Chapter Twelve: The Engagement

4.4K 74 7
                                    

Marceline's POV





Sa wakas at natapos din. Kung hindi lang talaga request 'to ng isa sa mga diyos ng kagwafuuhan, hinding hindi ko 'to gagawin. Ni hindi ko nga alam kung ano naging itsura ko doon. Sana lang po mukha pa rin akong tao.






Napatingin ako sa kasama ko ngayon sa dressing room. Kasama siya ni Young Master June, isang magandang babae. Ang masasabi ko lang, may experience na siya sa ganito. Ang galing niya kasing magmodel.






"Hi po !" bati niya. Napansin niya palang tinitignan ko siya. "Kayo po siguro si Ate Marceline, yung masarap magluto lalo na ng lunch ni June."







"Ah... hehe... Ako nga, Marceline Apostol," kinuha naman niya agad ang kamay ko at nakipagshake hands. Sa totoo lang, dumadami ang kakilala ko dito. Haha. "Ako naman po si May Clinton, classmate po ni June," sa totoo lang, napakasweet ng boses niya.






"Okay na ba ang lahat ?" tanong ni Young Master Apollo nang katukin niya ang pinto. "Opo, Young Master Apollo," sagot ko naman at inayos na ang mga ginamit namin. Ayoko namang uwan na lang na ganun ang itsura doon. Tinulungan naman ako ni May kaya mabilis naming naayos iyon.







Paglabas namin, hinihintay pala kami ng mga Young Masters ko.






"Let's go," sabi ni Young Master June at hinawakan ang kamay ni May. "Mauna na kami, Kuya. Susunod na lang kami."







Tumango lang si Young Master Apollo at ako naman ang hinarap. "Job well done, Marceline. Salamat sa oras mo," nakangiti nitong bulong. Nasa side ko lang kasi siya kaya konting lapit niya lang talaga sa'kin, magkalapit na agad ang mga labi niya at tenga ko. "Tara na din," huling bulong niya at naglakad na. Kitang kita ko pa yung smirk niya.







Huminga ako ng malalim bago sumunod. Kasi naman, alam kong namumula na naman ako. Ang init inti kasi ng mukha ko. Nilingon niya ako, kaya naman kitang kita ko ang ngiting gwapo niya. Dagdag po para sa Makalaglag Panty 101 ng mga Young Masters ko.






"Halika na, pupunta pa tayo sa engagement party ng bestfriend natin," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bestfriend ? HALA ! Si Alexie lang ang pumapasok sa isip ko !






"Kilala niyo po ba si Alexander Mendez Jr. ?" tinanong ko na. Si Alexie lang naman ang bestfriend ko. Pwede rin si Vilma kaso may fiance na rin daw siya.







Nagsmirk siya. "Alexie, tama ?"








---




Gusto kong magfacepalm. Si Alexie !? Ang beki kong bestfriend, engaged na !? Paano nangyari yun ? I mean, hindi naman talaga imposibleng mag-asawa siya. Gwapo, maalaga, mabait, mayaman... pero katulad nga ng sabi niya... MAGANDA SIYA. Kung alam ko lang na mae-engaged din naman pala siya, dapat pala niligawan ko na. Seryoso, crush ko kasi siya.






"Don't think too much, Ai," malambing na sabi ni Young Master Apollo. Di ko alam kung paano pero kumalma ang utak ko.





HAYYYYYY ! Alexie, nagugulat ako sa mga pinaggagawa mo. Pero sana, maging masaya na siya. At least, pwede pa pala akong maging ninang ng mga magiging anak niya. Haha. Ang isa pang katanungan sa'kin, sino yung swerteng babae ?





Naputol ang iniisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello ?" sabi ko ng sagutin ko yung tawag. Unknown number kasi.







Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon