Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito. Siguro halos 30 minutes na akong nakatitig sa laptop ko. Ilang tao na din ang naglabas masok dito sa coffee shop pero di ko pa din nasisimulan ang story ko. Wala akong inspirasyon. Siguro dahil na din hindi ako makapagconcentrate sa ingay ng mga tao dito kaya naisip ko na din na umalis sa lugar na yun. Inayos ko yung gamit ko. Sumakay ako sa sasakyan ko at nakita ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang daan papuntang sementeryo, papunta sa puntod ng mga magulang ko. Pag kakita ko sa puntod nila, nakadama ako ng kapayapaan. Naramdaman ko na kahit papano may kasama ako. Naupo ako sa damo, sa tabi nilang dalawa. Kinuha ko ang laptop ko, binuksan ko Ito at nagsimula ng gawin ang storya ko.
"Ma, si Nathan po." Naaalala ko pa din ang unang beses na nakilala ni mama at papa si Nathan. Nakaconfine si papa nun sa hospital, malala na ang kundisyon nun ni papa. Lung cancer. Ilang linggo lang, sumuko na din siya. After a month, hindi na din kinaya ni mama yung sakit na naramdaman niya nung iniwan kami ni papa. Sumuko na din siya, iniwan niya na din ako. Nagsimula akong ulit. Pinilit kong magpakatatag, pinilit kong tumayo sa sarili kong mga paa. Naging mahirap nung simula pero nasanay din ako. Nabuhay ako ng masaya, dahil alam ko na ito din yung gusto nila papa. Pero di naman ako mag-isa, nagsimula ako sa naging bago kong buhay ko na kasama si Nate.
"Oh, gising ka na pala. Gutom ka na ba?" Nagising ako isang umaga na siya na ang kasama ko sa bahay. Ako yung tipo ng tao na di marunong magluto, wala akong alam sa buhay. Nakakahiya man sabihin pero yun yung totoo. Nasanay kasi ako na bina-baby ako nila mama. Only child kasi ako.
"Kumain ka na, nagpirito ako ng hotdog. May hot water na din jan kung gusto mo naman mag-tea." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang pencil niya. Architect si Nathan. Kumandong ako sa kanya, nilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko. Sinimulan niya akong halikan, damang dama ko ang malambot niyang labi. Natigilan ako, tumakbo ako papunta sa banyo para mag-mouthwash. Tumakbo ulit ako pabalik at kumandong sa kanya. "Game na ulit babe!!" nakangiti kong sabi. Natawa siya. "Kumain ka na mahal ko."
Araw ng Linggo nun. Pagkatapos kong kumain sabay kaming naligo. Pumunta kami sa simbahan, pagkatapos ng mass niyaya ko siyang kumain sa labas. Pero ayaw niya, masyadong siyang matipid. "Mag-grocery na lang tayo." Isang bagay na sobrang ikinatutuwa ko sa kanya, parang siya pa yung babae sa aming dalawa. Mas madami pa siyang alam sa buhay kesa sa akin.
Pagkatapos namin mag-grocery umuwi na kami. Siguro sa sobrang pagod di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. "Hmmm." naramdaman ko ang labi ni Nate sa leeg ko. "Sorry baby nakatulog ako." Ngumiti lang siya. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Masaya ka ba?" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa kisame. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya, dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. "Oh, tinatanong ko kung masaya ka ba." Halik sa labi ang isinagot ko sa kanya. Masaya namin pinagsaluhan ang gabi. Kinabukasan nagising na lang ako na pakiramdam ko ang saya saya ko. Yun ang unang beses na may nangyari sa amin. Di ako nagsisisi dahil alam kong sa deserving na tao ko ibinigay ang bagay na kay tagal kong iningatan.
Ang himbing ng tulog niya. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Pinag-aralan kong mabuti ito. Simula sa noo, kilay, pilik mata, yung singkit na mata, pati na din yung itim at puti sa mata niya, yung matangos niyang ilong, yung manipis niyang mga labi, at yung baba niya. Sinuklay suklay ko ang mahaba niyang buhok gamit ang mga daliri ko. Nagising siya.
"Kanina ka pa ba gising? Gusto mo na ba kumain?" Iling lang at ngiti ang isinagot ko sa kanya tsaka ko ipinatong muli ang ulo ko sa dibdib niya. Sa pagkakataon na yun damang dama ko yung saya, yung saya na noon ko lang nadama sa tanan ng buhay ko. Di ko na namalayan na naluha na pala ako, naluhaan ko na pala ang dibdib niya. Marahil ay nadama niya yun, marahan niyang iniangat ang ulo ko. Tinignan niya ako, kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Nagsisisi ka ba?" Natawa ako sa tanong niya. "Masaya ako. Masaya ako sa nangyari sa atin."