako dahil nalaman ko na dalawang araw ang P.E. day namin, kaya ang ibig sabihin na makakapaglaro ako ng paborito kong sports na VOLLEYBALL. Pagkatapos ng ilang araw, nagsabi ang aming principal na magkakaroon daw ng audition sa pagsasayaw. Ang audition na ito ay sa pagsali rin sa grupo ng eskwelahan. Kaya sinubukan ko. Hinintay ko ang araw na iyon at noong dumating na ang araw na iyon lalo na akong kinabahan. Pero lalo akong ginanahan lalo na nakita ko ang babae na nagpatibok ng puso ko, kaya lalo akong ginanahan. Pagkatapos kong sumayaw, duon na nanaig ang pagiging negatibo kong pagkatao at lagi ko na iniisip na sigurado ako na hindi ako matatanggap.
Kinabukasan tinanong ko ang aking guro sa asignatura na MAPEH na kung nakapasok ba ako o hindi, at sobrang natuwa ako dahil nalaman ko na nakapasok ako at napansin ko na sa section namin ako lang ang nag-audition at nakapasok kaya gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ko. Pero nalungkot din ako dahil nalaman ko na ang babaeng nagpatibok ng puso ko ay hindi nakapasok, kaya hinanap ko ang pangalan niya at nalaman ko na si Mich (di tunay na pangalan).
Pagkatapos ng ilang araw, pinatawag na ang lahat ng miyembro ng grupo, at duon ko nakilala si Maica ang kaibigan at nakasama ni Mich sa pag-audition. Masaya ako dahil nakilala ko din ang kaibigan ni Mich. "Simula bukas magsisimula na ang ating unang practice", sabi ng leader namin. (Kinabukasan) pagkatapos ng klase lahat ng miyembro ay pumunta sa loob ng isang silid para duon gawin ang pagpapractice.
Habang tumatagal, nawawala ang pagmamahal ko kay mich at di ko alam kung bakit. Pagkatapos ng ilang araw na tuklasan ko na kay Maica na pala nahulog ang loob ko. Di ko na alam ang gagawin ko.
YOU ARE READING
UnLoved Person
RandomThis is a true to life story of a student who is still finding love. And yet he is still waiting